CHAPTER 168: TOKYO vs. PARIS (France)

537 51 12
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 168: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[2nd half-4th quarter| 9 mins. 3 sec|
Paris Team: 65 | Tokyo Team: 68]

Pagkatapos maidakdak ni Hanamichi ang bola ay nag-apiran sila ni Kiyota bago ito tumakbo pabalik sa court ng Paris upang ihanda ang depensa. Dahil sa dakdak ni Hanamichi ay nadagdagan ang kanilang lamang laban sa puntos ng Paris Team.

Halos siyam na minuto na lang ang natitira bago matapos ang laban at magandang uportunidad ito para sa kanila para mas lalong lamangan ang Paris Team. Pipigilan nila na makapuntos ito hangga't maaari.

"Tibayin niyo ang opensa, Paris! Konting minuto na lang--- hindi na ito ang oras para makipagbiruan lampasuhin niyo na sila!" Sigaw ni Coach Vilgauxe na nadadala sa tense ng laro.

Tumingin sa gawi niya si Coach Zakusa. Nakaupo lang ito sa bangko habang nakadekwatro ang paa. Ang paraan ni Coach Zakusa sa kanyang pag-upo ay buo ang tiwala niya na kayang tuparin ng kanyang mga manlalaro ang sinumpa nito bago ang labang ito.

"Ituloy niyo lang Maki, Sendoh, Hitotsu, Kiyota at Sakuragi. Sulitin niyo na ang lamang niyo sa kanila. Tapusin niyo na nang hindi na sila umasa pa." Sabi ni Coach Zakusa sa kawalan.

Napatingin si Mari sa kanya nang sabihin niya ang mga katagang iyon.

"Talagang malaki ang tiwala mo sa kanila ano, Ryueen?" Tanong sa kaniya ni Mari.

Tumango si Coach Zakusa sa kanya. "Oo, kailangan nila ang tiwalang iyon. Ang tiwala sa kakayahan ng bawat isa ay siyang nagpapalakas sa diwa ng ating kuponan." Sagot niya na may ngiti sa mukha.

Ngumiti na lang din si Mari sa kanya at binalik ang tingin nito sa bluebook niya.

Hawak ni Sauveterre ang bola saka pinatalbog sa kanyang kinatatayuan. Napaisip siya sa biglang pag-iba ng estilo ni Sendoh sa paglalaro. Lalo na sa substitute player na ipinasok na naging certified katandem ni Hanamichi Sakuragi.

"Umiiba ang estilo nila." Sabi niya kay Cadieux.

"Oo, kailangan silang mapigilang pumuntos ulit. Hindi ko kayang isipin na matalo tayo sa labang ito." Sagot ni Cadieux sa kanya.

Nakatingin lang sa kanila ang tatlo pa nilang kasamahan. Pagpito ng Referee ay sinimulan na nila ang opensa.

(Dribbling...)

Habang dinidribol ni Sauveterre ang bola ang mga tingin naman ni Sendoh ay nakatuon sa kanya. Nahuli naman ni Sauveterre ang kanyang titig kaya pinasa niya ang bola sa tumatakbong si Marshall.

*PASS!*

Pagkasalo ni Marshall ay binilisan agad ang pagdribol nito hanggang sa nakalabas siya sa area ng Tokyo kasama ang mga kasamahan. Nagsipuntahan sila sa kanilang perspective areas upang mag man to man offense lang sa Tokyo Team. Si Marshall ay kasalukuyang nasa point guard area ng Paris court at laking gulat niya kung sino ang sumalubong sa kanya.

Ang player na same position point guard na si Shinichi Maki.

Ang veteran college point guard player ng Japan ay kaharap niya ngayon.

Napalunok si Marshall sa hindi inaasang pagbantay nito sa kanya. Hinanap ng kanyang mga mata si Ozanne na siyang responsibilidad na bantayan ang kapitan ng Tokyo Team. Ngunit na kita niya na lang ito na binabagan na pala ito ni Kiyota, hindi ito makaalis sa kanyang depensiba.

Kanino niya ipapasa ang bola?

Tila may kung anong dumaan sa harapan niya na ikinapitlag nito, si Cadieux. Ang mga kamay nito ay handa na para sa pasang gagawin ni Marshall. Hindi na ito nagdalawang isip na ipasa ang bola sa kanya.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon