SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 140: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Magsisimula na ang second half. Ang parehong starting five ng Al Balqa at Tokyo ay pumasok na sa court at pumwesto. Pumunta sa gitna ang Referee dala ang bola. Umabante naman ang mga jump ball representatives. Si Jabour na first year center na may tangkad na 218 centimeters mula sa Al Balqa Team laban kay Futatsu na isa ring first year center na may tangkad na 215 centimeters mula sa Tokyo Team.
Pagdating nila sa center circle ay nagtinginan ang dalawa. Ang parehong apat nilang kasamahan ay pumwesto sa kanilang palibot. Si Khader ay muling binantayan si Hanamichi.
Si Maki naman ay piniling bantayan si El Maghraby. Nagtaka naman ito sa kanya.
"Seryoso? Ikaw ang magbabantay sakin?" Takang tanong niya kay Maki na nakatingin lang sa kanya. "Mas gusto ko si Sendoh, pardz! Iba na lang ang bantayan mo. Mukha ka pa namang matanda."
Napangiwi si Maki sa huling sinabi niya. Samantala si Sendoh na nakarinig sa kanila ay napakamot na lang sa pisngi habang nakabantay kay Khalifa.
"Hindi mo ba ako narinig pardz? Baka mapano ka sakin at maging kasalanan ko pa. Ang player na nababagay at maging katunggali ko ay si Sendoh. 2 years MVP ako samantala siya ay 2 years SAP."
(A/N: SAP means Super Ace Player.)
Hindi nakapagtimpi si Maki sa kayabangan ni El Maghraby.
"2 years MVP? Kung ganun hindi ka nga karapat-dapat na bantayan ko." Nakaismid na sabi ni Maki sa kanya.
"Oo, dapat lang!" Tumango si El Maghraby.
"TUMIGIL KA NGA SA KAYABANGAN MO EL MAG-RUGBY!" singit ni Hanamichi sa banatan nila. "Anong karapatan mong maliitin yung Team Captain namin? Kung ikukumpara ko siya sa Team Captain niyo ay mas lamang siya!"
Naningkit ang mga mata ni El Maghraby sa kanya. "Wala ka ding karapatan na maliitin ang Team Captain naming si Al Jayarat. At anong El Mag-rugby? El Maghraby yon! Maghraby hindi mag-rugby!"
Pero tumawa lang si Hanamichi. "NYAHAHAHAHA Wag ka na dyan, Boy Rugby!"
"EL MAGHRABY nga sabi eh!!
"BOY RUGBY!"
"MAGHRABY nga!"
"MAG-RUGBY!"
Tumigil ang dalawa sa sumbatan nang pumito ng Referee at hinagis ang bola nang napakataas.
Parehong nakahangad sina Jabour at Futatsu saka sabay na tumalon. Napahawak ng mahigpit sa inhaler sina Hitotsu at Mittsu.
Agad pumukos ang Tokyo Team sa bola.
*Pak!*
Naunang naabot ni Hitotsu ang bola.
"AYOS!" Tokyo's Bench
Ang bola ay pinalo ni Hitotsu patungo sa gawi ni Maki. Nakita ni El Maghraby yun kaya agad siyang humarang. Sa kanya palapit ang bola at nasalo yun.
"Ano!" Futatsu
Bago pa man magdribol si El Maghraby ay biglang sumulpot ng isang kamay ni Maki at inagaw yun.
"Hah!" Napasigaw si El Maghraby sa gulat.
Mabilis na dinribol ni Maki ang bola papasok sa kanilang half court. Ang Al Balqa Team ay agad gumawa ng depensa samantala ang Tokyo Team ay nagsikalat sa court para sa gagawing opensa.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang MVP ng College Matches. Ngayon, bilang panibagong yugto sa mundo ng kolehiyong basketball at haharapin ang ibang College Teams na nagmula sa...