CHAPTER 164: TOKYO vs. PARIS (France)

501 43 6
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 164: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[2nd half-3rd quarter| 17 mins. 41 sec|
Paris Team: 47 | Tokyo Team: 53]

Isang kagila-gilalas na dunk ang ginawa ni Hanamichi Sakuragi sa pagmumukha ni Cadieux. Limang segundo itong nakalambitin sa ring bago bumaba.

Pagkababa nito ay tiningnan niya si Cadieux at nilapitan.

Ang isang paa ni Cadieux ay napaatras ng isang beses dahil lalapit si Hanamichi sa kanya.

Subalit nilagpasan lang pala siya nito na walang kahit anong salitang binitawan. Nagtaka siya doon dahil bago yun para sa kanya ang maging tahimik si Hanamichi sa ginawang kagila-gilalas nito.

Samantala si Hanamichi ay ngumisi lang habang naglalakad. Its better to stay quiet and keep the compliments to yourself. Kaysa magyayabang na naman siya kay Cadieux na aaksayahin lang ang lakas. Yun ang tanging nasa isip ni Hanamichi.

Ang bola ay tumalbog sa sahig at agad yung dinakma ni Marshall nang makita niyang nakatingin sa kawalan si Cadieux.

"Hey, Segal Focus tayo, second half na at lamang sila sa atin. Bakit ka ganyan? May problema ba?" Tanong nito pero umiling lang si Cadieux.

"Nothing, I just realized something." Sagot nito at sumeryoso ang mukha.

"Segal---" hindi na natuloy ang sasabihin ni Marshall nang muling nagsalita si ulit si Cadieux.

"Let's take this now moment seriously. Ubos na ang pasensya ko."

Nang sabihin yun ni Cadieux ay normal lang ang tono subalit ang mukha nito ay napakaseryoso. Hindi man halata sa tono at mukha pero talagang ubos na ng pasensya niya.

Tama na ang pagkikipaglaro kay Hanamichi Sakuragi.

Ipapakita na niya kung aling MVP ng parehong bansa ang mas malakas.

Wala na siyang ibang kataga na binitawan at nauna itong tumakbo palayo para lumabas sa court ng Tokyo Team.

Sinimulan na ni Marshall ang opensa.

Dinribol niya ito palabas ng inner court ng Tokyo Team. Pagkatapos nun ay binounce pass niya kay Sauveterre. Pagkasalo nito ay dinribol ito papasok sa court ng Paris Team kung saan nakadepensa ang players ng Tokyo Team lalo na si Sendoh na kanyang mga opponent partner. Patungo si Sauveterre sa 3 point lane arc at ang lugar na iyon ay naka seguridad kina Sendoh, Maki at---

*PAKK!*

Nagulay si Sauveterre nang may pumalpal sa bola na mismong harap niya. Napatingin siya kung sino ito at nagulat na ito pala yung substitute player ng Tokyo Team na pumalit kay Fujima.

"Fukuda." Sambit niya.

"NICE ONE, FUKUDA! GANYAN NGA!" masayang cheer sa kanya ni Mari. "Sa wakas, kumilos na rin ang Offensive Treat Specialist ng Tokyo Team."

Nakuha ni Fukuda ang bola na walang kahit anong salitang binitawan. Tahimik lang nitong idinribol ang bola pabalik sa court ng Tokyo Team.

*PAKK!*

Agad napatingin si Fukuda sa kamay niya nang may umagaw ng bola sa kanya na walang kahirap-hirap. Nakita niyang hawak ni Cadieux ang bola. Ang Ace Player at MVP ng Paris Team.

"..." Tiningnan ni Fukuda ang bola pero agad yun inoverhead pass ni Cadieux pabalik kay Sauveterre.

Pagkatanggap ulit ni Sauveterre ay hinagis din paitaas na saktong matatangap ni Solevenn na nasa ilalim ng ring kasama ang center rookie na si Hitotsu Kyodaineko.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon