SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 173: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Kinabukasan...
Ang Tokyo Team ay narating ang lokasyon ng pinakamain standium ng North Macedonia kung saan iheheld ang kanilang laro laban sa Skopje Team. Napawow at namangha sila sa ganda at napaka-prestigious na gymnasium--- ang Boris Trajkovski Sports Center.
"Halina po kayo sa loob, kanina pa puno ang upuan sa gymnasium." Nakangiting sabi ni Kasovska sa kanila.
"Okay." Sagot ni Coach Zakusa at Kawarama.
Sumunod ang ibang players sa kanila. Samantala ang lima na nakipag-inuman kahapon na sina Maki, Fujima, Sendoh, Jin at Sakuragi ay nagkahang-over. Sumakit ang kanilang ulo pagkaumagahan, hindi nila inakala na masyado palang matapang ang canned beer dito sa North Macedonia.
Pagpasok nila sa loob ng standium ay may mga tao pa pala sa hallway ang bumibili ng mga snacks para dalhin sa loob ng gymnasium. Ang ibang pa dito ay nakatingin at nagsibulungan nang makita nila ang kuponan ng Tokyo.
"Kung ganun totoo nga ang balita. Ang Tokyo Black Samuraiz ng Japan ang tumalo sa Paris Vert Serpents ng Japan.
Oo nga, mukhang malalakas sila.
Sabi nila yan daw ang Dark Horse ng Intercollegiate Matches." Bulungan ng mga tao.
Samantala ang Tokyo team ay tahimik lang na naglalakad, hanggang sa nakarating sila sa kanilang locker room area.
*** Locker Room ***
Sa loob ng locker room ay nagsibihis na ang lahat ng players. Habang nag-aayos ng sarili si Coach Zakusa ay napatingin siya sa kanyang gilid nang may umabot sa kanyang ID. Si Mari.
"Salamat." Nakangiting sabi ni Coach Zakusa at tinanggap yun.
Binalikan naman ni Mari sa Haruko na naghahanda sa kanilang blue books kung saan doon nakasulat ang mga data tungkol sa nagdaang laban ng Tokyo Team. At madadagdagan muli ang nakapaloob dun sa labang ito.
Si Coach Kawarama naman ay nanonood sa kanila.
"Good luck sa inyo mga Boys." Sabi nito sa kanila. "Ito na ang pangatlong laban niyo. At kapag kayo ulit ang mananalo ay pasok na kayo sa Best 4 ng Intercollegiate Division 1 Team." Dagdag pa nito.
Ngumiti sina Hanamichi at ang ibang players sa kanya.
"Aba, syempre naman Lolo! Kung nagawa naming talunin ang France na pang Rank 7 Global Team, pwes magagawa din naming talunin ang Rank 6 na Skopje Team!" Mayabang na sagot ni Hanamichi sa kanyang Lolo.
Umubo naman ng peke si Coach Zakusa sa pinagsasabi nito. "Wag kang pasisiguro dyan, Sakuragi." Sabi nito na animoy may kasalanan ito.
"Nang-iispoil lang ako, Zakusa." Ngumisi si Hanamichi.
Sampung minuto na lang nang tumunog ang isang malakas na buzzer mula sa prestige gymnasium ng Skopje City--- ang Boris Trajkovski Sports Center.
(Time Buzzing...)
Sabay napatingin ang lahat ng players ng Tokyo Team sa malakas na buzz na iyon. Yun ay nagpapahiwatig na---
"Magsisimula na." Sabi Coach Zakusa at naunang naglakad palabas ng pinto.
Ganun din ang Tokyo Team players.
Naglakad na sila palabas, habang sina Coach Kawarama at ang Apat na Ungas ay tumungo sa pintuan ng mga Audiences. May nakareserve na upuan para sa kanilang lima malapit sa court upang mas malapit nila mapapanood ang laban.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang MVP ng College Matches. Ngayon, bilang panibagong yugto sa mundo ng kolehiyong basketball at haharapin ang ibang College Teams na nagmula sa...