CHAPTER 163: TOKYO vs. PARIS (France)

608 49 17
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 163: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

*** Locker Room ***

Ang limang players ng Tokyo Team ay sandal na nakaupo sa upuang bakal dahil sa konting pagod na naramdaman pagkatapos harapin sa unang half ang kabilang sa Top 8 Global Rank, ang Paris Vert Serpents.

Isang good compliment para sa kanila ang maging lamang sa pagtatapos ng first half. Dalawang kwarter ay nagawa nilang lamangan laban sa Paris, at nakatulong yun upang maging determinado ang kanilang kuponan na lupigin ang numero unong kuponan ng France.

"Maganda ang performance niyo sa first half, sana ganyan din pag natapos ang laro. Pero--- makinig kayo. Base sa laro ng Paris Team ay simple pa lang ang kanilang mga galawan. Mag-iingat kayo sa 2nd half." Babala sa kanila ni Coach Zakusa.

"Oo... Areglado." Sagot ni Maki.

Isa-isang tiningnan ni Coach Zakusa ang starting players. Si Hanamichi ay nakaupo lang habang umiinom ng tubig. Si Sendoh ay kumakain ng baong lunch box kasama ang triplets, si Fujima naman ay kausap si Hanagata.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mong iyan, Hanagata?" Tanong ni Fujima sa kanya.

"Oo, Fujima. Malakas ang centro ng Paris Team na si Solevenn. Nakakapagod siyang bantayan, walang segundong hindi siya gumagalaw sa kanyang pwesto." Sagot ni Hanagata.

Bumuntong hininga si Fujima. "Sige, hindi yan magiging problema. Kung yan talaga ang gusto mo, ipapalit kita sa isa sa mga Triplets." Sabi ulit ni Fujima sa kanya.

Narinig ni Coach Zakusa ang kanilang pinag-usapan. "Kung ganun ay magpahinga ka na lang muna Hanagata. Papalitan ka ni Hitotsu. But still mahusay parin ang laro mo." Puri nito.

Salamat.

Pagkaraan ng ilang minuto ay wala nang sinayang na oras ang Tokyo Team. Ang 20 minutes break nila ay ginugol sa diskusiyon ng mga magiging taktika, formations ng offenses at defenses nila. Dinemo pa sa maliit na board ang magiging galaw nila specially sa mga unexpected situations katulad ng pagcocorner nila sa kalaban at escape out of the corner.

"Ano, klaro ba?" Pangkaklaro sa kanila ni Coach Zakusa.

Napangiwi si Hanamichi sa kanya. "Sigurado ka dyan, Zakusa? Yang corner na pinagsasabi mo parang ako ang ipapain ah?" Maktol nito.

Binatukan naman siya ni Coach Zakusa. "Gunggong! Kase pagdating sa rebound ikaw agad ang titingnan nila!" Bulyaw niya.

Parang nabingi si Hanamichi sa kanya. "Ano ba! Baket nga ako? Eh pwede namang si Sendoh? Malakas yun mang decoy!" Maktol ulit nito.

"Natural kase sa rebounding area yan, sino ba ang hari sa rebounding area diba ikaw?"

Napatigil si Hanamichi sa kamaktolan niya nang itanong yun ni Coach Zakusa sa kanya.

Oo nga naman, sino ba ang hari sa ilalim ng ring at rebound? Syempre ang poging Henyo na si Hanamichi Sakuragi!

Ngumisi si Hanamichi at tumango na lang. "Sige na nga. Payag na ako. Oo nga naman, ako ang Hari ng Rebound eh NYAHAHAHA!" Humalakhak siya ng malakas.

Samantala si Jin, Kiyota, Fukuda at Ikegami ay nakangiwi sa gilid.

"Andali niyang intuin." Tanging sabi ni Kiyota.

"Ang babaw talaga ng kaligayahan." Fukuda

"Ikaw ba naman gunggong." Jin

Narinig ni Hanamichi ang pinagbubulungan nila. "Tumigil kayo dyan! Ampapanget niyo!" Sigaw niya. Pero nagsi bungisngis lang sila.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon