Jak's POV:
12 p.m.
Napasarap ang tulog ko. Akala ko hindi na ako makakatulog nang maayos dahil kahapon.
Dumiretso na ako ng cr at naligo na,
Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko ang food sa ref ko at bumaba na.
"Good noon, anak!"
Nginitian ko pabalik ang parents ko. 2 p.m. pa ang klase ko pero naka-uniform na ako.
"Sabayan mo muna kami." sumunod ako at sumandok na ng pagkain.
"Akala ko 'di pa po kayo makakauwi."
Mom smiled, "Even though we're busy parents, we shouldn't forget that we still have children."
Kusang nag-angat ang tingin ko sa kanya at saglit na napangiti.
"Thank you, parents."
Those words touched my heart. I need those words of affirmation.
----
Kasalukuyan na akong naglalakad dito sa hallway. Limang oras lang naman ang class hours ko pero mukhang mage-extend pa ako ng ilang oras dahil sa daming papeles na nakatambak sa lamesa ko.
Starting to hate papers.
Sa susunod na linggo ay may leadership training pa ako sa Tourism Management kaya wala na akong pakialam sa mga papel na 'yan pagkatapos nito.
"Hoy."
Here he comes again. The gunggong everybody likes except me.
"Ano na naman 'yun, ha?"
"Masarap?"
Kumunot ang noo ko, "Ang alin?"
"Malamang 'yung pagkain na binigay ko sa'yo kagabi. Alangan ako 'di ba? Matagal naman na akong masarap."
"In your dreams." inunahan ko na siya sa paglalakad.
"Hindi mo man lang ba ako sasabihang ingat? Pauwi na 'ko ngayon, oh." pahabol niya pa.
Nilingon ko siya, "Hanapin mo."
"Ang alin?"
"Ang pake ko." inirapan ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Narinig ko pa ang pagtawa niya. Crazy guy.
On the way to the office, may nakita akong mga students na nagkukumpulan, pinagigitnaan ang dalawang babaeng nag-aaway.
Sa buhok pa lang ng isang babae ay kilala ko na ito.
"Jeyda." hindi pasigaw ngunit malakas kong tawag sa kanya. Nagtinginan sa'kin ang students at sabay-sabay na napayuko.
"Jak." huminga nang malalim si Jeyda at lumapit sa'kin.
"Bakit ba kayo nakikiusyoso? Alis!" tila biglang nawalis ang hallway dahil sa bilis ng students umalis sa pwesto namin.
"Jak, I'll explain." hindi ko na pinansin pa si Jeyda at dumako na ang atensyon ko kay Dy.
"Eskandalosa, desperada, makapal ang pagmumukha, ngayon naman kung sino-sino na lang ang binabangga. Ganyan ka ba pinalaki ng magulang mo, Dy?"Magmula kanina na dumating ako hanggang ngayon ay nanlalaki pa rin ang mata niya at halos hindi na makatayo nang matuwid.
"W-Wala akong ginagawang masama. Bakit ka ba nangingialam--""Bakit ang kapal ng makeup mo?"
"A-Ano?"
"Ang kapal na ng mukha mo tas ang kapal pa ng koloreteng pinaglalagay mo. Sa susunod na haharap ka kay Jeyda o kahit sinumang kakalabanin mo sa campus na 'to, siguraduhin mong maganda ka."
BINABASA MO ANG
CAN IT BE? (on-going)
AksiUNDER MAJOR EDITING. ---- Any insights about conditions of love? Would HE take the risk to get HER old self back? Or could it go otherwise? Can HE know HER secret? Can SHE give him the love HE deserves? Can SHE win against the pain and suffer s...