CHAPTER 180: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

632 39 12
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 180: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-2nd quarter| 6 mins. 29 sec|
Tokyo Team: 35 | Skopje Team: 34]

Dahil sa fade away shot ni Hanamichi ay muling naging lamang ang puntos ng Tokyo Team laban sa Skopje Team. Mabilis na tumakbo sina Hanamichi pati ang kasamahan nito papasok sa half court ng Skopje para depensahan ang opensa nito.

Dinribol ni Jovanovska ang bola palabas ng inner court ng Tokyo Team. Sa outer area naman ay nandoon na nakatayo ang tatlong best shooter ng Skopje na sina Nikolovski, Rajak at Bajrami. Pinasa ni Jovanovska ang bola kay Nikolovski.

*PASS!*

Pagkasalo nito ay mabilis niya itong dinribol hanggang sa tuluyan itong makalabas sa half court ng Tokyo Team. Pagkarating niya sa kanilang half court ay nakita niya si Rajak na tutungo sa Shooting guard area.

Nakita ni Rajak ang kanyang tingin kaya tumango ito. Pinasa ni Nikolovski ang bola agad sa kanya.

*PASS!*

Pagkasalo nito ay agad tumakbo si Hanamichi sa gawi ni Rajak upang pigilan at babagan itong pumuntos subalit hindi na niya naabutan.

*SHOOT!*

Isang matagumpay na tres puntos ang nagawa ni Rajak bilang pambawi sa nakuhang puntos ng Tokyo team. Naghiyawan ang naman ang Skopje Audience.

[1st half-2nd quarter| 5 mins. 57 sec|
Tokyo Team: 35 | Skopje Team: 37]

Natigilan si Hanamichi dun. "Hindi maari. Nakabawi agad sila. Kainis!"

Nilingon ni Hanamichi ang bolang shinoot ni Rajak nang makita niya na hawak na agad yun ni Sendoh.

"Tara, opensa!" Sigaw nito.

"Depensa bilis! Depensa!" Sigaw din ni Jovanovska na siya namang sinunod agad ng kanyang mga kasamahan.

Agad silang tumakbo patungo sa court ng Tokyo.

Si Sendoh ay kasalukuyang hawak na ang bola. Mabilis at matulin ang kanyang pagdidribol hanggang sa nakalabas ito ng tuluyan sa court ng Skopje.

"Bilisan niyo pang dalawa!" Sigaw ni Sendoh kina Hanamichi at Hitotsu na naunang tumakbo sa kanila.

Pagkapasok nilang lahat sa half court ng Tokyo ay agad gumawa ng defense formation ang Skopje players. Mag-isang nakatayo si Jovanovska sa ilalim ng ring habang sa rebounding area naman ay si Rajak.

"Bilis, Uno. Lusubin mo yung ilalim ng ring kung saan nadoon si Jovanovska. Ako nang bahala kay Rajak." Sabi ni Hanamichi sa kanya.

"Pero, Sakuragi Tol. Paano kung harangan niya ako?" Tanong nito.

"Hindi niya yan gagawin, Uno. Dahil kapag ginawa niya yun, makakapuntos tayo dahil alam niyang kaya kong pataubin yung Kapitan nila." Sagot ni Hanamichi.

Kahit nag-aalangan ay tumango na lamang si Hitotsu at sinunod ang sinabi ni Hanamichi.

Samantala si Rajak na nakabantay sa rebounding area ay nakatingin sa papalapit na sina Hanamichi at Hitotsu. Nalilito soya kung alin sa dalawa ang kanyang babantayan. Napaisip siya.

Isang JBA Trainee Center at ang Red-Haired Rebound King ay palapit na ngayon sa kanilang gawi.

Naalarma siya nang agad nakarating sa kanyang gilid si Hitotsu na hawak na ang bola.

"Hawak niya..." Sabay na bulong ni Rajak at Jovanovska. Hula nila ay titira ng jumpshot si Hitotsu.

Which is ganun pala.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon