CHAPTER 157: TOKYO vs. PARIS (France)

633 41 24
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 157: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-1st quarter| 15 mins. 39 sec|
Paris Team: 17 | Tokyo Team: 18 ]

Dahil sa tandem ni Hanagata at Hanamichi ay nagawa nito ang tres shot na siyang muling nagpalamang ng isang punto laban sa Paris Team. Nag-apiran silang dalawa. Habang ang opponent players nito ay medyo naiinis na sa kakulitan at ayaw magpatalo na pride ng Tokyo Team.

Tumalbog ang bola sahig at kinuha yun ni Marshall. Walang paligoy na sinimulan agad ang opensa palabas ng half court ng Tokyo Team half court. Mabilis ang kilos ni Marshall at ganun din ang kanyang mga kasamahan sa court kaya nakapasok agad siya sa half court ng Paris Team. Patungo ito sa shooting-guard area.

Sa loob ng Paris Team half court ay nadoon agad ang Tokyo Team. Desidido silang tapatan ang bilis ng Paris Vert Serpents. Nagsikalat sa defense zone sina Hanamichi para pigilan ang opensa nila. Ang umatake sa loob ay si Solevenn at Ozanne, ang nagpaiwan naman sa labas si sina Sylvestre, Sauveterre at Marshall.

Si Hanamichi na nakatayo sa ilalim ng ring ay balak na lumipat ng puntos upang pigilan si Sylvestre na nasa outer area.

Nang pinasa ni Marshall ang bola kay Sylvestre ay mabilis na umalis sa pwesto si Hanamichi at pumalit agad sa loob sina Maki at Fujima.

Nang masalo ni Sylvestre ang bolang pinasa ay agad itong pumuntos ng tres bago pa siya naabutan ni Hanamichi.

*shoot!*

Naghiyawan ang mga taga-suporta nila.

"AYOOOOOS PARIS TEAM!" Cheer nila.

[1st half-1st quarter| 15 mins. 1 sec|
Paris Team: 20 | Tokyo Team: 18 ]

Napaganid ng ngipin si Hanamichi dahil hindi niya napigilan ang tira ni Sylvestre gayong responsibilidad niyang bantayan ang taong yun. Pero hindi niya akalain na sa labas ito titira. At ang malala pa ay lamang ng dalawang puntos ng Paris Team ngayon.

Mabilis na nagsitakbuhan sa defense zone ng Tokyo Team ang players ng Paris at nagplano para sa gagawing depensa laban sa opensa ng Tokyo Team.

Ang bola ay nakuha ni Fujima.

Tumakbo patungo sa half-court ng team sina Maki, Sendoh at Hanagata upang abangan ang bola. Naka seperate silang lima at ginawa ang 1-3-1 set.

Ang depesang ginawa naman ng Paris Team ay 2-3 offense tactics.

Dinribol ni Fujima ang bola patungong power forward area kung saan makakatagpo niya si Hanamichi.

Nagsipuntahan naman sa Center area, Small-forward at Point-guard at shooting-guard ang iba.

"PUNTOS TOKYO!'

Pagkarating ni Fujima sa Power-forward area ay shinoot niya ang bola.

*Pak!*

Sumulpot si Marshall sa harapan niya at naagaw ang bola sa pamamagitan ni Ozanne na nasa likuran lamang at nakasunod sa galaw ni Solevenn.

Si Ozanne ang may hawak ngayon sa bola. Dinribol niya ito palabas ng half court ng Tokyo Team at tumungo sa mismong court ng kanilanh kuponan.

Mabilis na nagsipalit ng pwesto sina Hanamichi at ng iba pang kasamahan nito para sundan ang umuupensa.

Pagkasunod ni Hanamichi ay nagulat siya nang babagan siya nina Sylvestre at Sauveterre. Kaya malayang nakagalaw sa loob ng area sina Solevenn at Ozanne.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon