SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 167: TOKYO vs. PARIS (France)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
[2nd half-4th quarter| 10 mins. 0 sec|
Paris Team: 65 | Tokyo Team: 64]Ipinasok na nga ni Coach Zakusa ang Xerox Skills ni Hanamichi Sakuragi na si Nobunaga Kiyota bilang kapalit kay Kicchou Fukuda.
"Kayo na ang bahala." Sabi ni Fukuda sa kanila bago ito naglakad palabas ng court.
Naiwan si Hanamichi at Kiyota na nakatayo habang nakatingin parin kay Fukuda na naglalakad. Nagtinginan ang dalawang unggoy.
Pumito ang Referee at binigay ang bola sa Tokyo Team. Hawak yun ni Maki at pinatalbog ito.
Nakatingin sa gawi nila ang Paris Team, inisa-isa nilang tiningnan ang mga players ng Tokyo. Pero nasabit yun sa magkatabing si Hanamichi at Kiyota.
"Bantayan niyo ang dalawang yan." Sabi sa kanila ni Solevenn.
Tumango naman pareho si Marshall at Cadieux.
Naghanda na ang Tokyo Team sa kanilang opensa.
Dinribol ni Maki ang bola upang makalabas sa inner area ng Paris Team. Ang kalaban naman nila ay binantayan ang division line ng Tokyo Team. Si Marshall at Cadieux ay sinunod nila ang kanilang task na iniwan sa kanila. Babantayan nila ang dalawang unggoy na kasalukuyang tumatakbo sa gawi nila ngayon.
Mabilis at matulin ang takbo ni Hanamichi at Kiyota. Si Maki naman ay binounce pass ang bola kay Sendoh na nasa right area ng paris team na saktong lalabas. Pagkasalo ni Sendoh ay libre siyang nakapasok sa Tokyo court. Pagkarating niya doon ay sinalubong siya ng depensa ni Sauveterre pero agad binack pass ang bola sa tumatakbong si Hitotsu.
*PASS!*
"Nice pass Tol!" Puri ni Hitotsu at nagpatuloy sa pagdribol.
Dinribol niya ang bola papuntang rebounding area ng Tokyo Team saka shinoot agad kahit wala sa porma. Pero sumulpot ang isang kamay ni Solevenn kaya napalpal nito ang tira.
*PAKK!*
Direktang tumalbog paibaba ang bola.
Nakita yun ni Cadieux at pagkakataon na niya para makuha yun at mag fast break pero bago pa man siya tuluyang makalapit ay may kamay nang dumakma nito at mabilis na idrinibol palapit sa ilalim ng ring.
"Kiyota..." Tanging sambit ni Hitotsu. "Pigilan siya!" Sigaw niya sa mga kasamahan.
Sa ilalim ng ring ay mabilis na nagbantay si Ozanne at Solevenn. Nakaabang sila pareho sa palapit na si Kiyota.
"Lapit, substitute..." Nakaismid na sabi ni Ozanne.
Pagkalapit ni Kiyota ay tumalon ito kasabay ang pag-itaas nito sa bola na may layuning idakdak sa ring. Sinabayan nina Ozanne at Solevenn ang talon ni Kiyota.
Nakatingin si Kiyota ng seryoso sa ring. Balak niyang harap-harapang idunk ang bola sa dalawa.
"Wala yan!" Tanging sigaw ni Solevenn.
At...
*PASS!*
"ANO?" nagulat ang dalawa sa biglang ginawa ni Kiyota. "HINDI MAAARI..." dagdag pa nila.
Nagsinghapan ang lahat sa nasaksihan.
"PINASA NUNG KIYOTA ANG BOLA KAHIT NASA ERE!
WOW!
Ngumisi si Kiyota sa ginawa niya.
Napatingin sila kung kanino pinasa ang bola at natigilan sila nang makita nilang si Hanamichi Sakuragi pala iyon. Nakatayo ito sa likuran ni Kiyota kaya nasakto ang air back pass nito.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang MVP ng College Matches. Ngayon, bilang panibagong yugto sa mundo ng kolehiyong basketball at haharapin ang ibang College Teams na nagmula sa...