CHAPTER 154: TOKYO vs. PARIS (France)

569 38 9
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 154: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-1st quarter| 17 mins. 43 sec|
Paris Team: 9 | Tokyo Team: 8 ]

Tiningnan ni Hanamichi ng masama ang kuponan ng Paris Vert Serpents. Naiinis siya sa mga ito dahil kahit pangawalang beses n niyang matagumpay na nakuha ang bola ay nababagan nila.

Parang walang balak ang Paris Team na makapagshoot ang Tokyo Team ng dalawang beses na sunod-sunod.

Tumalbog ang bola sa sahig at kinuha yun ni Hanagata. Pinatalbog niya ito. Nakatingin ang apat na kasamahan niyang sina Maki, Fujima, Sendoh at Hanamichi sa kanya na parang nag-uusap ng mata sa mata. Lamang ng isang punto ang kuponan ng Paris.

Magtatatlong minuto pa lang ang lumipas pero marami na agad ang naganap. Parehong kuponan na nagpapaligsahan sa galing at kalinisan ng laro. Ang Paris Team naman ay aware sa mga gawain nila, hindi nila hahayaang makapagpuntos ang Tokyo Team ng higit sa dalawang shot.

Pinasa ni Hanagata ang bola kay Fujima para masimulan ang opensa. Pagkasalo nito ay agad dinribol ang bola patungo sa half court ng Tokyo Team, sa harapan niya ay naundoon agad sina Maki at Sendoh habang sa parehong gilid ni Fujima ay sina Hanagata at Hanamichi. Pinuntirya nina Maki at Sendoh ng inner court samantala sina Hanamichi at Hanagata ay nasa outer area.

Nagtaka si Coach Zakusa sa kanilang anggulo, baliktad ata.

Dapat nasa loob sina Hanamichi at Hanagata para sa mga unexpected shot at rebounds habang si Maki at Sendoh ay dapat sa outer area para sa mga long range shot, reverse offensive positions. Si Sylvestre at Solevenn ay nasa inner court kasama sina Maki at Sendoh habang sina Sauveterre at Ozanne ay nasa outer area nakababag kina Hanamichi at Hanagata. Pagpakapasok ni Fujima sa Tokyo half court ay tumungo ito sa point guard area at shinoot ang bola. Tres puntos kung sakaling pumasok.

Si Marshall na nasa harapan niya ay agad itinaas ang kamay para mawala ang porma ng bola.

"Wag!" Sigaw ni Cadieux sa ginawa ni Marshall.

*Shoot!*

"What the hell?" Napangiwi si Marshall nang pumasok ang tira ni Fujima. "Pasok na naman?"

Nagpalakpakan at naghiyawan ang Tokyo Team Cheering Squad.

"ANG GALING! TINAMAAN NA NGA PERO PASOK PA RIN!"

[1st half-1st quarter| 17 mins. 35 sec|
Paris Team: 9 | Tokyo Team: 11 ]

Napatingin si Fujima at lihim na napangiti. Nagawa na naman niya ulit ang trick na yun. Si Marshall naman ay nakatingin sa scoring board at napakamot na lang ng pisnge.

"I told you!" Sigaw ulit ni Cadiuex mula sa bangko.

"Tyamba lang yun!" Sigaw din ni Marshall sa kanya.

"Do you still able to call that as luck even he done it twice?" Tanong ni Cadieux sa kanya.

"Tyamba lang kase yun!" Sagot ulit ni Marshall at tumakbo patungo sa mga kasamahan nito.

Sumipol si Solevenn nang makita niya na lamang ng dalawang puntos ang Tokyo Team. Pinagbubulungan sila ng ibang manonood. Ito ang unang beses na nalamangan sila ng kalaban. Unusual thing na nasaksihan and hindi sanay ang kanilang mga taga suporta.

Sumagi sa isip ni Solevenn na maaaring malamangan nila ang Tokyo Team sa normal na larong basketball kaysa sa pagamitan ng tricks. Baka doon bababa ang performance rate ng Paris Team lalo na't goal nila ulit ang maging Row 1 representative at maging Top 1 sa Division 4 para makaharap ng ibang dibisyon tulad ng Division 1, 2 at 3.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon