CHAPTER 166: TOKYO vs. PARIS (France)

556 49 14
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 166: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[2nd half-3rd quarter| 14 mins. 22 sec|
Paris Team: 57 | Tokyo Team: 57]

Agad hinabol ni Hanamichi si Cadieux na tumatakbo ngayon sa gawi ng Tokyo court para dumepensa. Habang tumatakbo si Hanamichi papasok ay sa division line palang ay binabagan na siya nina Solevenn at Ozanne.

"Naknang---" huminto si Hanamichi sa pagkatakbo.

"Sakuragi!" Sigaw ni Maki sa kanya.

"Lolo!" Sagot ni Hanamichi at agad na nagpalit ng pwesto.

Si Maki ay inagaw ang atensyon ni Ozanne. Si Hitotsu naman ay ganun din ang ginawa upang makalusot si Hanamichi. Nagpatuloy si Hanamichi sa pagtakbo hanggang sa nahabol niya si Cadieux.

Ang bola na hawak ni Sendoh ay idrinibol papuntang tres area ng tokyo court. Pagkarating niya ay nagpose agad ito at nagshoot. Pero sumulpot ang dalawang kamay ni Sauveterre at blinock ang kanyang ere. Iniwas paibaba ni Sendoh ang bola na saktong nakuha ni Fukuda na dumaan sa harapan niya.

Napatingin silang lahat kay Fukuda na palapit sa ring, nakita siya ni Cadieux at tumungo sa gawi nito pero agad siyang huminto nang babagan siya ni Hanamichi. Nakabuka ang mga kamay nito at walang balak na palusutin si Cadieux.

"Alis." Cadieux

"Nabubuang kaba? Lusutan mo'ko." Naasar na sabi ni Hanamichi.

At tagumpay na nailay-up shot ni Fukuda ang bola.

*SHOOT!*

"Ayos." Bulong ni Fukuda.

[2nd half-3rd quarter| 13 mins. 54 sec|
Paris Team: 57 | Tokyo Team: 59]

Naghiyawan ang Tokyo Audience sa dagdag na puntos ng kuponan.

Paikli ng paikli ang takbo ng oras. Ang mga galaw nila sa court ay nagiging mabilis at agresibo na. Sa pagkakataong ito big deal na ang bawat minuto. Specially sa Paris Team, dalawang beses na silang nalamangan ng Tokyo Team sa mga quarter na nagdaan. Hindi na sila makakapayag na lamang parin ang Tokyo Team sa katapusan ng 3rd quarter.

Agad kinuha ni Cadieux ang bola saka pinasa kay Sauveterre na tumatakbo papuntang Paris court. Pagkasalo nito ay mabilis niyang idrinibol ang bola, nakasunod sa kanya si Sendoh. Tiningnan ni Sauveterre ang lahat ng anggulo at mga kasamahan niya sa court. At doon ay nakita niya sina Marshall at Solevenn na nauna pala sa kanilang half court.

*PAKK!*

Napalpal ni Sendoh ang bolang hawak niya na walang kamalay-malay. Ikinagulat yun ni Sauveterre.

Ang bolang napalpal ni Sendoh ay agad dinakma ni Fukuda.

"Bilis, puntos." Sabi sa kanya ni Sendoh.

"Balik sa Tokyo!" Sigaw ni Solevenn sa mga kasamahan.

Kumaripas ng takbo pabalik sa Tokyo court ang Paris Players dahil nagtagumpay na naman ito sa interception. Matulin na nagdidribol si Fukuda papasok sa area nila. Nakita niya si Hitotsu at Hanamichi na nasa ilalim agad ng ring. Mukhang makakapuntos ulit sila dahil dalawa sa team niya ang nasa ilalim.

Biglang dumating si Marshall para depensahan siya. Pero nakita niya si Maki na nasa shooting area na bakante at libre sa depensa kaya pinasa niya ito doon. Pagkakuha ni Maki ay walang pasabing shinoot agad ito bago pa siya lapitan ng depensiba.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon