CHAPTER 6

136 51 4
                                    

Jak's POV:
9 p.m.
Binuksan ko ang laptop ko at naglibang na lang sa fb. Nagbabakasakaling mabawasan ang mga iniisip ko.

1,280 friend requests.

Tinignan ko ang mga nag-friend request at inaccept lang ang mga kilala ko. Nagulat ako sa pangalang napabilang doon.

Kendrick Guevarra.

Napairap ako. Lakas talaga ng loob e. Tinignan ko muna ang wall niya. Syempre, it's part of a thing before accepting someone.

40,670 followers

4,890 friends

5 mutuals

Sinunod ko naman ang mutuals.

Jazel Manuel-Fuentes

James Fuentes

Renz Fuentes

Wow ha! Friends ang family ko? Pati si James? Paano naman niya nakilala ang kapatid ko?

Jordan Manuel

Pati rin si Dean. Lakas.

Hindi ko inaasahan ang sunod na pangalang bumungad sa'kin. Mau Haven Dela Fuente

They're friends?

Hmm, sabagay etong si Maureen ay matakaw sa boys kaya hindi na rin ako magtataka. Panget naman ng taste ni babaita sa pagpili dito kung gano'n.

Inaccept ko na lang ang request niya. Baka umiyak, e.

Nag-update ako ng bio ko na 'in mess; don't dare to chat.' Until now kasi maraming nagm-message sa'kin sa messenger na kinukumusta ako. Ayoko silang kausapin for now. Maybe kapag trip ko na lang.

Kaso may biglang nag-notif na nagchat at nasuka agad ako sa pangalan.

Kendrick Guevarra: Anong mess? Kalat ka ghorl?

Me: Stalker ka talaga 'no? Ba't hindi mo na lang din aminin na crush mo 'ko para mapanatag na kalooban mo.

Him: Kapal ng mukha. As a future business partner, I'm concerned.

Me: Or as a 'future partner', you're concerned?

Him: HAHAHAHA. I like that. Hmm, seems like your prediction will happen soon.

Me: Very true. In your dreams.

Umirap ako at sinarado na ang laptop. I don't have time sa biruan. Allergic na 'ko 'don.

Pagkababa ko, nanonood sa TV si James. Si Mom naman ay nagbabasa ng magazine habang nakaupo sa may garden. Matatanaw kasi ang garden kahit sa hagdan pa lang because of the glass door. Mukhang nasa garahe naman si Dad.

"Oh, Jak. Kumain ka na muna. Tapos na kami kumain." sabi ni yaya galing ng kusina at may bitbit pang cookies. Mukhang nag-bake ulit sila ni Mom.

"Hindi na po. Kukuha lang po ako ng tubig."

"Hindi ka na kakain? Adobo yung ulam."

"On diet."

"Matutulog ka na walang laman ang tya--"

"Yaya sabi ko po hindi na." medyo napagtaasan ko yata siya ng boses dahil nagulat siya. Ganoon na rin si James at Mom na napatingin sa'kin.

"Jak, ano ka ba naman? Bakit pinagtataasan mo ng boses ang yaya mo?" lumapit si Mom sa'min.

Bumuntong-hininga ako. "I'm sorry. Aakyat na po ako."

"O-osige, Jak. Pasensya na rin."

Tumango na lang ako at umakyat na papuntang kwarto ko.

Dahil sa nangyari, hindi ako nakakuha ng tubig, hays. Siguro mamaya na lang 'pag wala na sila sa baba. Wala akong magandang mukhang maihaharap sa kanila.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nag-netflix na lang ako sa TV ko. Nanood ako ng zombie movies dahil favorite ko 'yon. 4 hrs yata tumagal ang panonood ko dahil mag-1 am na.

Nang matapos ang movies, napagpasyahan ko na ring bumaba para kumuha ng tubig at chips. Nagutom ako ng slight, slight lang naman.

Siguradong tulog na sila dahil madilim na sa baba kaya nag-flashlight na lang ako sa phone. Pagkakuha ko sa kailangan ko ay dali-dali akong umakyat.

Bigla akong napatigil nang matanaw sa malaking bintana mula sa kinororoonan ko ang isang taong nakasandal sa motor at pawang nakaabang sa labas ng bahay namin. Ang mas nakababahala pa, mukhang hindi siya taga-rito sa subdivision.

Pinatay ko na muna ang flashlight ko. Ang poste sa kalsada ang nagsisilbing ilaw ko.

Sigurado akong sa kwarto ko siya mismong nakatingin.

Hindi kaya siya ang sumusunod sa'kin?

Hindi ko makita ang mukha dahil naka-mask at helmet. Tanging mata niya lang ang nakikita. Mukhang all-black ang kasuotan nito at sinigurong buong katawan niya ay natatakpan, marahil upang hindi ito makilala.

Dahil sa lalim ng pag-iisip ko kung sino siya, hindi ko namalayang lumipat na ang tingin niya sa pwesto ko! Parang nag-eye contact pa nga kami!

Ilang lunok na ang nagagawa ko pero hindi pa rin mapakalma ang puso kong dinaig ang Ferrari sa bilis.

Hindi ako sigurado kung nakita niya ako pero nagawa ko pang yumuko at gumapang papunta sa kwarto ko.

Bakit ba naman kasi ang aga matulog ng mga kapitbahay namin, e! 1 am pa lang oh! Kapag ako biglang namatay nang hindi pa nagkakajowa, sila sisisihin ko. Edi sana walang stalker sa amin kung gising pa sila.

And wait... Saan pala nanggaling itong taong 'to? May guard kami dito sa subdivision kaya hindi makakapasok ang outsiders nang gano'n-gano'n lang. Maliban na lang kung taga rito rin siya sa subdivision.

Don't overthink, goddess. Masisira ang kagandahan mo. Baka matulad ka kay Dy.

Gumapang ako palapit sa balcony at sinilip siya. Nakita kong sumenyas pa siya na babarilin ang kwarto ko pero daliri lang niya ang gamit.

Damn.

Gusto niya talaga ng patayan. Mukhang alam ko na rin kung sino ang sumusunod sa'kin.

Inayos na niya ang motor niya at mukhang aalis na siya. Mabuti naman. Pero nung pinaandar niya ang motor, nagtaka ako nang magliparan ang buhok niya. Doon ko lang din napansin ang hubog ng katawan niya.

Babae siya?

CAN IT BE? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon