SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 151: TOKYO vs. PARIS (France)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
(Kinabukasan..)
Ang lahat ng Tokyo Team Players ay sumakay ng French Bus patungo sa lokasyon ng Rue Duppere, 7.5.0.0.9 Paris, France kung saan ay makikita nila ang sikat na gymnasium ng France na ginamit nito laban sa Serbia. Paglipas ng ilanh minuto ay nakarating na sila sa lokasyon.
*** Le Terrain Duppere ***
Napawow ang buong Tokyo Team nang bumaba sila sa bus at nakita ang hitsura ng mala renaissance style na standium ng Le Terrain Duppere.
"Grabe, ang ganda!" Manghang sabi ni Hitotsu.
"Napakabongga!" Futatsu
"Mukhang prestigious standium 'to ah?" Manghang tanong din ni Mittsu at kinuhanan ng litrato.
Hindi maitatanggi sa mga mukha nila kung gaano nila kinagagandahan ang ganitong establishimento. Ngayon lang sila nakakakita ng ganito.
"Tara na po sa loob mga Sir." Pukaw ni George sa kanila dahil tulala silang lahat.
Tumango sila at sinunod ang sinabi nito. Pagpasok nila sa loob ay halos luluwa ang mga mata nila dahil panay ang ikot para makita lang ang kuuang disenyo ng standium. Napaganda daw talaga. Sa ilang minuto nilang paglalakad ay nakarating sila sa locker room nito. May kinausap na isang staff si George, pareho pala silang staff ng standium na mag-iincharge sa isang team. Sinabi dito ni George na siya na ang bahala sa Tokyo Team at tumango naman itong kasamahan niya.
*** Locker Room ***
Pinakita ni George sa kanila ang kanilang magiging locker room area para sa kanilang Team. Malinis, maganda at mabango ang loob. Napakaexpensive ng dating. Bago pa man umalis si Coach Kawarama kasama ang Apat na ungas para pumunta sa audience area ay may binilin muna siya kay Hanamichi.
"Hanamichi, Apo." Tawag ng Lolo.
"Bakit po?" Tanong ni Hanamichi at sumagot naman ang Lolo sa pamamagitan ng japanese phrases.
"Good luck sa ikalawang laban niyo, Apo. Hindi biro ang numero unong kuponan ng France. Kung natalo niyo man ang Al Balqa, sana magawa niyo rin ulit." Payo ni Coach Kawarama sa kanya saka tinapik ang braso ni Hanamichi.
Tumango si Hanamichi sa sinabi niya habang si George ay hindi naintindihan.
"Okay, see you in the audience area. Galingan niyo Tokyo Team." Paalam nito. Pero bago siya lumabas ay tiningnan niya muna si Zakusa. "Coach Zakusa... " sambit nito.
Tumango si Zakusa sa kanya at nag thumbs-up. "Opo!" Sagot nito.
"Ikaw ang Coach?" Singit ni George sa kanila.
Tinaasan siya ng kilay ni Zakusa tila nagtataray. "Oo, ako ang Coach. Bakit? Hindi mo alam?"
"Hindi. Hindi kase halata sayo." Sagot nito. Tiningnan niya naman si Mari. "Hey Ms. Beautiful, if you don't mind later... Gusto mo bang pumasyal dito sa Paris kasama ko?" Magalang nyang anyaya.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang MVP ng College Matches. Ngayon, bilang panibagong yugto sa mundo ng kolehiyong basketball at haharapin ang ibang College Teams na nagmula sa...