SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 129: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Nagharap si Hanamichi at El Maghraby sa center circle. Nagtinginan ang dalawa at naghanda para sa jump ball. Nakapalibot sa kanila ang ibang players.
Nakatutok si Coach Kawarama sa kanila. "Jump ball huh... Talo nga si Masashi laban kay Hanamichi dyan."
"Hanamichi kaya mo yan!" Sigaw ng Apat na Ungas.
Hinanda ng Referee ang bola at hinagis yun.
"Ayan na." Coach Al Sharafat
Naunang tumalon si El Maghraby.
"Ganyan nga." Sabi sa isip ni Al Jayarat.
Kunting milimetro na lang ang lapit ng kamay ni El Maghraby sa bola para makuha 'to.
*PAK!*
"Ano!" Nagulat si El Maghraby dahil si Hanamichi ang nakapalpal nun.
"Imposible!" Al Jayarat. Nagulat din ang iba.
Ang bolang napalpal ni Hanamichi ay nasalo ni Maki. Agad naman nagsibantayan ang ibang players ng Al Balqa sa kanilang opensiba pero laking gulat nila ay wala na agad 'to sa kanilang tabi. Nakita na lang nila na nasa half court na ito.
Sa saktong pag-apak ng paa ni Hanamichi sa sahig ay tumakbo agad ito.
Napabilib si El Maghraby sa reflexes niya.
Ang bolang hawak ni Maki ay binounce-pass kay Sendoh. Pagkasalo ni Sendoh ay hinagis naman ito sa nakatalong si Hitotsu.
*Pak!*
*DUNKKKKKKKKKKKK!*
"Yahoooo!" Sigaw ng mga kambal niya.
"Ayos! Puntos na naman!" Pumalakpak si Jin.
"Ganyan nga. Ang galing niyo." Cheer ni Hanagata.
Nag-apiran ang Tokyo Players samantala ang Al Balqa Players ay speechless.
"Ang bilis nila." Tanging sabi nila.
"Sigurado na'to. Mga ninja sila." Bulong ni El Maghraby.
"Sira na naman yang ulo mo." Suway ni Al Jayarat sa kanya. "Tara sa opensa!"
Pagkatapos madakdak ni Hitotsu ang bola ay agad nagsibalikan sa division line ang Tokyo Team. Pagkatapos ay humarap sa opensa ng Al Balqa Team.
"Higpitan ang depensa. Siguradong hahabol sila. Huwag niyo paring kalimutan na sila anh numero unong kuponan ng Jordan." Sabi ni Maki sa kanila.
"Oo, Lolo!" Sagot agad ni Hanamichi.
Kaya ang kaninang score ng Tokyo Team na 11 points ngayon ay naging 13 na. Ang Al Balqa Team ay 5 pa rin.
Hinilot ni El Maghraby ang mga kamay niya. "Tama nang biruan." Umismid siya. "Totoo ngang magaling kayo."
Tumawa naman ang ibang kasamahan niya. "Tama na'tong drama acting natin Captain Al Jayarat. Magaling sila." Nakangising sabi ni Najjar.
Huminga ng malalim si Al Jayarat at tumango na lang.
"Sige na nga. Gusto ko sanang pahabain muna 'tong aktingan natin." Sagot ni Al Jayarat.
"Sila ang lalamang sa 1st set kapag ipagpatuloy natin 'to Captain." Jaradat
"Oo na. Kikilos na tayo."
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️
FanficSi Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang MVP ng College Matches. Ngayon, bilang panibagong yugto sa mundo ng kolehiyong basketball at haharapin ang ibang College Teams na nagmula sa...