CHAPTER 127: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

773 41 21
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 127: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Dahil sa unang puntos ni Hanamichi ay napabilib ang mga manonood online sa kanilang laban.

Alas-dyes ng ugma nagsimula ang laban sa Amman, Jordan. Samantala ang oras ng Japan mula sa Jordan ay advance ng 7 Hours kaya alas-singko ng hapon sila nanood.

Ang ibang estudyante sa Tokyo International University ay hindi pa umuuwi dahil nanood din ng match sa pamamagitan ng screen projector kung saan naka connect yun sa laptop ni Olivia. Nagpalakpakan silang lahat.

"Unang laban pa lang nila sa Intercollegiate nagpakitang na agad si Sakuragi." Nakangising sabi ni Watanabe kay Nishizaki at Yuki.

"Ganyan naman yan lagi eh. Ano pa bang iba dyan?" Natatawang sagot ni Nishizaki.

"Magandang bungad 'to para sa'tin." Wika ni Yuki.

"Huyy mga bata, hindi paba kayo uuwi? Alas singko na ng hapon." Sabi ni Nurse Reishun sa ibang estudyante.

"Mamaya na lang po, manonood pa kami!

Oo nga! Ito ang unang match ng Team natin sa Intercollegiate!

Mahalaga 'to para sa bulletin board natin sa campus!"

Ang ibang students mula sa ibang course ay nakikinood narin. Parami ng parami ang mga estudyanteng dumarating sa gymnasium.

* * *

Samantala sa Coaching Box ng Tokyo Team at nakatingin si Coach Zakusa sa data na nababasa niya.

"Kung ganun, ang games status at player abilities nila ay maihahalintulad din sa mga players natin..."

"Oo." Sagot ni Mari.

"Ang posibleng maishift natin dito ay si Sakuragi at Maki. Ang Team Captain ng Al Balqa na si Al Jayarat ay isang Power Forward na dapat ipangtapat kay Sakuragi. Samantala si El Maghraby naman ay 2 years MVP ng Jordan College Matches." Sabi niya ulit.
"Dapat si Maki ang ipapabantay natin sa kanya."

Sa court ay nagpupwersahan si El Maghraby at Hanamichi. Hawak niya ang bola habang si Hanamichi ay dumedepensa sa kanya. Umatras siya kay Hanamichi at harap-harapang ginawa ang kanyang signature ball handling.

Napawow ang manonood sa ginawa ni El Maghraby, ang kanyang sikat na Zaid's Ball handling ay tinapat niya sa MVP ng Japan College Matches na si Hanamichi Sakuragi.

"AYOS YAN EL MAGHRABY!

NICE!

GANYAN NGA!" cheer ng supporters nila.

Ngumiwi si Hanamichi sa pinagsisigaw nila. Parang minamaliit nila ang Tokyo Team.

Nagpatuloy sa ball handling si El Maghraby.

"Tama nang pasikat!" Lintya ni Hanamichi at pinalpal ang bola.

*PAK!*

Nagsinghapan ang manonood.

"HINDI MAAARI!

PAANO NIYA NAGAWA YUN?

NAPALPAL NIYA SI EL MAGHRABY!"

Sumigaw din si Hanamichi sa kanila. "Ball handling lang yun! Anong espesyal don?!" Sigaw niya pero hindi yun naintindihan ng Jordanian Audience. "Talo pa yang ball handling niya kay Sendoh." Bulong ni Hanamichi at tumakbo sa rebounding area ng Al Balqa.

Nang makarating siya dun ay nakapalibot ulit sa kanya si Al Hourani at Jaradat.

Agad namang rumesbak si Kiyota sa gawi ni Hanamichi.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon