CHAPTER 189: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

785 37 1
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 189: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Sa segundong natitira ay naglaro ang parehong kuponan na malaya ang loob. Mga estilong gusto nilang gawin dahil susulitin na nila ang mga oras na natitira.

Eenjoyin na nila ang laro.

Ang Skopje North Macedonia Team ay minsan lang mangyayari sa kanila ang ganito, lalo na sa isang aktwal at maimportanteng laban tulad ng Intercollegiate Matches. Hindi na mahalaga sa kanila ang magiging resulta ng laban, ang mahalaga ay magtatapos ito nang may ngiti sa kanilang mga labi.

Laro ay laro lamang.

"Captain!" Pasa ni Rajak sa bola kay Jovanovska.

*PASS!*

Pagkasalo ni Jovanovska mula sa center area ng Skopje court ay dinribol niya ito papuntang ilalim ng ring at nag lay-up shot.

*PAKK!*

Subalit dumating agad si Maki at napalpal yun.

"Napigilan niya." Sambit ni Jovanovska.

Ang bolang pinalpal ni Maki at bumanda sa ring saka tumalbog sa sahig na agad namang inagapan ni Ivanova.

"Ako ang pupuntos!" Sabi nito at nag jumpshot.

Nakaabang sa ilalim ng ring sina Jovanovska at Maki habang nagpupuwersahan.

Ang bolang tinira ni Ivanova ay palapit nang palapit sa ring.

Pero...

Nakaalerto pala si Sendoh at tumalon ito habang nakataas ang isang kamay. Hindi pa man nakalapit ang bola sa anggulo ng ring ay inairblock na iyon ni Sendoh.

*PAKK!*

"Ikaw nang bahala!" Sigaw ni Sendoh kay Hanamichi.

Sa kanya tinungo ni Sendoh ang bola. Pagkakuha ni Hanamichi ay agad itong nagdribol ng mabilis palabas ng court ng Skopje.

"Bilis sa unahan kayo!" Sigaw ni Hanamichi kina Jin at Fujima.

"Di mo na kailangang sabihin yan." Nakaismid na sabi ni Fujima habang tumatakbo.

Pumasok na sa 30 seconds ang oras.

"SKOPJE!

SKOPJE!

SKOPJE!"

"TOKYOOOOOOOO!

FIGHT OH!

FIGHT OH!

TAPUSIN NIYO NAAAAAAAAA HANAMICHI!" Cheer ng apat na ungas.

"Apoooooooo! Ginigigil mo'ko! Manang-mana ka talaga sakin!" Ngisi at malakas na sigaw ni Coach Kawarama sa kanyang basketbolistang apo.

Nang makapasok si Hanamichi sa kanilang half court ay nagulat siya nang makarating agad si Rajak sa kanyang harapan na nakangisi.

"Rajak." Sambit nito.

"Gawin mo nga ulit yung ball handling. Baka chamba lang yun kanina." Mapang-asar na sabi ni Rajak sa kanya.

"Tangek. Wala sa bokabularyo ng Henyong ito ang salitang Chamba o imposible. Okay? Henyo ako." Ngumisi si Hanamichi sa kanya at muling ginawa ang ball handling na matagal nang naituro sa kanya ni Sendoh.

Isang alternate through the legs while fronting the opponent ang ginagawa ni Hanamichi. Palapit siya ng palapit habang pinaglalaruan ang bola.

Ang apat na ungas naman na sina Mito, Takamiya, Noma at Ohkusu ay napa-wow sa pinapamalas ng kanilang kaibigan.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon