CHAPTER 178: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

654 35 10
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 178: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-2nd quarter| 9 mins. 52 sec|
Tokyo Team: 24 | Skopje Team: 26]

Muli ngang nagawa ni Hanamichi ang kanyang signature dunk na Slamdunk na siyang nagpagising sa kanyang sistema. Pero alam niya parin na hindi sapat ang ganun upang lampasuhin at talunin ang Skopje.

Sa kanyang personal reflexes palang ay magkasingtulad na limang starting players ng Skopje na talagang mataas ang rate upang mapigilan at babagan siya.

Kahit si Hanamichi ang huling nakapuntos ay hindi parin maalis sa kanyang isipan ang pagkabahala. Sa lagay na ito, starting players palang ang kanilang kalaban at hindi pa ang substitution.

Siyam na minuto at limampu't-dalawang segundo na lang ang natitira sa first half.

Kinuha ni Rajak ang bola at pinatalbog ito. Napaismid na lang siya sa kakulitan ng Tokyo Team.

"Ayaw talagang magpatalo eh." Natatawang bulong nito saka tiningnan sina Jovanovska at Nikolovski.

Sinenyasan niya ito gamit lamang ang tingin. Tumango naman ang dalawa sa kanya.

Sinimulan na ni Rajak ang opensa.

Dinribol niya ang bola hanggang sa ito ay makalabas ng inner court ng Tokyo Team. Ang dalawang kasamahan na kanyang sinenyasan kanina ay tumakbo nang mabilis upang pangunahan ang kanilang opensa.

Ang pagdidribol ni Rajak ay dumating hanggang sa division line ng court. Sa loob naman ng Skopje Court ay nandoon na sina Jovanovska at Nikolovski.

Nakita niyang binabangan ni Sendoh si Nikolovski kung kaya't hindi na maitutuloy ang pasa ni Rajak. Si Jovanovska na lang.

*PASS!*

*PAKK!*

"Ano!" Hindi na napigilan ni Rajak ang sarili na mapatili nang biglang lumantad sa kanyang harapan si Hanamichi.

Tinamaan nito ang bola sabay kuha.

"A-ang bilis." Gulat niyang sabi dahil hindi niya akalain na makukuha ni Hanamichi ang bola mula sa kanya kahit plano na ito ni Rajak.

Ang plano nila ay nabigo dahil sa ating Henyo.

"Nice interception, Sakuragi!" Masayang sigaw ni Haruko habang si Hanamichi ay dinidribol na ang bola palayo sa inner court ng Skopje.

Ang tatlong point guard na sina Maki, Fujima at Sendoh ay namangha na lamang. Hindi nila akalain na kayang pigilan ni Hanamichi ang Super Ace Player ng North Macedonia College Matches na i Dodevska Rajak.

Mabilis ang pagkadribol ni Hanamichi na tuluyang hindi mahabol. Minasdan ni Rajak ang estilo ni Hanamichi sa pagdidribol.

Hindi siya maniniwala kung Power Forward lamang ang posisyong kayang gawin nito. Sa bilis, lakas at tulin ni Hanamichi sa court, pati na rin sa interception at paghahari sa rebound ay masasabi niyang ay may kakayahan ito na tinatawag na All in One Position. Halos lahat ng posisyon ay kaya nitong gawin.

Agad nakarating si Hanamichi pabalik sa court ng Tokyo kasama ang apat niyang kakampi. Pinangunahan ito ni Hitotsu na malapit na sa ilalim ng ring samantala ang tatlo point guard ay nakaback-up sa kanya para sa baka sakaling shift formation defense ng Skopje.

Ang bolang hawak ni Hanamichi ay pinaubaya sa player na mas malapit sa ring. Kay Hitotsu.

*PASS!*

Pagkasalo ni Hitotsu ay sinabay agad nito ang pagtalon at pagdakdak sa ring.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon