SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 132: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Ang kasalukuyang puntos ng bawat kuponan ay 19 points para sa Tokyo Team at 13 points parin para sa Al Balqa.
Tumayo si Coach Al Sharafat at tumawag ng Time-out.
(Pumito...)
"CHARGED TIME-OUT! AL BALQA TEAM!" Sigaw ng Referee.
"Ayos!" Mahinang tili ni Coach Zakusa at pumalakpak.
Nagsipuntahan naman sa kanilang mga team ang players. Ang Starting Five ng Tokyo Team ay isa-isang binigyan ng mga bimpo at tubig. Samantala ang Al Balqa Team humihingal maliban kay El Maghraby.
Nakatayo si Coach Al Sharafat sa kanilang harapan.
"Ano nangyayare sa inyo? Bakit ganyan ang mga laro niyo?" Tanong niya sa kanyang mga players.
"Malakas sila Coach." Sagot agad ni El Maghraby.
Napairap si Coach Al Sharafat. "Ano ba kayo? Ang ganda-ganda ng laro niyo laban sa Georgia tapos naging ganito lang?"
"Hindi naman namin akalain na mas skilled ang Tokyo Team kaysa sa Georgia, Coach. Unexpected ability and reflexes. Lalo na yung si Sakuragi." Sagot ni AL Hourani.
"Kahit na! Ano? Kapag natalo niyo ang Tokyo Team. Pasok na tayo sa Top 20 global rank. Ayaw niyo ba nun?" Tanong ulit ni Coach Al Sharafat.
"Syempre gusto." Sagot nila.
"Edi kung ganun ay ayusin niyo ang laro niyo. Para kayong tulog." Coach Al Sharafat
Samantala sa Tokyo Team area. Ang mga data na nakuha nina Mari at Haruko ay hawak ni Coach Zakusa. Nagpasalamat si Mari may Hikoichi sa mga data. Nalaman ni Mari na nagmula kay Hikoichi ang mga data dahil nakita niya ang pangalan nito sa huling pahina ng papel.
"Makinig kayo. Ang totoong malalakas na players ng Al Balqa Team ay nasa bangko pa." Nagulat sina Hanamichi sa sinabi ng Coach.
"Ano? Paanong sila?" Nalilitong tanong niya.
"Mga high players ng Al Balqa ang nasa bangko. Sa oras na ipinasok ang isa sa kanila ay siguradong magbabago ang laro nila. Syempre hindi tayo magpapatalo sa kanila. Marami din tayong malalakas na bangko." Ngumiti si Coach Zakusa at tinuro sina Fujima.
"Kung ganun, may ibang pinaghahandaan ang Al Balqa. " Sabi ni Maki.
"At ano naman yun?" Tanong ni Kiyota.
"Sigurado ako. Ang 2nd half yun." Sagot ni Sendoh.
"Sakuragi." Tawag ni Coach Zakusa sa kanya. Tiningnan naman siya nito.
"Si Al Jayarat ang bantayan mo. Maki, si Najjar ang sayo. The rest, yun parin ang babantayan niyo." Utos nito.
Tumango naman sila.
Tumunog ulit ang time buzzer. Kailangan na nilang bumalik sa court.
"Al Balqa! Wag niyong kakalimutan ang sinabi ko, maliwanag?!" Sigaw sa kanila ni Coach Al Sharafat.
"OPO/YES COACH!!!" sagot nilang lima.
"Galingan niyo Team, 6 points lang ang lamang nila, kaya pang habulin yan." nakangiting sigaw ni Rofia. Ang manager ng Al Balqa.
"Mahahabol namin yan." sagot ni El Maghraby at naglakad na sila pabalik sa court.
Samantala sa Tokyo's Bench sabay-sabay silang sumigaw.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang MVP ng College Matches. Ngayon, bilang panibagong yugto sa mundo ng kolehiyong basketball at haharapin ang ibang College Teams na nagmula sa...