SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 162: TOKYO vs. PARIS (France)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
[1st half-2nd quarter| 5 mins. 0 sec|
Paris Team: 38 | Tokyo Team: 43 ]Dahil sa tres ni Maki ay nagdiwang ang mga taong sumusuporta sa Tokyo Black Samuraiz. Ang apat na ungas ay muling natuwa dahil limang minuto na lang ang natitira at lamang ang Tokyo Team ng limang puntos.
Nag-apiran si Maki at Hanamichi bilang pagpuri sa isa't-isa. Sa hindi inaasahan ay pumito ang Referee na siyang ikinatigil at kinagulat ng ibang manonood.
(Pumito...)
"CHARGED TIME-OUT! PARIS VERT SERPENTS!" anunsyo ng Referee.
Napatingin ang limang players ng Paris Team sa kanilang Coach. Nakadekwatro etong nakaupo sa kanyang bangko. Muling natuwa ang Tokyo Team players dahil may sandaling minuto silang pahinga. Pareho silang naglakad palabas ng court para tumungo sa kanilang Coaching Area.
Pagkarating nina Hanamichi sa kilang Team Area ay agad na tumayo ang Triplets at hinatidan sila ng tubig at malinis na bimpo isa-isa.
"Nice game mga Tol!" Puri sa kanila ni Hitotsu.
"Oo nga! Ang galing niyo pareho!" Futatsu
"Akalain niyo--- ang kasalukuyang member team ng Top 8 Global Rank ay ilang beses niyong nalamangan. Unang beses niyo pa silang nakalaban tama ba?" Tanong sa kanila ni Mittsu.
Tumango naman si Maki. "Oo, unang beses pa dahil unang beses namin tong nakapaglaro sa intercollegiate." Sagot nito.
Napawow ang Triplets sa kanila.
Si Mari naman ay pinuri din sila isa-isa, si Coach Zakusa naman ay nagbigay ng panandaliang task na siya namang naintindihan agad ng mga players niya. Si Haruko naman ay nakaupo sa tabi ni Hanamichi at pinag-usapan ang ilang bagay. Diniscuss ni Coach Zakusa ang maaaring gawin ng Paris Team at posibleng maibaliktad nito ang sitwasyon.
Sa area naman ng Paris Team, si Coach Vilgauxe ay nakaupo parin pero nakalantad sa harapan ng limang manlalaro niya ang assigns at tasks ng mga ito. Pinaliwanag niya ang magiging galaw nila.
"Tandaan niyo. Isang DARK HORSE ang Tokyo Team. Oo nga't wala tayong impormasyon sa kanila at oo rin, dahil isa yun sa pagkakamali natin. Naging kampante tayo." Sabi ni Coach Vilgauxe sa kanila.
"Always put this in your mind, boys. Tayo ang Over Power House Team ng France College Matches. Think about it if we lost this match? Nakakahiya sa kuponan natin, biglaan lang ang pagsabak ng Tokyo Team dito sa intercollegiate. Ang buong akala ko pa naman ay ang Akita parin ang ating makakaharap." Dagdag pa ng Coach.Tumango naman si Solevenn. "Same goes here, Coach. Last year ang Akita Team ang nakalaban natin, so I was surprised na ibang No. 1 team ng Japan College Matches ang haharap sa atin." Opinyon nito.
"Well---I don't deny na magaling ang Team nila. A lot of revealing moves pero pakiramdam ko ay may tinatago pa sila. Some of the players sa loob ay rare kung tumira. But still... Mag-iingat parin tayo. We have to look their moves every inch of the moment as long as ganung line-up ang nasa loob." Opinyon din ni Cadieux.
Pagkatapos niyang sabihin yun ay nilagok ni Cadieux ang tubig ay huminga ito ng malalim. Kunting minuto palang siyang naglalaro pero uhaw na uhaw na siya sa tubig. Ang kondisyon ng pangangatawan ni Cadieux ay maihahalintulad kay Mitsui. Pero naaagapan niya ito palagi sa pag-inom ng maraming tubig kada may time-out, at alam yun ng mga kasamahan niya.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang MVP ng College Matches. Ngayon, bilang panibagong yugto sa mundo ng kolehiyong basketball at haharapin ang ibang College Teams na nagmula sa...