SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 148:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
(KINABUKASAN...)
Ang Tokyo Team ay inarrange na ang mga gamit para sa paghahandang pag-alis bukas sa Jordan. Nakaempake na silang lahat pagkatapos nun ay iniwan muna sa loob ng kwarto. Sa mga oras na ito ay nasa labas ang mga players at nasa lokasyon ng isang public gymnasium ng Amman City na sinasabi sa kanila ni Al Jayarat.
Pagkarating nilang lahat sa public gymnasium ay muling nagkita sina Maki at Al Jayarat, nagkamayan ang dalawa bilang pagbati. Ang tatlong Coach naman na sina Zakusa, Kawarama at Al Sharafat ay takang nagtinginan. Unexpected situation nor coincidence na parehong silang tatlo na sumama sa kanilang mga players.
Yumuko si Coach Zakusa kay Coach Al Sharafat bilang pagbati. "Magandang umaga po sayo, Coach Al Sharafat."
"Good morning din." Yumuko din ito.
Samantala si Coach Kawarama ay napaekis lang ng kamay. Tumaas ng isang kilay ni Coach Al Sharafat sa expression niya.
"Kawarama..." Sambit nito.
"Elkader..." Sambit din ni Coach Kawarama habang talim na nagtinginan ang dalawa.
Dahan-dahang napaatras si Zakusa sa kanilang dalawa. Pakiramdam niya may madilim na nakaraan ang dalawang Coach na nasa harapan niya. Pati ang ibang players na kasama nila ay nakatingin din sa mga Senior Coaches.
"Anong problema nila? Tensyonado ah?" Bulong ni Hanamichi kay Khader.
"Ewan ko. Hindi ko kilala yang matandang pulang-buhok." Sagot ni Khader na tinutukoy si Coach Kawarama.
Kinakabahan silang lahat. Parang sasabong ang dalawang Coach.
Palipat-lipat ang kanilang mga tingin. Napalunok si Hanamichi. Akmang lalapitan niya ang dalawang Coach nang makita niyang parehong ngumiti si Coach Kawarama at Coach Al Sharafat.
"Pare!" Masayang bati nila at niyakap ang isa't-isa.
"Hahahaha long time no see, Coach Sakuragi." Tumatawang bati ni Coach Al Sharafat.
"Same here. Hindi ko akalain na ikaw pala ang Coach ng number 1 Team dito sa Jordan, Coach Al Sharafat." Ngumiti si Coach Kawarama sa kanya at nag fist bomb ang dalawa.
*Bomb!*
Nagtawanan parin sila.
Napangiwi ang Apat na Ungas sa nakikita nila.
"Totoo ba 'tong nakikita ko?" Mito
"Magkakilala sila..." Takamiya
"Oo nga." Ohkusu
"Baka magtropa sila?" Noma
Samantala ang mga players na kinakabahan kanina sa kanila ay ngayon nagtataka. Mukhang magkakilala at malapit si Coach Kawarama at Coach Al Sharafat.
"T-teka, teka lang Coach Lolo. Magkakilala kayo?" Takang tanong ni Hanamichi.
Lumingon si Coach Kawarama may Hanamichi at ngiting tumango sa tanong nito. "Oo, apo. Siya si Elkader Al Sharafat... Magkaklase kami noon sa Miyagi Affiliated University."
Nanlaki ang mga mata ng parehong Team sa narinig.
"Ano!!!" Gulat na sigaw ni Hanamichi.
"Ano? Talaga? Coach naman, wala kang kinukwento samin!" Maktol ni El Maghraby kay Coach Al Sharafat.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang MVP ng College Matches. Ngayon, bilang panibagong yugto sa mundo ng kolehiyong basketball at haharapin ang ibang College Teams na nagmula sa...