Jak's POV:
"Ate! Ate! Kumusta ka?""Love? Ang laki na ng baby ko ah!"
"Hey! Dalawang taon lang tanda mo sa 'kin 'no!"
Ginulo ko ang buhok niya. "Sus, baby pa rin kita!"
"Always be happy, Ate. Okie? Promise me!"
"Of course! E bakit mo naman sinasabi 'yan nang biglaan ha?" she just grinned.
"Wala lang. Soon to be CEO ka na rin ng company in 5 years. Kaya 'wag mong kakalimutang maging masaya kahit maraming problema."
"Binabawi ko na nag-promise ako sa'yo. Hindi ko matutupad--"
Umiling siya at kusang bumitaw sa akbay ko saka naglakad palayo, "You should do it."
"Jak! Jak! Gising! Gising, anak!" Nagising ako sa pagyuyugyog ni Mommy sa balikat ko.
"Why are you crying? Nananaginip ka." niyakap niya ako nang mahigpit at hinaplos-haplos ang likod.
"Mom... Please.. I can't take it anymore.." pinagpapalo ko ang dibdib ko. Ang sakit sa puso.
Bumitaw siya sa yakap at pinunasan ang luha ko. Tinignan niya ko nang maigi, "Anak, what are you saying?"
"I'm deeply hurt. I want to repay--"
"Shhh. You know what happened, it's an accident. No one wants that, right?"
"Nahihirapan ang konsensya ko. Kahit sabihin niyong hindi ko kasalanan, ako pa rin ang may kasalanan. Kung hindi dahil sa'kin, kasama pa rin natin siya. Kasama pa rin siya ng dad niya."
"We talked about this with them. Don't blame yourself," she cupped my cheeks, "Okay?"
Hindi ako sumagot at yumuko, "It's easy for you to say that, Mom. But personally, it feels like there are hundreds of reasons shattering me."
----
Ashleigh's POV:
Naglalakad ako sa hallway ng school nang mag-isa. May klase si Jeyda. Si Maureen? Malay ko sa babaeng 'yon kung anong balak sa buhay. Si Jak naman, walang pasok ngayon.
Tuwing naiisip ko siya, hindi pa rin ako makapaniwalang tuluyan nang nawala sa pagkatao niya ang pagiging hyper at madaldal. Nakakamiss siya..
That "Ashleigh! May sasabihin ako hihi!" o kaya "Dali na! Lab mo naman ako 'di ba?" sabay pout pa 'yan.
Malandi talaga sa'min 'yan.
Sanay naman kaming laging nambabara 'yan noon pero 'yung walang pakialam sa ibang students? Walang pakialam sa paligid niya at walang emosyon ang mukha. Kahit ang makipag-usap sa amin nang matagal, hindi niya kaya.
Hindi siya ganyan dati. Sobrang baliktad ng personality. Kung tutuusin, siya ang may best social skills sa'ming apat pagdating sa casual talks at ngayon, siya na ang iniiwasan ng mga students na ma-approach.
I didn't know from the start na kalat na pala ang nangyari noon dito sa school. Kaya maging ang takot sa tingin ng mga students tuwing dadaan si Jak ay hindi ko na kukwestyunin.
Biglaan lahat.
Pumunta na muna ako sa locker ko para ibaba yung iba kong gamit. Binuksan ko ito at gulat na gulat sa nakita.
'Hello, Ash. Have a great day!'
Napakunot ang noo ko sa papel na hawak. Sino naman ang maglalagay ng ganito sa locker ko? Ang creepy ah.
"Ms. Ashleigh, may tanong lang po sana ako kung okay lang sa inyo." nginitian ko ang janitress.
"Ano po 'yun?"
BINABASA MO ANG
CAN IT BE? (on-going)
AçãoUNDER MAJOR EDITING. ---- Any insights about conditions of love? Would HE take the risk to get HER old self back? Or could it go otherwise? Can HE know HER secret? Can SHE give him the love HE deserves? Can SHE win against the pain and suffer s...