CHAPTER 141: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

595 43 12
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 141: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

18 minutes pa lang sa 2nd half ay desidido ang Tokyo Team na tambangan ang Al Balqa Team gaya ng ginawa nito sa Georgia. Nang sabihin ni Hanamichi ng katagang yun kay Khader ay nainis ito.

"Akala mo kung sinong magaling... Mayabang." Bulong ni Khader sa sobrang inis.

Wala paring tigil ang hiyawan ng mga manonood. Kaliwa't kanang sigaw ng mga tagasuporta.

"AL BALQA HABOL!

11 POINTS ANG LAMANG NILA!

HABULIN NIYO!"

Naiinis si Coach Al Sharafat sa nangyayari.

Ang bola ay kinuha ni Khalifa, pinatalbog niya ito.

(Bouncing...)

Tiningnan niya ang score nila sa scoring board. Napasabi na lang siya sa isipan niya. "Kaasar... Hindi ko akalain na malakas ang Tokyo Team. Kaya pala nasa 3rd line ang Team nila sa bracket."

*Pass!*

Pinasa ni Khalifa ang bola kay Rashid para simulan ang opensa. Pagkasalo nito ay walang pasabing dinribol agad ni Rashid ang bola. Ang kanyang mga kasamahan naman ay mas binilisan ang takbo para abangan sa unahan ang pasa niya. Ang Tokyo Team naman ay binabagan ang sakop ng outer area.  Nakatayo silang lahat sa outer area para sa baka sakaling opponent player na makapasok at mabilis na macorner lalo na't hawak nito ang bola.

Nasa parehong gilid si Hanamichi at Futatsu. Sa harapan naman nila si Sendoh at Hanagata samantala sa free throw area ay nakatayo si Maki.

Pagkapasok ni Rashid na kanilang half court ay sinalubong siya ni Sendoh. Pero agad niyang pinasa ang bola kay El Maghraby. Nang makita ni Sendoh yun ay agad siyang natungo dun. Akmang hihingiin ulit ni Rashid ng bola nang babagan siya ni Futatsu. Parehong nasa gilid ang kamay nito para depensahan siya, siguradong hindi siya makakatanggap ng pasa.

Ang bola ay pinagpatuloy idribol ni El Maghraby pero napahinto siya nang makita niya ang isang kamay ni Sendoh na palapit sa bola. Kaya agad niyang pinatalbog paikot ang bola sa kanya para makaiwas kay Sendoh.

*Pak!*

Nagulat si El Maghraby nang may pumalpal sa bola mula sa kanyang likuran.

"Si Maki." Sambit niya.

Nakuha ni Maki ang bola sa kanya. Agad umalerto ang ibang players ng Al Balqa dahil paniguradong pupuntos ito.

"Teka--- ano!" Napatayo si Jin.

"HALA TIGNAN NIYO!

KINORNER NILA SI MAKI!"

Nakapalibot sa kinatatayuan ni Maki sina Jabour, Rashid, Khader at Khalifa.

Nagulat ang lahat dahil apat na player ang nagcorner kay Maki. Parehong reaksiyon din para sa Tokyo Team at nina Hanamichi.

"Tama yung ginawa nila. Pero mali parin." Sabi ni Coach Zakusa dahil sa gulat.

"Ano daw?" Hindi siya na gets ni Fujima.

"I mean... Tama yung ginawa nilang pagcorner kay Maki. Pero mali yung apat sila dahil tatlo sa players nating ang magiging bakante. Lalo na sina Sakuragi at Hanagata." Sagot ni Coach Zakusa.

"Owrayt Lolo!" Masayang sigaw ni Hanamichi na nakataas ang kamay habang naunang nag fast break.

"Ang bilis niya!" Jabour

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon