SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 147:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Pagkatapos ng laban ng Tokyo Team sa Al Balqa ay sandaling ininterview ng mga Media ang parehong Coach ng bawat kuponan na sina Coach Al Sharafat at Coach Zakusa pati na rin ang mga highlighted players na sina Maki, Sendoh, Fujima, Khader, El Maghraby, Jabour at Sakuragi. Pagkatapos ng interview ay may natanggap na certificate ang Tokyo Team bilang pagkapanalo sa Round 2 ng Intercollegiate Matches.
Pagkatapos ng gathering ay bumalik ang lahat sa hotel na temporaryong tinutuluyan nila. Ang Amman Hotel na malapit sa standium kung saan nagpabooked si Coach Kawarama. Pagkarating nilang lahat ay kanya-kanya silang bagsak sa higaan.
"Haayyyy salamat at natapos din!" Tinatamad na sabi ni Sendoh habang nakahiga.
"Oo. Sa wakas. At isa pa ay isang karagdagang tagumpay ang nangyari sa atin sa araw na ito. Natalo natin ang Al Balqa." Pagod n sabi rin ni Fujima habang nakadapa.
"Oo nga. Sila ang no. 1 team sa College Jordan Team at salamat sa inyo mga kasama dahil nanalo tayo." Ngumiti si Maki sa kanila habang nakaupo.
Kanya-kanyang habol ng hininga ang mga players.
"Hoyyy mga boys! Huwag muna kayong matulog, kailangan niyo munang kumain." Sabi ni Mari sa kanila.
"Gisingin mo na lang kami kapag nakahanda na ang pagkain." Sagot ni Maki sa kanya sak pinikit nito ang mata.
"Hoy Maki!" Sigaw ni Mari.
Ginaya din ng ibang players si Maki. Nagsipikitan na din sila ng mata.
"Pambihira ka, Maki. Hindi halata sa hitsura mo yung pagod. Isa ka pa Sendoh! Mula sa laro hanggang dito napakalmado mo animo'y hindi naglaro pero himlay ka na agad! Hayyy nako... Mga lalake talaga." Sermon sa kanila ni Mari. Tiningnan niya si Haruko na naglilipit mga basketball team jackets. "Oo nga pala, Haruko. Nasaan si Sakuragi at Kiyota?" Tanong niya dito.
Tumingin si Haruko sa kanya at tinuro yung bahaging gilid ng kwarto. Sa sahig ay may nakaayos na higaan na para sana sa Triplets pero ang nakahiga dito ay ang dalawang unggoy na malalim na ang tulog at magkatabi pa.
"Zzzzzzzz..." Kiyota/Hanamichi
Ang tinutulungan ng dalawang unggoy ay ang higaan ng Triplets. Kaya hinanap din ni Mari kung nasaan na ang tatlong yun.
Biglang bumukas ang pinto sa kanan. At doon ay lumabas ang triplets na bagong ligo at nakabihis na ng ordinaryong damit. Napangiwi si Mari.
"Naligo kayong tatlo?" Tanong nito sa kanila.
Ngumiti ang Triplets sa kanya at napakamot na lang ng ulo. "Hahahaha oo, Ate Mari. Masyado na kaseng mainit yung damit ko dahil sa pawis." Sagot ni Hitotsu.
"I mean... Sabay kayong tatlo?" Mari
"Oo." Sabay sagot ng Triplets.
"Bakit ganun! Ang lalaki niyong mga tao tas nagsiksikan kayong tatlo sa banyo? Mga sira ba kayo?"
"Duhhh Ate Mari, mula pagkabata hanggang ngayon ay sabay talaga kaming tatlo naliligo." Sagot ni Futatsu.
"Seryoso?"
"Triplets kami eh!" Triplets
Bumuntong na lang ng hininga si Mari. Sige, magpahinga muna kayo. Maya-maya darating na yung pagkain dito. Haruko, ikaw muna ang bahal dito ah?"
"Okay po, Ate Mari." Pagkasagot nun ni Haruko ay muling lumabas si Mari.
Pagkalabas niya ng pinto ay kinuha niya ang kanyang cellphone. Pumunta siya sa contacts at nakita ang mobile number ni Daisho. Kinontak niya ito.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang MVP ng College Matches. Ngayon, bilang panibagong yugto sa mundo ng kolehiyong basketball at haharapin ang ibang College Teams na nagmula sa...