CHAPTER 156: TOKYO vs. PARIS (France)

511 36 5
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 156: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-1st quarter| 16 mins. 25 sec|
Paris Team: 13 | Tokyo Team: 15 ]

"May dalawang puntos pa tayong hahabulin mga kasama. Gantihan natin palagi ang mga tira nila para hindi lumayo ang lamang nila sa atin. But for now, chill your minds okay?" sabi sa kanila ni Solevenn at pinasa ang bola sa kanya.

Malayo ang distansya ni Solevenn mula sa mga depensiba nito kaya jumumpshot agad siya.

*Shoot!*

[1st half-1st quarter| 16 mins. 1 sec|
Paris Team: 15 | Tokyo Team: 15 ]

"Bwisit! Nakapuntos na naman nila. Palibhasa mahusay sa pasahan ng mga 'to." Bulong ni Hanamichi. "Pero... Kailangan mawala ang pinakamagaling na passer sa team nila. Sino kaya sa kanila yun?" Dagdag pa nito.

Sa Paris half court, ang bola na mula sa pagkashoot ni Solevenn ay hawak ni Maki at sinimulan ng patalbugin.

Sila ulit ang gagawa ng opensa laban sa Paris Team.

Umandar ulit ang oras.

Dinribol ni Maki ang bola palabas ng Paris Half court at mabilis na tumungo sa lugar ng Tokyo Team's Half court at lahat ng player na dumipensa at bumabag sa kanya ay puro nalusutan. Patungong point guard area si Maki. Si Sendoh naman tumungo sa 3 point left side area. Si Fujima sa free throw area samantala sina Hanamichi at Hanagata ay parehong nasa magkabilang gilid ng ilalim ng ring.

"Bilis depensahan! Triangle-Two Offense Attack ang ginagawa nila!" sigaw ni Cadieux sa mga kasamahan niya habang nasa bangko.

Mabilis naman nagsitungo sa mga babantayan ang Paris Team.

"Maki." tawag ni Solevenn habang nakasunod dito.

Nakaabang naman si Maki sa kanya kaya pinasa agad nito ang bola patungo kay Sendoh.

"Salo!" Maki

Nakahanda na ang kamay ni Sendoh para saluhin ang bola nang...

*Pak!*

May biglang dumakma nito sa halip kay Sendoh.

Mabilis na nakarating sa harapan niya si Sauveterre.

"Nakuha niya!" sabi ni Hanagata.

"Panira sila ng plano!" inis na sabi ni Hanamichi saka mabilis na lumipat ng pwesto.

"Fast Break!" sigaw ni Sauveterre saka hinagis ang bola sa ere.

Nakarating agad sa unahan ang tumatakbong si Sylvestre. Sumunod naman sa kanyang likuran si Marshall at Ozanne.

Naalarma ang Tokyo Team dahil mga sharp shooter ang nakasunod kay Sylvestre. Iniisip nila baka pagnakuha ni Sylvestre ang bola ay ipapasa niya sa isa sa mga kasamahan na nakasunod sa kanyang likod at ito ay magpupuntos ng tres.

"TOKYO BILIS!!!" sigaw nina Takamiya, Ohkusu at Noma.

"BILIS HANAMICHI! IKAW LANG ANG MAKAKAPIGIL DYAN!" sigaw ni Mito sabay hambalos ng litrong plastik sa railings.

"Bilis!" sigaw ni Maki at hinabol yung tatlo.

Sumunod naman si Sendoh at Hanamichi.

Mabilis na nahabol nina Hanamichi sina Sylvestre na patungo pabalik sa half-court ng Paris Team.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon