CHAPTER 187: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

657 53 11
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 187: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[2nd half-4th quarter| 8 mins. 41 secs.|
Tokyo Team: 72 | Skopje Team: 71]

Sa wakas nga ay nakabawi ang Tokyo Team at salamat sa pagresbak ni Jin. Ang Skopje Team naman ay agad bumawi dahil konting minuto na lang at matatapos na ang laban ng Tokyo Team at dito na malalaman kung alin sa kanila ang magiging representative ng Row 1 ng Division upang makalaban ang kapwa representative ng bawat Row tulad ng 2, 3 at 4.

Ang bolang naishoot ng Tokyo Team ay kinuha ni Bajrami at sinimulan ang opensa. Sa unahan niya ay tumatakbo ang apat pa nyang kasamahan na sina Jovanovska, Nikolovski, Ivanova at Rajak. Sa a saktong paglabas ni Bajrami sa court ng Tokyo ay binounce pass niya ang bola kay Ivanova.

*PASS!*

"Nice pass." Sabi ni Ivanova sa kanya at nagpatuloy ito sa pagdribol.

Nang makalagpas siya sa division line ng court ay di niya nabantayan na si Maki para ay susugurin siya.

"Ivanova!" Sigaw ni Rajak nang makita niya si Maki na palapit sa gawi nito.

Pagkalingon ni Ivanova ay tuluyan nang naintercept ni Maki ang bola mula sa kanya.

*PAKK!*

"Naagaw niya." Sambit nito.

"Balik sa area!" Sigaw ni Maki at agad na nagdribol pabalik sa court ng kanilang kuponan.

Mabilis ang takbo nina Sendoh at Hanamichi patungong inner area habang sa outer area naman ay sina Fujima at Jin.

Agad namang hinabol ng Skopje ang Tokyo Players.

"Ano ba Skopje! Mas mabilis kayo sa kanila bakit kayo ganyan?!" Sigaw na patanong ni Coach Gedjuttel sa kanyang mga manlalaro.

Masama ang tingin na pinukaw ni Coach Gedjuttel sa mga players ng Tokyo Team. Napasabi na lamang siya sa kanyang isipan.

"Nakakainis na Tokyo Team. Napakamisteryoso nila. Habang patagal ng patagal ang laban ay mas lalo silang lumalakas. Nung nakaraang laban nila sa Paris Team. Ginamit na nga ba nila ang kanilang totoo at buong lakas?"

Ang bolang hawak ni Maki ay pinasa niya kay Hanamichi na nasa power forward area na agad namang finollow-up kay Sendoh na tumatakbo palapit sa base area ng ring.

*PASS!*

Pagkasalo ni Sendoh sa pasa ni Hanamichi ay tumalon ito saka dinakdak ang bola sa ring.

*DUNKKKKKKKKK!!*

At muli na namang naka puntos ang Tokyo Team.

Ang 72 points nito sa natitirang 8 minutes at 41 seconds ay naging 74 points na sa pagsapit ng 8 minutes at 23 seconds.

Ang pagpasok ni Jin sa line-up ng Tokyo Team ay siyang nagpadagdag sa confidence ng laro nina Maki, Fujima, Sendoh at Hanamichi. Kahit hindi sila pwedeng makaramdam ng pagkakampante ay gagawin nila ang lahat at sisiguraduhin nilang tatalunin nila ang kuponan ng Skopje.

Ang numero unong kuponan ng North Macedonia laban sa numero unong kuponan ng Japan College Matches.

Lumipas pa nga ang ilang minuto ay naging sunod-sunod ang puntos na nagawa ng Tokyo Team. Ang bawat tirang napapalpak at sa rebound ay si Hanamichi Sakuragi ang namumuno, daig pa ang sabay na bantay na sina Jovanovska at Rajak.

Ang mga rebound na nakukuha ni Hanamichi ay finofollow-up sa kanyang kasamahan, kay Fujima, Jin at Maki kaya naging matagumpay palagi ang pagpuntos nito.

Dalawang magkasunod na tres puntos mula kay Fujima. Tatlong long jumpshot mula kay Maki at tatlong magkasunod na 3 point shot naman ang mula kay Jin.

Sa napakalakas na combination line-up ng Tokyo Team na dating magkalaban na kuponan ng High School ay ngayon maituturing nang ultimate at unstoppable line-up.

Sa malakas na line-up na yun ay kahit papano ay nagawa parin ng Skopje ang makapuntos.

Sa limang minuto na lumipas, kung kakalkulahin ang mga nagdaang puntos ay umabot na ng 95 points ang Tokyo Team at 85 points naman sa Skopje Team. Tumuntong muli sa 10 points ang maging lamang ng Tokyo Team sa kanila.

Sa lagay ng kasalukuyang puntos ay wala pang naging ambag sina Sendoh at Hanamichi.

Dahil dun ay nagdesisyon ang dalawa na hindi na nila pahahabulin o papupuntosin ang Skopje. Naging seryoso sila, ang mood ng dalawa ay hindi na mapipigilan pa. Ang estilo ng kanilang laro ngayon ay hindi na mapipigilan ng kahit sinong players na nasa court ngayon.

Buo na ang loob ng Tokyo Team. Ipapanalo nila ang match nato.

"SIGE LANG TEAM! TATLONG MINUTO NA LANG AT MATATAPOS NA ANG LABAN!" Sigaw ni Mari sa kanila mula sa coaching box.

"LABAN TOKYO TEAM! 10 POINTS PA ANG HAHABULIN NILA SA INYO! HUWAG NIYO SILANG HAYAAN NA MAGAWA NILA YON!" Cheer din ni Haruko.

"LABAAAAAAAAAAAN!" Nabubuhay na sigaw ni Coach Zakusa.

"HANAMICHI, GALAW GALAW NA DYAN!" sigaw naman ng apat na ungas.

"Eto na!" Sigaw din ni Hanamichi.

Ang bolang inoverhead pass ni Jovanovska patungo sa gawi ni Rajak ay tinalon yun ni Hanamichi at tagumpay na nakuha yun. Muling napalaglag panga ang mga manonood at media sa husay ng stamina at reflexes ni Hanamichi.

Habang nasa ere pa si Hanamichi ay di na siya nag-abala na ibaba pa ito dahil sa pagkakataong ito ay maganda ang kanyang pwesto at si Sendoh naman ay tumatakbo na patungong 3-point line ng Tokyo Team.

"Sendoh tiraaaaaaaa!" Sigaw ni Hanamichi at pwersang hinagis ang bola.

Dahil sa lakas nun ay napilitang umiwas ang Skopje Players, kapag sapilitan nilang pigilan yun ay siguradong injury ang makukuha o di kaya hahatid sa kamatayan nila.

*PASS!*

Nakasunod ang tingin ni Sendoh sa bola hanggang sa tuluyan nya itong nakuha. Pagkasalo ay diretsong tumira agad ng tres.

*SHOOT!*

"AYOOOOOOOOOS!

GRABE TALAGA!

ANGAT NA NAMAN ANG PUNTOS NATIN TOKYOOOOOO!" hiyawan ng Tokyo Audience.

Subalit si Sendoh ay walang kahit anong bahid ng saya. Ang tanging nasa isip niya ay talunin ng tuluyan ang Skopje Team.

[2nd half-4th quarter| 2 mins. 58 secs.|
Tokyo Team: 98 | Skopje Team: 85]

Ang ibang local teams ay nganga sa kasalukuyang puntos ng bawat kuponan.

Hindi sila makapaniwala.

Ang Rank 6 Global Team ng last year Intercollegiate Matches ay tuluyang nailampaso ng isang dark horse. Ang Tokyo Black Samuraiz Team ng Japan College Matches.

Si Sylvestre, Solevenn at Cadieux ay walang maibukang bibig.

Hindi nila akalain na ganito kalakas ang kuponan ng Tokyo.

Nung match nila, ginamit na ba talaga ng Tokyo Team ang buong lakas nung nakalaban nito ang Al Balqa Jordan at Paris Vert Serpents...

O nagtitimpi lang ba ang Tokyo Team sa kanila?

"A-ang lakas nila... Grabe." Bulong ni Cadieux.

Samantala si Hanamichi ay napangisi nang makita ang lamang nila sa Skopje.

"Maghintay ka lang Rukawa. Kami ang magiging representative ng Row 1. Kapag nanalo kami at maglalaban tayo... Ako ang magpapabagsak sayo." Hanamichi

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon