"Guilty."
Napatayo ako dahil sa narinig ko. Halos sunugin ko na sa isip ko ang judge na hindi kalayuan sa pwesto ko.
"That is.. not true. I am not a criminal! I can prove it!"
Tumayo ito sa pwesto niya at mariin akong tinignan, "Take her out of her position! Take her earnings down as well!"
Nilapitan ako ng mga pulis ngunit mabilis kong nahablot sa isa ang baril at tinutukan ang hukom. Nagsimula nang magsigawan ang mga taong nasa loob ng korte at nagkaguluhan.
"I-Ibaba mo ang baril!"
"Kapag pinutok ko ang baril sa mismong ulo mo ngayon, kriminal na agad ako," I smirked, "I'm guilty because of what? Giving justice and rights for my people! Ikaw? Nagsisilbing bayaran ng mga kalaban para ipagdamot ang hustisya!"
"You have no right--"
"I have the right to judge you! I'll accept this imprisonment to prove that I'm innocent! And I'm telling you, in order to survive, find the best lawyer, the best alliance, and the best personnel to disregard me because once I step out of jail.." gumuhit ako ng isang linya sa leeg ko, "You're dead."
"Patuloy ka lang umasa! Y-You don't even have the power to execute me! I will not let you ruin this country. Mark my words!"
Ngumisi ako, "Kalma ka lang, judge. Hindi pa 'ko nagsisimula. Masyado kang natatakot sa isang 19 years old." kitang kita na ang pangingilid ng luha niya sa galit.
"M-Mas dinadagdagan mo ang kaso mo, Fuentes! Ibaba mo ang baril!"
"Hindi ba't kapag nanlaban ang suspek, pinapatay na?" binatukan ko ng ilang beses ang isang pulis gamit ang baril ngunit nanatili lang ang kapulisan sa pwesto nila at hindi man lang ako barilin.
"I see... You need me. That's why, all of you didn't bother to shoot me. What a shame."
"For the last time! Ibaba mo ang baril dahil kahit anong sabihin at gawin mo, mananatili kang talunan!"
Tinawanan ko siya at nagpaputok sa kisame na nagpagulantang sa mga taong nasa korte, "How come na talunan ako? I am the most powerful woman, the last standing, and the hidden ace of this country. Being a teenager, at the same time talking to an idiot in front of me is totally gross."
Kinuha ko ang posas sa isang pulis na nakatutok pa rin ang baril sa'kin. Halata ang gulat sa mukha nito. Kusa kong kinabit sa sarili ko ang posas at nilibot ang tingin sa mga taong natatakot na nakatingin sa'kin.
"Promises are meant to be broken. I don't even do promises. But for the first and last time, I promise to protect and serve you. Justice will be given to you soon. Wait and I'll fight for the right."
BINABASA MO ANG
CAN IT BE? (on-going)
AksiUNDER MAJOR EDITING. ---- Any insights about conditions of love? Would HE take the risk to get HER old self back? Or could it go otherwise? Can HE know HER secret? Can SHE give him the love HE deserves? Can SHE win against the pain and suffer s...