CHAPTER 22

101 39 0
                                    

Jeyda's POV:

"Ms. Min."

"Yes, Dean? Pinapatawag niyo raw po ako." yumuko muna ako biglang respeto saka umupo sa upuang kaharap ng table niya.

He sat on his swivel chair and took off his glasses, "Nakailang contact na ako kay Jakayla pero hindi siya sumasagot. I needed her to approve all of these files. Alam mo ba kung nasa'n siya?"

I looked at my watch. 4 p.m.

"Ahm.. hindi ko pa po siya nakikita magmula kaninang umaga. Tinawagan ko rin po siya pero--"

He cut off my words, "Pumasok siya kaninang umaga. My assistant told me na dapat pupunta silang dalawa dito para sa meeting. Pero may tumawag daw sa kanya. Narinig nung assistant ko na natataranta si Jak habang kausap daw si Ms. Dela Fuente tas umalis daw siya agad ng school na hindi man lang pinatuloy ang practice," he harshly sighed, "It's considered as cutting class."

"I can talk to her po."

"Alam mo bang nabugbog ang kaibigan mo rito sa school?"

Nanlaki ang mata ko, "Po?!"

"Yes. I'm so worried of her."

Para akong tinakasan ng dila ko dahil hindi ako makapagsalita sa gulat. Secured ang school namin. It's an international school and protected na rin 'to ng high officials ng country. How is that possible?!

"D-Dean.. baka naman po may dahilan kung bakit nangyari sa kanya 'yun? Hindi po kayang magsimula ni Jak ng away."

"Alam ko 'yun. Pero hindi rin tama na pumapatol siya. Hindi ko pa masabi sa mom niya ito lalo na't hindi pa kami nagkakaayos. Baka mas lalong gumulo ang sitwasyon."

"Ako na lang po ang magsasabi--"

"Hindi na. Kailangan ako ang kumilos. Ako ang Dean ng school na 'to. It's my responsibility to look after my niece."

Tumayo na ako, "Maiiwan ko po muna kayo." yumuko ako at umalis na sa office niya.

Pagkalabas ko pa lang, tinawagan ko na agad si Jak pero hindi siya sumasagot! Nagsisimula na akong mag-alala!

Sa lahat ng pwedeng bugbugin dito, bakit siya pa? Na sobrang nirerespeto ng mga students?

Sana ma-karma ang mga gumawa sa kanya nito.

Takaw-gulo na talaga ang babaeng 'yon.

"Ms. Min."

Napalingon agad ako nang marinig ang boses ni Dean.

"I know it's really hard but please do me a favor. Ikaw lang ang pwede kong ipagkatiwala sa head ng SC mamayang meeting. Don't worry, mas dagdag sa grades mo 'to. You've become so responsible officer."

"No problem, Dean! 1 day lang naman po 'di ba?" bigla akong nag-alala. Ang hirap kasi maging SC Pres. Sobra.

Ngumiti siya, "Thank you so much."

Ngumiti rin ako pabalik at nagpaalam na. Mamayang 5 p.m ang meeting namin with school officials kaya may oras pa akong maghanda. Kinakabahan ako huhu.

First time kong magsasalita sa harap ng mga high officials at kailangan pormal ang mga kilos at salita ko.

Asa'n ka na ba kasing Jakaylita ka?! Ikaw ang magaling dito e!

Siya lang kasi ang nasa harap tuwing meeting at kaming officers ay nasa pinakalikod para manood.

Tinext ko si Ashleigh na mag-meet kami sa garden. Wala kasi akong kasama at ang lungkot.

Ashy:

Sige wait! Papunta na me.

CAN IT BE? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon