CHAPTER 179: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

613 43 10
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 179: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-2nd quarter| 7 mins. 33 sec|
Tokyo Team: 30 | Skopje Team: 32]

Nagulat si Hanamichi nang malaman niya mismo kay Rajak ang tungkol sa Manipulation Shot. Kaya pala kayang gawin yun ni Jabour nung match nila dahil siya pala ang naturo nito.

"Neknek mo." sabi ni Hanamichi sa kanya animo'y hindi naniniwala.

"Hoy, FYI totoo ang sinasabi ko." Rajak

Tiningnan ni Hanamichi ang kabuuan niya at napailing. "Hindi talaga eh."

Bumusangot ang mukha ni Rajak at tinalikuran na lang si Hanamichi. Tumungo ito sa kanyang mga kasamahan upang maghanda sa depensang gagawin.

Ang bolang shinoot ni Rajak ay kinuha ni Hitotsu na nasa ilalim ng ring. Pinatalbog niya ito habang lumalapit kay Hanamichi.

"Sakuragi Tol, hindi ko akalain na kaya rin palang gawin ng Rajak na yon yung signature shot ni Ahmad Jabour ng Amman Al Balqa." Bulong ni Hitotsu sa kanya.

"Nagulat nga din ako eh." Sagot ni Hanamichi.

"Delikado 'to pag ganito. Kung kaya pala niyang gawin ang trick na yun, eh bakit kanina hindi pa niya ginawa?" Tanong ulit nito.

"Ewan ko. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan tayo ng mga Skopje Mokong na yan."

"Nagpipigil sila. Uso kase ang reserbahan ng lakas pagdating sa ganitong match."

Nagtutukan sa mata si Hitotsu at Hanamichi na parehong naiinis.

*PASS!*

"Tara na!" Sigaw ni Hanamichi at pinamunuan ang opensa.

"TOKYO OPENSAAAAA!

OPENSA!

OPENSA!"

"SKOPJE LABAAAAAAN!

DEPENSA!

DEPENSA!"

Halos mabingi ang mga players sa lakas ng cheer ng mga tao sa loob ng standium.

Mabilis ang pagkadribol ni Hanamichi sa bola hanggang siya ay nakalabas ng tuluyan sa cour ng Skopje Team. Pagkalagpas niya sa division line ay si Rajak agad ang sumalubong sa kanya habang nakalapit ang dalawang kamay nito sa bola upang agawin.

Biglang may naalala na imahe si Hanamichi sa kanyang angulo.

Ang ganitong player na sobrang sabik sa bola, desperado at gagawin ang lahat para lang maagaw ang bola.

Si Muzaka.

Agad nailagan ni Hanamichi ang dalawang kamay ni Rajak na palapit sa bola na siyang ikinagulat ng lahat. Hindi sila makapaniwala na harap-harapan yung gagawin ni Hanamichi kay Rajak.

"Imposible---" Rajak

"Salo!" Sigaw ni Hanamichi at gumawa ng random pass sa pagitan nina Maki, Fujima at Sendoh na tumatakbo ngayon papasok sa court ng Tokyo Team.

"Hitotsu, bilisan mo dito sa loob!" Sigaw ni Fujima. At tumungo sa bola. Pero agad nag-iba ang plano ni Fujima nang si Nikolovski ang sasalubong sa kanya. "Sendoh ikaw nang bahala!" Dagdag pa ni Fujima dahil magandang pagkakataon ito.

Agad umiba ng direksyon si Nikolovski pero hinarangan na siya ni Fujima. "Saan ka pupunta? Dito ka lang." Sabi nito.

Pero nakatuon parin ang atensyon ni Nikolovski sa gawi ni Sendoh.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon