CHAPTER 174: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

745 52 21
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 174: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Dahil sa naging desisyon ni Coach Zakusa ay tuluyan ngang hindi na nakapalag ang lima. Muling tumunog ang buzzer ng standium at nagsalita ang speaker.

Speaker: "Ngayon ay nakahanda na ang starting players ng parehong kuponan. Hayaan niyo'ng ipakilala ko silang lahat. Ang starting five ng Tokyo International University: Black Samuraiz at Skopje International University: Sini Gromovi."

"Bakit ganun, parang halos atang primary players ng team natin ay hindi ipinasok?" Takang tanong ni Mito.

"Naku naman, ano kaya ang ginawa ni Hanamichi?" Tanong din ni Takamiya.

"Pers taym. Bangko ang Henyo!" Sabay na sabi nina Ohkusu at Noma.

Nagsalita na nga itong speaker. Una niyang ipinakilala ang first five ng Tokyo Team na sina Fukuda, Hanagata, Kiyota, Hitotsu at Mittsu. Samantala sa upuan ay nalulumo parin ang lima na sina Maki, Fujima, Sendoh, Jin at Hanamichi.

Pagkatapos nitong ipinakilala ang first tive ng kuponan ng Tokyo ay sinunod nito ang Skopje Team.

Speaker: "Mula sa Skopje Sini Gromovi... Team Captain; Blue No. 4: SUHARR JOVANOVSKA!"

Nang tawagin ng speaker ang pangalan ni Jovanovska ay naglakad ito papasok sa court. Napatingin ang buong Tokyo Team sa audience area ng Skopje Team nang marinig na ang mga tambol ng drums at torotot ng mga trumpeta na aabot hanggang isang daan ka tao. Katulad sa Paris Team ay may sarili rin silang University Band na sumusuporta sa Skopje Team. Ang audience naman ng Tokyo Team ay napakakunti kung kaya ay hindi nila natatapatan ang cheering squad nito.

"Siya si Suharr Jovanovska... 4th year, 215 centimeters, Team Captain ng Skopje Team at isa sa mga Top Speed Centers ng North Macedonia College Matches." Bigay impormasyon ni Mari sa kanila habang nakatingin sa bluebook.

"Skopje Sini Gromovi Team Vice-Captain; Blue no. 5: ARSOV NIKOLOVSKI!"

"Arsov Nikolovski... 4th year, 202 centimeters, position: Shooting guard at leading scorer ng kanilang Team. Pero actually, marami silang leading scorer sa kanilang Team. Pero siya ang pinaka-main." Basa ulit ni Mari.

"Si Kiyota ang magbabantay sa kanya." Sagot ni Coach Zakusa.

"Blue No. 6: ABAZI BAJRAMI!"

"Blue No. 7: NEZIRI IVANOVA!"

"Blue No.10: DODEVSKA RAJAK!"

Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga manonood nang matapos sambitin ng line-up ng Paris Team. Si Hanamichi ay hindi parin maaalis sa loob niya ang inis dahil bakit hindi siya ipinasok ni Coach Zakusa sa court. Tila bang masama ang kutob niya sa magiging simula ng laro.

Siya, si Maki, Fujima, Sendoh at Jin ay tinuturing na Kage line-up ng Tokyo Team at ang pinakamalakas na classification members.

Speaker: Ipinapakilala ko sa inyo ang mga Coaches ng bawat kuponan. Mula sa Tokyo Black Samuraiz: Coach Ryueen Zakusa at sa Skopje Sini Gromovi Coach Volodimir Gedjuttel.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon