CHAPTER 119:

783 44 7
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 119:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Pagkalipas ng isang araw. Sa loob ng gymnasium ay nagtipon-tipon silang lahat. Si Coach Zakusa ay tumayo at sinenyasan niya si Mari na kunin ang isang gamit.

Pagkalabas si Mari mula sa locker room ay may bitbit siyang tarpulin na kasing laki ng manila paper. Nagtaka naman ang iba kung anong meron sa tarpulin na yun.

"Ano yan, Mari?" Tanong ni Hanamichi sa kanya.

Ngumisi si Mari saka yun binuklat at dinikit sa pader.

NapaWOW sila.

"Wowww... Ano yan?" Tulalang tanong ni Mittsu.

"Andaming flags waw!" Manghang puri ni Futatsu.

"Anlaki! Yan ba ang bracket para sa Intercollegiate?" Tanong din ni Hitotsu.

Tumango si Mari sa tanong niya.

"Yes! Ito ang bracket ng Intercollegiate Matches. Pero hayaan niyo munang magpaliwanag si Coach Zakusa dahil hindi lang ito ang bracket na meron tayo." Sagot nito sa kanila.

Pumunta si Coach Zakusa sa harapan kung saan nakakabit ang tarpulin. Nagsiupuan naman sila sa sahig dahil parang mahabang paliwanagan 'to.

"Ehem... So, itong nakikita niyo ngayon ay ang brackets ng Intercollegiate Matches. Ang Intercollegiate Matches ay isa sa mga pinakakaabangan na laban sa mundo. Maraming mga college or university teams mula sa iba't-ibang bansa ang lumalahok para makuha ang global rank." Panimula ni Coach Zakusa sa paksa.

"Global Rank?" Tanong ni Hanamichi.

"Oo, GLOBAL RANK... Hayaan niyong ipaliwanag ko lahat." Tinuro niya ang tarpulin, iniisa-isa ang mga pangalan ng College Teams at binuksan ang bluebook ni Mari.
"Sa Intercollegiate Matches... Taon-taon ay may 164 na College Teams mula sa iba't-ibang bansa ang sumasabak at lahat ng kuponan na iyon ay mga NUMERO UNO sa kanilang sariling bansa."

"WOAHH!" reak ng triplets.

"164 College Team at puro NUMBER 1 team pa?! Aba... Aba--- ang astig!" Manghang sabi ni Hanamichi.

"Sobrang dami naman at panigurado malakas ang mga yan." Sendoh

"Tama ka, Sendoh. Hindi natin pwedeng maliitin ang mga kalaban natin sa Intercollegiate." Sabi ni Maki.

"At ang malala pa dito, ay kasali sa bracket natin ang college team ng France at Serbia. Ang dalawang college team na yan ay kasali sa Top 8 global rank. Tunay na malalakas ang mga yan." Habang sinasambit ni Fujima ang katagang iyon ay ramdam ng mga kasamahan niya ang kaba.

Kinabahan din sila. Bihira lang nilang makita si Fujima na ganito ka kaba. Talaga ngang, hindi biro ang Intercollegiate kaysa sa College Matches.

Tumango si Coach Zakusa. "Tama ka Fujima... Dahil maraming kuponan ang sasabak sa Intercollegiate, ang 164 International College Teams ay nahati sa apat na dibisyon. May Division 1, 2, 3 at 4. At ang Tokyo Team ay nasa Division 1. Bawat dibisyon may 41 College Teams at nahati rin sa apat na row, may Row 1, 2, 3 at Row 4." Tinuro niya ang dalawang row sa kanilang tarpulin.
"Sa Row 1 ay may 11 College Teams habang sa Row 2 naman ay 10 teams, pareho sa Row 3 at 4. Sa Row 1 ay may 11 teams na kasali sa bracket ang Tokyo Team. Babasahin ko mula sa 11-1 ang posibleng natin na College Team mula sa bansang Jordan, Georgia, Panama, Sweden, North Macedonia, Bulgaria, Virgin Islands at Lebanon. Ang mga bansa na nabanggit ko ay sakop sa ating line bracket. Ang sa ibaba ng Team natin ay nandito ang France at Serbia... Medyo swerte tayo ang Row natin dito." Tiningnan niya ang bracket.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon