CHAPTER 1

335 66 6
                                    

Jak's POV:

*knock knock knock*

Argh, morning again. Tamad na tamad akong bumangon para buksan ang pinto. Nagla-lock kasi ako kapag matutulog.

"Good morning!" bungad sa 'kin ni yaya na may hawak pang basket ng mga damit. 

Pumikit ako saglit habang nakatayo katabi ng pinto dala ng sobrang antok. 

"Gising na. Nabago na naman body clock mo 'no? Nandito ka na uli sa Pinas, bagong oras na ulit." mahina siyang natawa.

Nagmulat ako at napakamot sa ulo. Pumasok siya sa kwarto ko at nilagay ang mga damit sa walk-in closet.

Nakakairitang umaga.

"Ayoko pong pumasok. Pasabi na lang kila Mom." hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa kama. I'm freaking sleepy and tired! 

Kasalanan 'to ng parents ko, e. Bakit ba kasi pinilit pa nila akong umuwi ng Pinas, e okay na buhay ko sa US. Ni hindi ko pa nga natatapos ang therapy ko roon.

"Jak, kailangan mong pumasok lalo na't first day of school. Bawal kang um-absent, alam mo 'yan. Ito ang araw na dapat handa ka na." kinuha niya ang isa kong kamay at hinila ako. Syempre, nagpagaan na lang ako, baka magka-rayuma pa siya.

"Sige na, nak. Kailangan ka do'n."

"Ano naman gagawin ko do'n? Haharapin ang epal kong professors? Mga chismosang schoolmates? Mga pakialamera sa buhay?" I crossed my arms, "Oh yeah, I'll better choose to stay here in the house and sleep."

Mukhang natigilan naman siya. Binitawan niya ang basket at hinawakan ang kamay ko, "Jak, hindi mawawala ang mga chismis. Talagang gano'n lalo na't mataas ang posisyon mo sa school, sikat ka. Kailangan mong ipakita sa kanilang maayos ka at walang pakialam sa kanila, hayaan mo sila. 'Wag kang magpapaapekto lalo na't alam naman natin ang totoo." nag-iwas ako ng tingin at bumitaw sa hawak niya.

"Maliligo na po ako, ya." bumitaw ako sa hawak at may sama ng loob na dumiretso ng cr.

----

I wore a white shirt tucked in my red skirt with black denim jacket and silver stilettos. I put some light make up. I just let my long brown wavy hair down. Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos, bumaba na ako para sumabay ng breakfast kila Mom and Dad.

"Good morning, sleepyhead!" bati sa 'kin ni Dad. Napairap na lang ako sa kakulitan ni Dad at bumeso sa kanilang dalawa.

"How's wonderland?" tanong sa 'kin ni Mom.

"What?"

Humalakhak si Mom, "How's sleep?"

"Corny." sabi ko sabay irap at umupo. Humigop ako ng gatas sa baso ko saka nagsimulang kumain. Buti na lang sabay kaming kumain ngayon, usually they're busy.

My dad's name is Renz Oliver Fuentes. He's 49 years old but still looks young. My mom's name is Jazelynne Eliseo Fuentes. She's 44 years old and again, still looks young. Siguro kasi madalas silang nagpupunta sa US kaya ang gaganda ng mukha.

Kaya pati ako ubod ng kagandahan, e. No wonder why I'm a goddess. It's just me, no tornado feels.

"The company is stable now, hon. Thank God." Mom sighed.

"I know. Thanks to them."

"Grabe talaga si bff!"

"Why, Mom? Anong nangyari sa company?"

"Yung kalaban nating kompanya, nagbigay ng threats sa atin kaya 'yung ibang staffs, nag-resign."

Tinaas ko ang kilay ko, "Why don't you sue them?"

Umiling siya, "Sayang lang mababayad natin sa abogado. You know how they play the game. Madaya."

"Hindi ba nila alam, kapag nahawakan ko na ang kompanya, hindi na makikilala pinaghirapan nila?" biro ko.

"Grabe ka naman, nak. 'Wag ka naman ganyan. Dapat mabait ka kaya sige lang, pahirapan mo pa sila lalo ha?"

Mahinang pinalo ni Mom si Dad sa braso, "Ikaw talaga! Kaya manang mana sa'yo 'yan, e."

"Deserve nila 'yon. Don't be kind to wild animals." pabiro kong inirapan ang nanay ko.

"Edi na-animal abuse naman ako?"

Sense of humor 101. Double meaning 'yon. Sige, isipin niyo. 

Marami pa kaming pinagkuwentuhan ng parents ko. Tinignan ko pa paminsan-minsan ang sarili ko sa salamin ko. Grabeng kagandahan 'to. Wala nang katulad pa.

----

I parked my car in the parking lot of Enderunt Academy, my school. 

I got out of the car with the high confidence unlike before. As I walked to the hallway, all the eyes and attention are on me. My stilletos are clicking on the floor.

 I walked with no emotions on my face. Mukhang ang iba ay nagulat sa'kin na nandito ulit ako. 

Surprise, stupidents. 

I'm back.

Pumunta ako sa cafeteria at nag-order ng strawberry frappe. Buti naman ay mabilis kumilos ang tindera, mukhang nataranta pa siya nang makita ako. Good, ayoko ng pinaghihintay ako.

"JAAAAAK!! IKAW BA YAN? OMG!!!" agad akong napalingon sa sumigaw at bago pa ako makalingon nang maayos, agad na yumakap sakin nang mahigpit ang taong 'to. Tsk, tsk ang byutipul body ko.

"Sino ka?" pang-aasar ko sa kanya. Walang pinagbago ang kaibigan ko, makulit pa rin.

Ngumuso lang siya at umirap, "Na-miss kita super duper! Musta ka na?! Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi kasi excited ako ngayon. Sabi kasi ni Dean papasok ka na ngayon, e!"

Siya ang best friend ko mula pa noong grade 7, si Jeyda Amber Min, 18 years old. Half-Korean siya, her dad is Korean. Mayaman, maganda, sikat, matalino at youngest sa 'min ng squad. 

"Grabe, namiss kita!" pasigaw niyang sabi habang pinulupot ung kamay sa braso ko.

"The feeling is not mutual." 

"Hmp! Musta U.S--" naputol ang sinabi niya nang may sumigaw at patakbong lumapit sa'min.

"OMG!!! JAK?! SHOCKS!" salubong naman ng isa pa naming kaibigan, ang pinakaconfident at eldest ng grupo, "JAAAK! ANDITO KA NAA AHHHH!!" sinunggaban niya ako ng mahigpit na yakap kaya medyo napaatras ako. 

So umuwi lang ako ng Pinas para sigawan. What a life.

"Stop it, Mau." 

Si Maureen Haven Dela Fuente, 20 years old. Ang ganda ng pangalan diba, pang-anghel di ko lang alam ang may-ari ng name. Mayaman, sikat, maganda, at maingay. Marami ring jowa 'yan. Magkakaiba nga lang ng mukha each day. 

"Jak! Welcome back!" sabi ng isa pa naming kaibigan, kasunod lang pala ni Maureen.

Siya si Ashleigh Dawn Miller, 19 years old. May dugong American, sa daddy niya rin ang lahi. Mayaman, mabait, sikat, maganda, matalino at anghel! She's like my twinnie kasi same kami ng birth month and year. Siya ang pinakamabait sa amin pero may katarayan at kaingayan din basta kami ang kasama.

"Eto kayang masungit namiss ako?" Lumapit sa 'kin si Ash.

"Sakto lang." 

"Good to see you again after almost 2 years! Jusko. Namiss talaga kita! Hindi ka man lang tumawag sa'kin kahit sa Messenger, hmp!" aniya.

"Busy ako umiyak no'n."

"Let's group hug, bitchessas!" sabi ni Maureen at yon nga ang nangyari. Tumatalon-talon pa kami habang naka-group hug. Wala e, kailangan ko ring tumalon.

At ako? Dyosa lang.

My name is Jakayla Elise M. Fuentes, 19 years old. Maganda, Dyosa, Diwata, Kagandahang Walang Katumbas, Isang Bulaklak sa Paningin ng Mga Bubuyog.

I don't feel good nor bad. Just grateful to see and be with my friends after a long time. They keep on teasing me na may makakaaway na naman ako. In short, takaw-gulo at napaka mainitin ang ulo.

Well.. No one can resist my attitude.

And I believe in that.

CAN IT BE? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon