CHAPTER 118:

912 47 12
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 118:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nakatingin parin ang tatlong seniors sa mga first year. Hindi nila akalain na ganito ka challenge ang makapasok sa kanilang Team. Binilang sila ni Hanamichi.

"Isa, dalawa, tatlo, apat, lima at ikaw ang pang-anim... Kayo ang unang pangkat at ang hindi ko nabanggit ay ang pangalawang pangkat." Sabi ni Hanamichi sa kanila.

"Ang matatalo sa laro ay hindi makakapasok sa Team." Sabi din ni Kiyota.

"Ang goal ng laban niyo ngayon ay ipakita kung anong kaya niyo at magagawa para sa team." Sabi rin ni Ikegami sa kanila.

Pero may nagtaas ng isang kamay sa mga first years.

"Sandali lang po, senpai. Hindi ata pantay itong hatian namin? Ang unfair naman dahil may tatlong centro ang kabilang pangkat." Reklamo na naman nito.

Huminga nang malalim si Hanamichi bago sumagot. "Kung totoo kang player. Kahit apat pa silang centro ay balewala lang kung magaling ka, siguradong kaya mo yan." Sabi ni Hanamichi.

"Imposible yan."

"Posible yun." Sagot ulit ni Hanamichi at naglakad pabalas ng court.

"At bakit ba 6 on 6? Eh limang player lang naman ang kwalipikado sa laro ah?" Reklamo ulit nito.

"Gusto mo 5 on 5 tas ikaw bangko?" Tanong pabalik ni Hanamichi pero hindi na sumagot ang lalake.

"Maglaro na kayo. Manonood kami." Sabi ni Kiyota sa kanila at tinalbog ang bola. Siya ang magrereferee.

Si Hanamichi at Ikegami naman ay nasa bench, samantala si Haruko ay nasa scoring area.

"Galingan niyo first years!" Cheer ni Haruko.

"Oo!!!" Sagot nila.

Pumwesto na silang lahat. Medyo nahihirapan sila sa kanilang lugar dahil sobra ang bilang. Napangisi si Kiyota. Si Hanamichi naman ay napatingin sa tatlong Centro na nagbubulungan, tumaas ang isang kilay niya dahil pawang magkamukha ang tatlong ito.

Nagtawanan ang tatlong centro at tinapik yung kasamahan nila na may suot na pulang piercing sa kaliwang tenga. Napansin din ni Hanamichi na may suot ding piercing ang dalawa, kulay asul at berde.

Magsisimula na sana sila nang tingnan ulit ni Kiyota si Hanamichi.

"Hoy Unggoy! Gagamit ba sila ng dalawang set?" Tanong niya.

Sandaling napaisip si Hanamichi. Kailangan nilang madaliin ang pagpili, masyadong mahaba kapag gagamit sila ng dalawang set na may 20 minutes. Tiningnan niya si Ikegami.

"Isang set lang ang gagamitin nila." Suhestiyon nito.

Tumango si Hanamichi. "Okay, isang set lang."

Ang centro na may pulang hikaw mula sa unang pangkat ay naglakad na sa harapan. Kaharap niya ang centro ng pangalawang pangkat.

Tiningnan sila pareho ni Kiyota at pumito.

(Pumito...)

Hinagis niya ang bola.

Sabay tumalon ang dalawang centro at inabot yun.

*PAK!*

Nakuha yung ng Centro ng unang pangkat.

"Okay!" Sabi nung isa namay asul na hikaw.

Tahimik lang nakatingin si Hanamichi at Ikegami sa tatlong centro ng Unang pangkat.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon