Slayer Faction, ang tawag sa grupo ng mga tao na pumapatay ng mga dragon, sa ibang salita pa ay isa silang mga Dragon Slayer. Hindi lang sila ordinaryong tao na pumapatay ng mga dragon dahil ang espesyal kasi sa kanila ay sinusupurtahan din sila ng mga gobyerno sa ibang bayan, ng hari at ibang namumuno sa bawat malalaking bayan. Mga pagkain, sandata, salapi at iba pang materyales na gagamitin nila sa pang-araw-araw na pakikipaglaban.
Hindi naman mawawala sa pagiging miyembro ng Slayer Faction ang patayan sapagkat may mamatay talaga sa kanila. May mga impormasyon silang makukuha kapag may dragong papasok sa kanilang lugar kaya madali silang makakapunta kapag umatake na ang dragon. Ang pagiging miyembro ng Slayer Faction ay may dalawang parte, ang tagabantay at tagapaglakbay.
Ang tagabantay ay sila yong nagbabantay sa kanilang lugar, lalabanan lang nila ang dragon kapag pumasok na ito sa kanilang lugar samantalang ang tagapaglakbay nama’y lumalaban sa labas ng kanilang lugar. Ang kaibahan lang sa tagabantay at tagapaglakbay ay nasa loob lang ng pook sila nakikipaglaban sa mga dragon habang nasa labas naman ng pook nila nakikipaglaban ang mga tagapaglakbay.
Halimbawa, si Shin na siyang nagtanggap kay Aries para makapasok sa Slayer Faction. Dahil nasa loob ng pook iyon ang bayan naman nila kaya ang tawag sa kanila ay tagabantay, kapag ang isang grupo ay lumabas sa kanilang pook halimbawa patungo sila sa kalahating mundo ay tagapaglakbay na sila. Ang kampo kasi ng Slayer Faction ay nasa pagitan ng mundo ng mga tao at mundo ng mga dragon.
Ang kalahating-mundo ang tawag sa mundo ng mga dragon habang ang kalahati naman sa mundo ay tinitirhan ng mga tao. Maraming bumabalot na misteryo sa kalahating-mundo sapagkat mga dragon lang ang naninirahan doon, hindi kasi alam ng mga tao kung mayroon bang naninirahan na tao doon, kaya ang mundo ng mga dragon ay isang misteryo para sa mga tao.
Samantala, dalawang araw na ang lumipas simula nang maglakbay ang grupo ni Shin pabalik ng kampo nila. Kasama din nila si Aries sa kanilang paglalakbay dahil inimbitihan kasi siya ni Shin na sumali sa Slayer Faction. Hindi kasi nila inaakalang sasama si Aries kahit isa pa itong bata na bulag ang kanang mata.
Nagtatawanan naman ang mga palabang lalaki na kasama ni Shin na may edad na tatlungpu pataas kay Aries.
“Hoy bata, gusto mo bang maging miyembro ng Slayer Faction? Nababaliw ka na ba? Hindi iyon lugar para sa mga batang tulad mo, lugar iyon para sa mga matatapang, malalakas, at walang takot na mamatay tulad namin, hindi ko alam kung papaano napatumba ang dragong umatake sa bayan niyo, pero ang paalala ko lang sa iyo wag kang maging tigasin bata”paliwanag ng lalaking kasamahan ni Shin kay Aries.
“Oo nga bata, paalala ko lang sa iyo, kung sinira man ng dragon ang bayan mo tapos may namuong galit sa dibdib mo, kalimutan mo nalang iyon, yan lang ang ikakapahamak mo”paalala nila kay Aries.
Nairita naman si Shin sa mga kasamahan niya dahil pinagtutulungan na kasi nila si Aries habang tahimik lang na nakatitig si Aries sa paligid.
“Ano ba kayo? Hindi pa ba kayo hihinto diyan, alam niyo namang tahimik yong tao tapos pagtutulugan niyo pang disturbuhin”pagalit na sabi ni Shin sa mga kasamahan niya.
Tumahimik naman silang lahat dahil sa pinagalitan sila ng kanilang lider na si Shin.
“Pasensya ka na bata kung inisturbo ka nila, alam kong malalim pa ang iniisip mo”sabi ni Shin kay Aries. “Ano ba ang pangalan mo, hindi ko iyon naitatanong sa iyo”sabi ni Shin.
“Aries”pakilala niya kay Shin.
Nagulat naman ang lahat nang marinig nila ang pangalang Aries, tumatak kasi sa kanilang isipan ang traydor na sa kaharian ng Ylgad, pero imbes na sila’y sumeryuso kay Aries ay nagtawanan lang sila.
“Hoy bata, gusto mo talagang maging maangas, pangalan pa ng kriminal ang pinangalan mo sa sarili mo, nakakabilid ka bata”patawa nila kay Aries.
Wala namang reaksyon si Aries nang pinagtawanan siya ng mga ito. Akala kasi nila ay nagbibiro lang siya sapagkat siya pala ang Aries na sinasabi nilang kriminal sa kaharian ng Ylgad.
Matapos, ang ilang araw pa nilang paglalakbay ang nakabalik narin sila sa kanilang kampo, ang kampo ng Slayer Faction. Malaki at malawak ang kampo ng Slayer Faction dahil may sukat ito na kumulang sampung ektarya. May mga maliliit naman na gusali ang nakatayo doon para matutuluyan ng mga tao, mayroon ding mga malalaking gusali na ang nakatira nama’y mga Dragon Slayer na may matataas na antas, tulad ng heneral, koronel, major at iba pang may malalaking antas.
Nang pumasok si Aries sa kampo ng Slayer Faction ay tumambad sa kanya ang mga walang awang mga taong pinabilad sa init ng araw, malapit na ngang mahimatay ang iba dahil sa hilo.
“Dapat kaya niyo ang pagsasanay dito! Kapag hindi niyo makakayanan ay dito lang kayo mamamatay! Naiintindihan ba?”paalala ng isang lalaki na parang may mataas na antas doon sa mga baguhan.
“Opo sir”sagot ng mga baguhan.
Bigla namang may hinimatay doon dahil sa hilo.
Patuloy namang naglakad si Aries kasama si Shin patungo sa malaking gusali, doon kasi itinalaga ang babae na siyang magpapasok sa mga baguhan tulad ni Aries. Naghihintay naman doon ang walo pang mga kalalakihan sa upuan. Mga baguhan din sila tulad ni Aries na gustong maging miyembro ng Slayer Faction.
“Aries hanggang dito lang maitutulong ko sa iyo, kapag may mga katanungan ka, ay tanungin mo lang si Yumi yong sekretarya dito, sige Aries”paliwanag ni Shin tapos siya’y umalis matapos ang paliwanag niya kay Aries.
Kasama ni Aries na naghintay doon ang walo pang mga kalalakihan, hindi pa kasi nakakarating si Yumi na siyang magpapasok sa kanilang mga baguhan. Nang umupo siya sa isang upuan ay titig naman ang mga kalalakihan sa kanya na para bang nakakita sila ng isang multo.
Maya-maya ay bigla nalang dumating ang isang magandang babae na may mala-boteng katawan na ang buhok nito’y nakasuklay ng maigi at nakapanamit ito ng maganda na siyang nagpaganda pa sa kanya ng lalo.
“Magandang tanghali sa inyo, kayo lang ba ang gustong sumali sa Slayer Faction?”bati at tanong ng babae. “Ako nga pala si Yumi, yong sekretarya dito, ako ang itinalaga para sa front desk kaya kung may katanungan man kayo ay wag kayong mahihiya”tugon ni Yumi sa siyam na lalaki kasama na doon si Aries.
Agad namang pumasok si Yumi sa opisina niya tapos isa-isa niyang pinapasok ang lalaki sa opisina niya. Isa-isa naman niyang tinatanong ang mga kalalakihan kaya ang pagsagot ng ordinayong sagot ng mga lalaki ay hindi na bago sa kanya marahil araw-araw niya itong ginagawa.
“Pangwalong baguhan na ito, tapos pabalik-balik lang ang kanilang sagot, gusto nilang matulungan ang kanilang pamilya, ano ba yan? Nakakabagot naman, wala na bang bago”bulong ni Yumi habang tinawag niya ang panguling sasali sa Faction na walang iba kundi si Aries.
Hindi naman napigilan ni Yumi ang matawa nang makita niya si Aries na batang-bata pa sa kanya tapos ang kondisyon pa nito’y bulag ang isang mata.
“Seryuso ba tong batang ito? Mukhang namali lang yata siya ng pasok, hindi ito eskwelahan ulol”bulong ni Yumi na parang kinakausap niya si Aries.
Agad namang tumayo si Aries sa harapan niya.
“Sige iho, magpakilala ka na”utos ni Yumi sa kanya.
“Aries”pakilala niya kay Yumi.
Bigla namang tumahimik ang paligid nila matapos nagpakilala si Aries. Hindi kasi inaasahan ni Yumi na isang salita lang ang ibibigkas ni Aries.
“Yong lang ba Aries? Wala ng iba? Hindi mo ba sasabihin kung ilang taong gulang ka na, kung saan ka nakatira”pangiting tugon ni Yumi.
“Dalawangpu’t dalawang taong gulang at nakatira sa bayan ng Lyveli”sagot ni Aries.
Napangiti naman ng hilaw si Yumi kay Aries dahil inaasahan kasi niya kay Aries ang maganda at kumpletong pakilala.
“Aries pala ang pangalan mo, mukhang nadinig ko na ang pangalang iyan, hindi ko lang alam kung saan, tapos yong edad mo, matanda lang ako sa iyo ng dalawang taon”sabi ni Yumi kay Aries habang sinagutan niya ang pakilala ni Aries. “Aries, bakit gusto mong sumali sa Slayer Faction?”tanong ni Yumi sa kanya.
Ang tanong kasi na iyon ay panghuling tanong subalit pabalik-balik kasi ang sagot ng mga taong sumasali sa Faction kaya hindi na nasasabik si Yumi.
“Oo Aries, alam ko na ang isasagot mo, para makatulong sa pamilya mo”bulong ni Yumi na parang siya na ang sumasagot sa kinatatayuan ni Aries pero hindi pala iyon ang isasagot ni Aries kundi ang isang pangungusap na siyang magpapabigla sa kanya.
“Gusto kong mabigyan ng kapayapaan ang mga tao sa mundo”sagot ni Aries na ikinagulat ni Yumi.
Hindi naman agad nakapagsalita si Yumi dahil nabigla kasi siya sa sagot ni Aries.
“Aries, sigurado ka ba talaga sa sagot mo, libo-libong tao na ang tinanong ko tapos ikaw lang ang unang taong sumagot ng ganyan, ang pagsali mo ba sa Slayer Faction ay hindi pagtulong sa pamilya mo?”palinaw ni Yumi.
“Miss Yumi, ang pagsagot ko’y pangkalahatan na, kaya kasali na doon ang pamilya ko”paliwanag ni Aries. “Ano pa ba? may itatanong ka pa ba sa akin?”tanong ni Aries.
“Wala na Aries, sundan niyo lang ako ngayon para ipakilala ko kayo sa heneral”tugon ni Yumi habang siya’y nakatulala kay Aries.
Hindi naman mapigilan ni Yumi ang bumilid kay Aries dahil sa sagot nito. Hindi pa nga mawala sa tingin niya si Aries habang naglalakad sila patungo sa heneral. Tapos hindi rin mawala sa tingin ng walong lalaki si Yumi na naaakit sila ng todo.
Matapos silang lumabas sa buong gusali ay naghihintay lang pala sa labas ang nakaupong nakaunipormeng lalaki na hinihinala nilang heneral. Bago sila lumapit sa heneral ay may ipinaliwanag naman si Yumi sa mga baguhan tungkol sa dalawang klase ng pagiging dragon slayer.
“Tandaan niyo, may dalawang klase ang pagiging dragon slayer, may tagabantay na ang trabaho ay labanan lang ang dragon sa pook natin kung baga pro-protektahan lang ang mga bayan dito, hindi yan gaano kabigat kesa sa pagiging tagapaglakbay, ang tagapaglakbay nama’y sa labas ng pook natin ang labanan kung baga patungo na kayo sa kalahating-mundo, malalakas at maraming dragon na ang makakalaban niyo, mas delikado kaysa pagiging tagabantay, tandaan niyo ang mga bagay na iyan, kung tatanungin man kayo ng heneral ay pumili lang kayo sa dalawa”paliwanag ni Yumi sa kanila.
Maraming naririnig si Yumi sa mga baguhan na pagiging tagabantay lang sila dahil daw mas ligtas pa iyon kaysa sa pagiging tagapaglakbay na nasa labas ng pook nila ang labanan.
“Oo alam kong pagiging tagabantay lang pipiliin niyo, wala namang halos pumipili sa tagapaglakbay, himala lang kapag may pumili sa bagay na iyan”bulong ni Yumi.
Nang humarap na silang siyam sa heneral ay agad naman silang kinabahan kahit hindi pa ito nagsisimulang magsalita.
“Kayong lahat ba’y magiging tagabantay?”tanong ng heneral sa kanila.
“Opo Heneral”tugon ng isang lalaki.
“Ako din po Heneral”sagot din ng isang lalaki.
“Sige, magsisimula na ang pags-“sabi sana ng heneral kaso napahinto siya nang marinig niya ang sinagot ni Aries sa kanya.
“Tagapaglakbay po ako”sagot ni Aries na ikinagulat nang lahat nang marinig nila ang sinagot niya.
Hindi ulit nakapagsalita si Yumi dahil sa sinagot niya.
Bigla nalang nilapitan si Aries nang Heneral na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
“Sigurado ka ba baguhan?”palinaw ng heneral kay Aries.
“Opo Heneral, hindi na po magbabago ang desisyon ko”sagot ni Aries.
“Kung ganoon, tama ang naging desisyon mo baguhan”pangiti ng heneral habang inagbayan si Aries.
Nang umalis na ang heneral habang tumatawa ay doon na lumapit si Yumi kay Aries para sisiguraduhin ang naging desisyon niya. Minsan lang kasi mangyayari ang mga baguhan na pipili sa tagapaglakbay.
“Aries, halos naubos ang huling grupo ng tagapaglakbay sa huling paglalakbay nila sa labas, dapat alam mo iyan”paalala ni Yumi kay Aries.
“Sa digmaan ay mayroong magsasakripisyo kaya hindi na bago kung mayroon mang mamamatay sa laban, Miss Yumi”tugon ni Aries kay Yumi.
Agad namang napagtanto sa isipan ni Yumi ang sinabi sa kanya ni Aries, para kasing sanay na si Aries sa labanan o digmaan na mayroong patayan.
Matapos ang ilang segundong pagkatulala ni Yumi ay doon niya tinawag ang mga baguhan para papupuntahin sila sa kani-kanilang mga kwarto at ipakilala sila sa kani-kanilang pangkat. Tanging si Aries lang ang naroon sa isang gusaling kwarto nang siya’y pumasok, wala pa kasi roon ang pangkat niya dahil naglakbay pa ito sa labas ng pook.
“Aries, habang wala pa ang pangkat mo, magsanay ka muna o maki-halobilo ka sa ibang tao o pangkat”paalala ni Yumi sa kanya.
“Magsasanay nalang ako”sabi ni Aries habang bigla niyang kinuha ang espada niya.
Iniwanan naman ni Yumi si Aries doon sa sirang gusali nang mag-isa. Nang siya’y umalis ay doon na siya nakaluwag sa paghinga, hindi kasi niya alam ang nararamdaman simula nang makilala niya si Aries.
“Mukhang ibang tao na ang turing ko kay Aries, pambihira! tapos mukhang ako pa ang natakot sa kanya, dapat nga siya ang matakot sa akin dahil mataas ang antas ko rito”sabi ni Yumi sa kanyang sarili.
Sa unang araw ni Aries doon sa kampo ay agad naman siyang pumunta sa likurang bahagi ng kampo para magpahangin, mga ilang oras na kasi siyang nagsasanay. Tambad naman doon sa likurang bahagi ng kampo ang pagsasanay ng ibang pangkat, mga malalakas at may malalaking antas. Naroon din ang pangkat ni Shin na minamaliit lang ng ibang pangkat, tapos ginagawa pa silang mga laruan ng ibang matataas na pangkat.
Pinaglalaruan sila at pinagtatawanan pa.
“Maawa na po kayo sa amin”pakiusap ng pangkat ni Shin.
“Hoy, tandaan niyo, mas mataas pa ang antas namin kaysa sa inyo tapos malalakas din kami kaysa sa inyo, kaya wala kayong karapatan na pumunta sa bahaging ito ng kampo”patawa ng mga nagmamaliit sa pangkat ni Shin.
Habang pinaglalaruan sila ay agad naman nilang nakita si Aries na nakaupo lang sa isang tabi habang nagmamasid sa kanila.
“May baguhan oh!”turo nila kay Aries.
“Saan?”tanong nila.
Nang tumingin sila sa direksyong itinuro ng pangkat ni Shin ay agad nilang nakita si Aries kaya nilapitan nila ito para turuan ng leksyon. Mga malalakas sila kung ihahambing sila sa ibang pangkat dahil nagawa nilang mahari-harian sa likurang bahagi ng kampo. Ang lahat kasi nang pumupunta doon ay tinuturan nila ng leskyon.
“Hoy baguhan, paalala ko lang sa iyo, ang bahaging ito ng kampo ay pinamumunuan namin kaya tuturuan namin ng leksyon ang lahat ng pumapasok dito ng walang pahintulot”paalala nila kay Aries.
Habang abala pa ang pangkat na iyon kay Aries ay dahan-dahan namang umaalis ang mga kasamahan ni Shin doon para hindi na sila mapagtripan doon.
“Bahala ka na diyan Aries”tugon nila habang sila’y tumatawa paalis.
Samantala, nakatingin naman ang sampung lalaki kay Aries na siyang magtuturo sa kanya ng leksyon pero ang gagawin pala nila’y isang malaking kamalian. Hahawakan sana nila si Aries kaso bigla nalang silang napaluhod ng walang dahilan.
“Ano bang nangyayari sa akin? bakit napaluhod nalang ako sa lupa?”tanong ng isang lalaki.
“Ako rin! Hindi ko alam ang nangyayari?”reklamo din ng kasamahan niya.
Nang tumingin sila kay Aries ay agad nilang nakita ang walang emosyong kaliwang mata nito na nakatingin lang sa kanila. Nagtagal pa ang pagluhod ng pangkat na iyon pero nang umalis na si Aries ay doon na sila nakatayo. Ang pagtuturo sana nila ng leksyon ay naging sila pa ang naturuan ng leksyon kay Aries.
“Kailanma’y wag kayong lalapit sa isang mata na taong iyon, delikado siya”paalala ng lider sa kaniyang pangkat habang natututu na sila.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World 2: The Half World (Completed)
FantasyWar, pain, suffering and even death. Aries is giving his all to save the humanity from the dragons, even the world is against him. His journey is to travel the nest of the dragon which is called the remaining of the world "The Half-World" Will Arie...