(Vol. 2) Chapter 19: Shin

77 14 6
                                    

Tanging si Shin nalang ang naiwan doon sa lugar na pinatilihan nila. Siya kasi ang pipigil sa makapangyarihang dragon kapag aatake ito at para din hindi ito makahabol sa mga kasamahan niya.
 
“Ito na siguro ang panahon para ipakita ko sa dragong iyan ang tunay kong kapangyarihan..”bigkas ni Shin habang may masama siyang ngiti sa dragon. “Subalit ang panahon ito narin ang magiging kamatayan ko”dagdag ni Shin.
 
Hindi naman natakot si Shin nang biglang lumitaw sa kanya ang dragon, sa katunayan pa nga ay hinahamon pa niya ito. Sa kabila ng maraming sugat niya sa katawan niya, lalo na sa likuran at tiyan ay nagawa parin niyang makaharap ang dragon na parang wala lang siyang naramdamang sugat.
 
Nang bumaba ang dragon ay agad naman niya itong ginamitan nang mahikang apoy. Mabilis namang nakailag ang dragon kaya lumipad ulit ito sa himpapawid.
 
“Ang talino mo talagang dragon ka! Kung hindi ka lang lumilipad siguro ay matagal na kitang sinunog!”sigaw ni Shin habang iniinsulto niya ang dragon.
 
Nagalit naman ang dragon dahil parang naiintindihan kasi niya ang sinigaw ni Shin.
 
Napangiti nalang si Shin nang biglang nagyelo ang buong katawan ng dragon, nagkakahulugan kasing nagseryuso at lumakas na ang dragon.
 
“Sige ibuhos mo ang lakas mo dragon, tatapatan ko yan”bulong ni Shin habang tinitiis ang paghahapdi ng mga sugat niya.
 
Nang bumaba ulit ang dragon sa pangalawang pagkakataon ay doon na nahirapan si Shin na atakehin ang dragon dahil hindi na kasi umuubra ang mga mahika niyang apoy. Kahit paulit-ulit niyang ginagamit ang mahika niya ay hindi parin nagkakagalos ang dragon. Matibay na kasi ang yelong kaliskis ng dragon.
 
“Naloko na! hindi na umubra yong mahika ko”bigkas ni Shin habang siya’y umiilag sa mga matutulis na yelo na itinatapon ng dragon sa kanya.
 
Habang mabilis niyang iniilagan ang mga pag-atake ng dragon ay agad naman siyang nadulas sa kakailag niya. Natumba naman siya bigla at hindi agad nakabangon kaya agad natusok sa katawan niya ang isang matulis na yelo. Sinundan pa nga ito nang pag-atake ng pisikilan ng dragon subalit bigla itong lumipad nang itinapat niya ang espada niya.
 
“Konting galos lang ito! Malayo ito sa bituka”pakalma ni Shin sa sarili niya habang patuloy na tumutulo ang mga dugo niya sa lupa.
 
Kumuha naman mga pira-pirasong yelo si Shin at iniligay niya ito sa mga sugat niya para matigil ang pagtulo ng mga dugo. Habang abala niyang ginagamot ang mga sugat niya ay bigla namang umatake ang dragon sa kanya nang hindi nagpaparamdam.
 
Napansin naman niya ito subalit huli na nang natusok sa kanyang tiyan ulit ang kuko ng dragon. Mabilis naman niyang pinutol ang isang daliri ng dragon para hindi siya tangayin nito sa himpapawid.
 
Damagundong naman ang dragon nang maputulan niya ito ng daliri. Ang malakas na pagdagundong ay dinig na dinig naman ito sa mga kasamahan ni Shin na sa ngayon ay nakalayo-layo na.
 
“Dagundong ng dragon”bigkas ng heneral. “Magmasid kayo sa kapaligiran baka nahabol tayo ng dragon”utos ng heneral sa mga kasamahan niya.
 
Agad namang nagkamalay sina Hert at Argon na noo’y nawalan ng malay dahil sa pagkatama ng matulis na yelo sa katawan nila.
 
“Ano na nangyayari?”pabiglang tanong ni Hert habang bigla niyang natandaan ang huling nangyari sa kanya.
 
“Hert, nakaalis na tayo at nakalayo-layo narin tayo sa dragon”balita ni Prime.
 
“Mabuti naman!”bigkas ni Hert.  Nagulat nalang siya nang hindi niya makita si Shin sa paligid. “Si Shin, saan siya?”tanong ni Hert.
 
“Nakipaglaban siya sa dragon”sagot ni Prime.
 
“Nakipaglaban siya? sino ang mga kasama niya?”tanong ni Hert.
 
“Hert, wala siyang kasama, tanging siya lang ang nakipaglaban sa dragon”paliwanag ni Anchor.
 
“Ano bang iniisip niyo? Hahayaan niyo lang ba si Shin doon na makipaglaban sa dragon at mamamatay ng mag-isa?”tanong ni Hert habang pinapagalitan niya sina Anchor at Prime.
 
Babalik sana sila sa pinaggalingan nila kaso agad naman siyang pinigilan ng heneral.
 
“Hert! Wag mo ng damihan ang bangkay”bigkas ng heneral.
 
“Huh!? Vert! Hahayaan mo lang bang mamatay ang mga kasamahan natin?”tanong ni Hert.
 
“Bakit ba Hert! Hindi ko ba inalala ang kaligtasan nating lahat dito! Kung pinabayaan ko lang kayo rito ay matagal na sana tayong patay doon sa pinanggalingan natin sa simula palang, tandaan mo yan Hert! At itaga mo yan sa utak mo!”paliwanag ng heneral habang pinagalitan niya si Hert. “Umalis na tayo!”utos ng heneral habang siya’y pumasok sa karwahe niya.
 
Wala namang nagawa si Hert dahil kautusan na kasi yon ng heneral. May namuo namang paghihinagpis sa mukha nang tinitigan ni Hert ang mga kasamahan niya.
 
“Shin, pasensya ka na, hindi ka namin matutulungan”pahinang sabi ni Hert na parang humihingi siya ng tawad ni Shin sa hangin.
 
Samantala, nang nagpatuloy ang laban ni Shin sa dragon ay dahan-dahan naman siyang nagkakasugat sa katawan niya, unti-unti naring namumutla ang labi niya dahil sa patuloy nang pag-agos ng dugo mula sa sugat niya.
 
Nagawa parin niyang maging matatag kahit sa oras na siya’y nahihirapan na.
 
“Hindi pa nagtatapos ang laban! Hindi ko pa naiipakita sa kanila ang kakayahan ko”bigkas ni Shin habang biglang tumaob sa kanyang tiyan ulit ang isang matulis na yelo na ikadahilan nang pagluhod niya sa lupa.
 
Patuloy naman siyang humihinga habang tinitiis niya ang sakit ng nararamdaman niya ngayon.
 
“Hindi ko pa naiipakita sa kanila ang kakayahan ko”bigkas ulit ni Shin habang dahan-dahang tumutulo ang mga luha niya sa yelo.
 
Agad naman niyang naalala ang pagkabata niya na walang miisang nagpapahalaga sa kakayahan niya.
 
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Si Shin ay pangatlong anak nina Sharon at Klein na parehong kilala sa bayan nila sa pagiging magiting na salamangkero. Kapatid ni Shin sina Glen at Zen na noo’y naging kilala na dahil sa kanilang pambihirang mahika na parang napapantayan na nila ang mga magulang nila. Dahil sa bunso si Shin ay walang nagpapahalaga sa kakayahan niya, kahit sarili niyang magulang ay hindi nagpapahalaga sa kapangyarihan niya.
 
Lagi lang napapagtuunan ng pansin ng mga magulang niya ang mga matanda niyang kapatid na sina Glen at Zen.
 
“Glen, Zen, patuloy lang ang pag-aaral niyo sa mahika, alam kong kayo na ang sunod na magiging pag-asa ng ating bayan”paalala ni Klein ang ama nilang tatlo.
 
Kitang-kita noon sa mga mata ni Shin ang tiwala at supporta ng mga magulang niya sa kanyang mga kapatid na miisa ay hindi niya naramdamanan sa kanila.
 
“Kapag lumaki ako! Gusto ko ring maging katulad nila na maging isang tanyag na salamangkero”bigkas ni Shin habang itinago niya sa sarili ang lungkot na nadarama.
 
Nang nakapag-aral na si Shin sa mababang paaralan ay ginawa naman niya ang lahat nang makakaya niya para lumalakas ang kanyang mahika. Pero ang paghihirap at pag-aaral niya nang mabuti ay dahilan naman ng pagkumpara sa mga kapatid niya.
 
“Kilala niyo iyon!? Di ba si Shin yon, yong kapatid nina Glen at Zen”bulong ng isang babae.
 
“Sa hindi ako nagkakamali si Shin iyon! Parehong malalakas ang mga kapatid niyang sina Glen at Zen tapos tanyag din ang mga magulang niya sa pagiging magiting na salamangkero, tapos siya ay parang wala lang silbi, sa katunayan pa nga ay mas malakas pa nga ako kaysa sa kanya”bulong-bulongan nila habang iniinsulto si Shin.
 
“Oo nga! Nakakahiya talagang isipin na ikaw lang yong mahina sa pamilya niyo”sabi ng isang babae.
 
Totoo naman talaga ang bulong-bulongan nila na isang mahinang bata si Shin at alam naman ni Shin iyon. Kahit na pinag-iinsulto na siya ng mga kaklase niya ay nanatili parin siyang matatag sa anumang oras.
 
Isang araw ay may patimpalak sa paaralan ni Shin, dahil sa gustong makita nina Sharon at Klein na manalo ang anak nila ay agad silang dumalo. Sa tuwing may patimpalak kasing gaganapin ay hindi talaga mawawala ang mga magulang niya, lagi namang nananalo sina Glen at Zen sa mga patimpalak kaya malaki din ang ekspektasyon ng mga magulang niya sa kanya.
 
“Narito ang mga magulang ko, dapat ipakita ko sa kanila ang kakayahan ko”bulong ni Shin habang handa na siyang makipaglaban sa patimpalak.
 
Masaya namang nanonood ang mga magulang niya sa laban niya. Pero ang laban niya palang iyon ay maghahatid pa pala sa kanya sa kahihiyan nang matalo lang siya ng isang kaklase niya. Ginawa naman niya ang lahat kaso hindi parin iyon sapat para siya’y manalo.
 
Hindi naman matanggap ng mga magulang niya ang pagkatalo niya kaya agad silang umuwi dahil sa kahihiyan. Lalo namang hindi na siya pinapahalagahan ng mga magulang niya at minsan pa nga’y pinapalayas pa siya sa bahay nila.
 
“Wala akong anak na mahina! Shin! Mas mabuting lumayas ka na sa pamamahay na ito!”sigaw ng tatay niya sa kanya.
 
Nilakasan parin ni Shin ang loob niya at nanatili parin siyang matatag. Patuloy siyang nag-aral, nag-aral at nag-aral hanggang sa naging binata na siya.
 
Ang mga matandang kapatid niya ay naging matagumpay na sa buhay nila, may mga kasintahan na sila, magandang trabaho at maliwanag na kinabukasan samantalang siya nama’y kabaliktaran. Sa tahanang nagpalaki sa kanya ay kailanma’y hindi siya itinuring na anak.
 
Ang masayang pamumuhay nina Sharon at Klein ay naputol nang mamatay sa sakit si Glen at kasunod namang namatay sa pakikipaglaban sa dragon si Zen. Hindi nila matanggap na biglang mawawala sa kanilang buhay ang dalawang pinakamamahal nilang anak.
 
Dahil sa pagkamatay ng mga kapatid ni Shin ay agad naman niyang nilapitan ang mga magulang niya na sa panahong iyon ay lagi nalang tulala. Si Shin nalang ang nag-alaga sa mga magulang niya dahil unti-unti narin itong nagkakasakit bunga nang pagkawala nina Glen at Zen.
 
“Nay, Tay, aalagaan ko po kayo! Kaya wag po kayong mag-aalala”sabi ni Shin habang paluha niyang ibinigkas ang mga salitang iyon.
 
Kahit hindi naranasan ni Shin ang pagmamahal ng mga magulang niya sa kanya ay hindi parin niya inisip ang mga bagay na iyon. Minahal parin niya ng lubusan ang mga magulang.
 
“Shin, sana ikaw nalang ang namatay hindi ang mga kapatid mo”bigkas ng ina niya sa kanya.
 
Kahit masakit isipin ni Shin ang bagay na iyon ay hindi lang niya iyon pinansin at tinanggap nalang niya katutuhanan na siya’y isang mahina lang at hindi maikukumpara sa mga kapatid niya.
 
Ginawa naman niyang inspirasyon ang mga yumao niyang kapatid. Nagpatuloy siya sa pagsasanay para maipakita niya sa mga magulang niya ang kakayahan niya. Matapos ang ilang araw na pagsasanay niya ay nagdesisyon naman siyang ipakita sa mga magulang niya ang paglakas niya subalit nang umuwi siya sa bahay niya ay hindi niya inaakalang hindi na pala niya maaabutang buhay ang mga magulang niya...
 
Namatay ang ama niya sa sakit sa puso dahil sa depresyon at nagpakamatay naman ang ina niya sa pamamagitan ng pagbitay nito. Agad namang tumulo ang luha ni Shin nang makita niyang namatay na pareho ang mga magulang niya.
 
“Nay, Tay bakit niyo ako iniwan! Hindi niyo pa nga nakikita ang kakayahan ko!”paiyak na bigkas ni Shin.
 
Matapos nailibing ang mga magulang niya ay marami na siyang naririnig na bulong-bulungan tungkol sa pamilya niya. Kahit masakit man sa kanyang dibdib ang pagkawala ng pamilya niya ay nagpatuloy parin siya sa pagsasanay hanggang sa tuluyan na siyang lumakas.
 
Patuloy lang siya sa pagsasanay na halos hindi na siya kumakain, isa lang kasi ang pinapangarap niya kundi ang maipakita sa mga magulang niya ang kakayahan niya, kahit wala na sila.
 
Lumipas ang mga taon ay para na siyang isang baliw dahil sa walang tigil na pagsasanay, kaya hindi niya inaakalang magbabago ang buhay niya nang ipinasok siya sa Slayer Faction bilang isang dragon slayer. Naging maganda ang daloy nang pamumuhay ni Shin hanggang sa nakilala niya si Aries sa bayan ng Lyveli na siyang nagpabago ng buhay nito at nagbigay sa kanya ng mga hangarin.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa kasalukuyan ay umiiyak naman si Shin habang nakataob sa kanyang tiyan ang isang matulis na yelo.
 
“Hindi ko pa naiipakita sa kanila ang kakayahan ko”bigkas ulit ni Shin habang dahan-dahang tumutulo ang mga luha niya sa yelo.
 
Habang patuloy na binibigkas ni Shin ang mga salitang iyon ay agad namang umatake sa kanya ang dragon. Akala nga ng dragon ay mapapatay na sana niya si Shin subalit bigla itong umapoy nang malakas na malakas na para bang isang nagbabagang apoy kaya agad nasunog ang dragong si Cyaegha dahil kay Shin.
 
Bigla namang tumayo si Shin habang ang damit nito’y dahan-dahang nasusunog.
 
“HINDI MO AKO KAYA!!!”sigaw ni Shin habang itinapat niya ang kamay niya sa lumilipad na dragon.
 
Mabilis namang nakailag ang dragon sa malakas na pag-atake ni Shin. Kung hindi man nakailag ang dragon ay siguradong maaabo talaga siya.
 
Agad namang nagseryuso ang dragon at ipinalabas na niya ang tunay niyang kapangyarihan, ang kapangyarihan ng Ice Dragon King. Dumagondung ulit ang makapangyarihan dragon sa susunod na pagkakataon tapos bigla niyang inatake si Shin nang sobrang bilis.
 
Mabilis namang umilag si Shin at mabilis din niyang inihampas ang espada niya kaya agad niyang nahiwa ang tagiliran ng dragon. Naghiganti naman ang dragon sa pag-atake kaya agad naputol ang kanyang kaliwang kamay.
 
Nakaramdaman naman ng sakit si Shin na sobrang sakit ay para na siyang namamatay.
 
“Hindi! Hindi pa nagtatapos ang laban!”sigaw ni Shin habang patuloy na inaatake ang dragon.
 
Pareho na silang may sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan, kahit nga ang dragon ay may sugat na rin.
 
Agad pinutol ni Shin ang isang paa ng dragon.
 
Pinutol naman ng dragon ang kanan niyang paa.
 
Habang nahihirapan si Shin sa pagtayo ay pinilit parin niya ang sarili.
 
“Hindi ko pa naiipakita sa mga magulang ko ang kakayahan ko!”bigkas ni Shin sa huling pagkakataon habang ang espada niya’y biglang umapoy na halos natunaw na ang hawakan nito. “DRAGON! KATAPUSAN MO NA!”Sigaw ni Shin habang ang umaapoy niyang espada ay itinapon niya sa dragon na parang isang sibat.
 
Umatake naman din ang dragong si Cyaegha kaya agad niyang naitaob ang mga matutulis na yelo sa dibdib at leeg ni Shin subalit naitaob naman sa puso niya ang umaapoy na espada ni Shin.
 
Napangiti nalang ang dragon habang ito’y dahan-dahang nababagsak sa yelo. Para kasing napapahanga siya sa kakayahan ni Shin na tanging siya lang na nilalang ang nagpatumba sa kanya.
 
“Ang lakas mo!”ayon sa ngiti ng dragon, kung nagsasalita palang siya.
 
Dahil sa natamo ni Shin ay unti-unti na siyang namamatay. Habang humihinga pa siya ay agad niyang itinapat ang kanang kamay niya sa kalangitan dahil unti-unti na kasi niyang nakikita ang sikat ng araw.
 
“Nay, Tay, Kuya Glen, Kuya Zen, magkikita narin tayo sa wakas”huling bigkas ni Shin bago siya nalagutan ng hininga.
 
Parehong namatay sina Shin at nang dragon, kaya dahil sa pagkamatay nang dragon ang yelong pumapalibot sa karagatan ay dahan-dahan nang natutunaw, nawala na kasi ang dragon kaya mawawala narin ang yelo sa karagatang paspiko.
 

Samantala, naramdaman naman nina Prime, Anchor, Dane, Gurren, Yumi at nang iba nilang kasamahan ang paglilindol nang malakas at pagkabitak-bitak ng yelo. Kaya sa ilang minuto lang ay matutunaw na ang yelong pumapaligid sa karagatang paspiko.
 
“Ano na ang nangyayari? Ba’t dahan-dahang natutunaw ang yelo?”tanong ni Prime.
 
“Wag mong sabihing napatumba ni Shin ang dragon”bigkas ni Hert habang siya’y nag-emosyonal.
 
Napatumba nga ni Shin ang makapangyarihang dragon kaso nasawi naman siya.

Myself in Another World 2: The Half World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon