CHAPTER 160: TOKYO vs. PARIS (France)

519 50 7
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 160: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-2nd quarter| 10 mins. 41 sec|
Paris Team: 29 | Tokyo Team: 32 ]

Natigilan ang nakabangkong players ng Tokyo Team nang makita nilang ipinasok na si Cadieux. Ang Ace Player ng Paris Vert Serpents at MVP ng France College Matches.

Ang cheering squad naman ng Paris Team ay nabuhayan dahil pumasok na ang ALAS ng kuponang sinusuportahan nila.

Nilapitan ni Cadieux si Sylvestre.

"Ako daw muna, Segal. May isang foul kana daw kase. Kailangan kapa ni Coach sa 2nd half." Sabi ni Cadieux sa kanya saka tinapik ang balikat nito.

Huminga muna ng malalim si Sylvestre at tumango. Sumang-ayon siya sa kagustuhan ng Coach.

"Okay, galingan mo." Sagot ni Sylvestre sa kanya at tumakbo palabas ng court.

Pagkarating niya sa team's bench nila ay binigyan siya ng tubig ni Coach Vilgauxe at pinuri sa magaling nilang performance sa unang kwarter.

Si Cadieux na nasa court ay hinarap ang mga Tokyo Team Players.

"Okay--- let's get it on." Nakangiting sabi nito.

Muling pumito ang Referee. Ipagpapatuloy na nila ang laro. Ang bola ay hawak ng Paris Team. Ang ibang manonood ay hindi parin makapaniwala dahil ang Paris Team ang unang nagsubstitute.

Hawak ni Marshall ang bola at pinatalbog ito. Ang ibang Paris Players ay ganung player parin ang kanilang babantayan maliban kay Cadieux na haharap kay Hanamichi. Ang dalawang player na may parehong numero, tangkad at posisyon.

Habang pinapatalbog ni Marshall ang bola ay napatingin siya kay Cadeiux, nakatitig din si Cadieux sa kanya na pawang may sinasabi sa tingin. Tumango si Marshall sa kanya at sinimulan ang opensa. Dinribol niya ang bola palabas ng half court ng Tokyo Team. Sa saktong paglabas niya ay dumaan sa kanyang harapan si Solevenn at kasabay nun ang pagpasa niya sa bola.

Agad binantayan ni Hanagata si Solevenn. Nakaharang siya sa harapan nito subalit mabilis na umikot si Solevenn at tagumpay na nailusot ang bola. Nang kumurap lang ng isang beses ay nagulat siyang hindi na hawak ni Solevenn kundi nasa mga kamay na ni Cadieux.

Napatitig ang lahat ng manonood nang hawak na nito ang bola. Nakaramdam sila ng tense.

Mabilis ang pagdidribol ni Cadieux sa bola at tumungo siya sa power forward area, sa harapan niya ay nakatayo si Hanamichi. Napahinto si Cadieux sa pagdribol. Si Hanagata naman ay mabilis na lumipat sa ilalim ng ring para depensahan ang posibleng tira at abangan ang rebound.

Nakakita agad si Cadieux ng butas. Pinasa niya agad ang bola kay Solevenn na nasa kanyang likuran.

*PASS!*

Natigilan pareho si Hanamichi at Hanagata.

"Ano---"

*SHOOT!*

Tagumpay na naishoot ni Solevenn ang bola sa pamamagitan ng jumpshot. Nagdiwang ang Paris Audience.

"WOW! CADIEUX NICE PASS!" sigaw nila.

[1st half-2nd quarter| 9 mins. 59 sec|
Paris Team: 31 | Tokyo Team: 32 ]

Nag-apiran si Cadieux at Solevenn saka tumakbo paatras patungo sa division line ng Tokyo Team. Isang punto na lang ang kanilang hahabulin sa puntos ng Tokyo Team. Ang bolang naishot nito ay tumalbog sa sahig at mabilis na dinampot ni Hanagata saka hinagis kay Fujima. Pagkasalo nito ay agad sinimulan ang opensa laban sa bagong pangkat ng Paris Team.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon