Naging lider naman si Aries sa bagong pangkat ng tagapaglakbay, kanang kamay niya sina Argon, Anchor at Prime na dating mga bandido at kasalukuyang nagbabantay sa buong kampo. Samanatala, pinaalahan naman ni Anchor si Aries sa magiging miyembro nito sa pangkat niya.
“Lider, mag-ingat po kayo, ang mga miyembro niyo po ay mga siga dito sa kampo, mga matatigasin ang ulo”paalala ni Anchor.
“Mga matitigasin ang ulo? Mabuti naman, gusto ko yan sa isang tao, dahil simbolo kasi yan ng matibay at malakas na tao”bigkas ni Aries.
Nang pumunta si Aries sa magiging pangkat niya ay doon nakita niya ang mga sigang miyembro niya na sina Jacob, Clark, Joel, Gurren at Dane. Seryuso namang nakatitig ang lima kay Aries tapos agad din silang nagtawanan nang makita nila na bulag ang isang mata ni Aries, ang lider nila.
“Lider? Ikaw yong lider namin? Paano mo makikita ang dragon kung bulag ang isang mata mo”painsulto ni Jacob habang sila’y nagtawanan ng mga kasamahan niya.
“Ang tagal naming naghintay dito! Tapos bata lang pala ang lider namin! ano ba naman ang maiimbag mo sa pangkat natin! Mas bagay pa nga si Dane na maging lider ng pangkat”paliwanag ni Joel habang iniinsulto niya ang pagiging lider ni Aries.
Patuloy naman nilang pinagtatawanan si Aries at pinag-iinsulto pa dahil sa kondisyon ni Aries sa pagiging bulag ang isang mata at maraming bakas sa katawan.
“Lider! Ayus ka lang ba! Mukang madami ka yatang bakas sa katawan! Lider, siguro umuwi ka na ng bahay”painsulto ni Clark.
“Oo nga naman! Baka naghihintay pa doon ang mga magulang mo Lider! Baka padedehin ka na”insulto ni Gurren habang patuloy nilang pinagtatawanan si Aries.
Wala namang reaksyon si Aries habang patuloy na siyang pinag-iinsulto at pinagtatawanan. Kaya lumapit naman si Aries sa isang higaan upang magpahinga subalit agad namang nainsulto si Dane sa naging kilos niya.
“Hoy! Hindi pa kami aprubado sa pagiging lider-lideran sa pangkat namin!”pigil ni Dane kay Aries habang ang mga kasamahan naman ni Dane ay tumigil sa katatawa.
“Bukas na tayo maglalakbay kaya magpahinga na kayo habang may natitira pa kayong oras”paalala ni Aries habang hindi niya pinansin ang sinabi ni Dane.
“Bingi ka pala eh! hindi lang pala mata ang may deperensya sa iyo, pati rin naman tainga mo”painsulto ni Dane. “HOY BINGI KA BA!!?”malakas na sigaw ni Dane sa tainga mismo ni Aries.
Wala namang reaksyon si Aries nang sinigawan siya ni Dane pero ang isang mata naman niya’y seryusong nakakatitig sa mata ni Dane.
“Ano!? Aasta ka? Ano lalabanan mo ako?”tanong ni Dane habang hinanda na ni Dane ang kamao niya.
Nagtatawanan naman ang mga kasamahan ni Dane sabay hinahamon si Aries sa isang labanan.
“Mapipikon na yan! Mapipikon na yan!”sigawan ng mga kasamahan ni Dane kay Aries.
Pabiro na sanang susuntok si Dane kay Aries nang bigla siyang sinuntok nang malakas na malakas sa mukha na ikadahilan nang pagtumba niya at pagkawalan ng malay. Dahil sa malakas na pagsuntok ni Aries ay agad nasira ang ilong ni Dane na walang hinto sa pagtagos ng dugo.
“Ano pangalan nito?”tanong ni Aries sa mga kasamahan ni Dane na takot na takot na kay Aries.
“Dane po lider!”pahinahong sagot ni Joel.
“Dane!? Sige Dalhin niyo siya sa pagamutan tapos ipagamot niyo ang mukha niya, kapag hindi pa yan gumaling bukas, babasagin ko ulit yan”paalala ni Aries na ikinatakot nina Joel, Clark, Gurren at Jacob.
“Opo lider!”sagot ng apat habang mabilis nilang binuhat ang nakabulagtang si Dane para dalhin sa pagamutan.
Makaraan ang isang oras na pagkawala ng malay ni Dane ay nagising naman siya na may pamamanhid sa ilong niya. Nabigla din siya nang makita niyang nakahiga na siya sa isang malambot na higaan habang ang mga kasamahan niya’y nakatitig sa kanya.
“Dane, mabuti’t nagkamalay ka na, grabe ang pag-aalala namin sa iyo akala namin hindi ka na magigising”alala ni Clark.
“Oo nga Dane, grabe ang pagkabasag sa ilong mo halos hindi na mahitsura”tugon ni Gurren.
“Ano bang nangyari?”tanong ni Dane, wala kasi siyang naalala kung ano ang huling nangyari sa kanya.
“Dane, pinumba ka ng lider natin”sagot ni Joel na ikinagulat ni Dane.
“Ano!? yong bulag na bata na lider ng pangkat natin?”palinaw ni Dane habang hindi siya makapaniwala.
“Oo Dane!”sagot nilang apat kay Dane.
“Itayo niyo ako maghihiganti ako sa ginawa ng tarantadong iyon”bigkas ni Dane habang sinusubukan niyang tumayo.
Agad naman siyang pinigilan ng mga kasamahan niya.
“Dane! Di mo siya kaya!”seryusong sabi ni Gurren kay Dane.
“Ano ang ibig mong sabihin? Kung pagtutulungan natin yong tarantadong iyon! Siguradong mapapatumba natin iyon”sabi ni Dane.
“Imposible, hindi talaga natin siya matatalo”bigkas ni Joel habang tinutukoy niya si Aries.
Agad namang dumating ang isang babae na gumamot kay Dane.
“Si Aries ba ang pinag-uusapan niyo yong lider ng bagong pangkat sa tagapaglakbay, naku! Wag niyo nang hamunin ang taong iyon! Si Ox pa nga na malaki ang katawan, makapangyarihan at siga ay napatumba ni Aries, kayo pa kaya!”paliwanag ng babaeng gumamot kay Dane.
“Gaano ba talaga kalakas yong taong iyon?”tanong ni Dane sa babae habang tinutukoy niya si Aries.
“Hindi ko alam! Akalain niyo nagawa pa niyang mabuhay kahit sunog-sunog na ang katawan niya”paliwanag ng babae.
“Saan ba natamo ni Aries yong sugat niya?”tanong ni Clark sa babae.
“Syempre sa dragon! ano pa ba?”tugon ng babae.
“Sa dragon? hindi ko mailarawan kung bakit pa nagawang mabuhay ni Aries sa pag-atake ng dragon sa kanya”tugon nila habang sila’y namamangha.
Samantala, kasama naman ni Aries sa paglalakbay niya ang dalawangpung mga tagabantay na nagbuluntaryong sumama kay Aries para sa misyon niya na pabagsakin ang dragong si Exitium. Ang pangkat ni Aries ay may dalawangpu’t-walong miyembro, kasama na doon ang kanang kamay niya na sina Anchor, Argon at Prime, kasama rin doon ang totoong miyembro ni Aries na sina Clark, Joel, Jacob, Gurren at Dane. Magsisimula ang kanilang misyon bukas sa silangang bahagi ng pook patungo sa abandonadong siyudad na kung saa’y nagtatago ang dragong si Exitium.
Si Exitium ay may abilidad na iba sa dragong sina Ourovoros at Astaroth, replika na kung saa’y kaya ni Exitium na gumawa ng sarili niyang replika ng pagkadragon niya, ayun iyon sa impormasyong nakasulat sa papel. Siguradong mahihirapan ang pangkat ni Aries na talunin ang dragong iyon dahil sa kaya niyang gumawa ulit nang replika kapag napatumba ulit ang isa pa niyang replika.
Samantala, abala naman sa pakikipaglaban ang pangkat nina Shin at Hert sa ordinaryong mga dragon. Marami-rami naman sila tapos wala paring halos namamatay na kasamahan nila. Hindi kasi makapangyarihan na dragon ang kalaban nila kaya madali lang sa kanila na labanan ang mga dragon na misyon nila.
“Hert, may narinig ako sa magiging misyon ni Aries ngayon at ng pangkat niya, makapangyarihan na dragon ulit ang makakaharap ni Aries sa paglalakbay niya”balita ni Shin na ikinagulat ni Hert.
“Ano ang ibig mong sabihin? Kapag bumalik na ulit si Aries sa kampo yan na ang magiging misyon niya?”palinaw ni Hert.
“Narinig ko lang yan Hert! Hindi pa ako sigurado kung yun ba yon”tugon ni Shin.
“Kahit usapan-usapan lang iyon Shin, hindi parin ako payag sa plano ng heneral”reklamo ni Hert.
“Hindi naman ako sigurado Hert! Kung totoo man Hert, si Aries naman iyon, malakas naman siya”tugon ni Shin.
“Malakas nga siya kaso paano kung magsakripisyo siya, tapos maulit ang nangyari sa kanila na wala na si Aries, siguradong mauubos sila sa pangkat nila”paliwanag ni Hert.
“Hindi naman gagawin iyon ni Aries dahil alam niyang iba na ang kalaban niya at iba narin ang mga kakampi niya”sabi ni Shin.
Napatihimik naman si Hert dahil tama naman ang sinabi ni Shin.
Pagkagabi sa kampo, hindi pa natutulog si Aries dahil abala pa siya sa kanyang pagsasanay. Habang siya’y abala sa kanyang pagsasanay ay agad naman siyang pinagmasdan ng mga kasamahan ni Dane kasama na doon si Dane.
“Dane, yan ang lider natin! Malaki ang pangangatawan, payat kung titingnan kapag nakasuot siya ng damit, tapos kanina pa siya nagsasanay diyan na walang hinto”paliwanag ni Jacob.
“Siguro kung ginagawa ko rin ang ginagawa ng lider natin na walang hinto sa pagsasanay, siguro matagal na akong nawalan ng malay dahil sa pagod at sa hingal”tugon ni Gurren.
“Sinabi mo pa Gurren”tugon nina Jacob, Joel at Clark.
Habang patuloy silang nagmamasid kay Aries ay agad namang lumapit si Dane na walang pag-aalinlangan at walang takot.
“Lider! Gabi na po! Dapat sa oras na pong ito ay nagpapahinga na po kayo!”tugon ni Dane habang palakaibigan siyang bumati kay Aries.
“Oh Dane! Kamusta na yang sugat mo sa mukha? Pasensya ka na! hindi ko kasi napigilan ang sarili ko kanina”sabi ni Aries kay Dane na may kasamang pag-aalala.
“Ako rin Lider! Pasensya na din kung nainsulto din kita, pinagtawanan at sinigawan sa tainga”pahingi ng tawad ni Dane kay Aries habang nakayuko ang ulo niya.
Bigla naman ding dumating ang iba pang kasamahan ni Dane na sina Joel, Clark, Jacob at Gurren.
“Kami din lider! Humihingi din kami ng tawad dahil sa nainsulto ka namin at pinagtawanan din”payukong sabi nila.
“Wag niyo akong tawaging lider, Aries nalang! Hindi kasi ako sanay na tawaging lider”tugon ni Aries.
“Sigurado ka po ba Li- Aries?”palinaw ni Dane.
“Tayo-tayo lang naman sa pangkat eh! tapos hindi ko rin gusto yong pormal, kaya Aries nalang ang itawag niyo sa akin”paliwanag ni Aries.
“Aries”bigkas nila.
“Aries! Nandito naman tayo eh! sanayin mo kami Aries para lalakas din kami at titibay tulad mo”sabi ni Dane.
“Ganoon ba! Sige magdamag ko kayong sasanayin”bigkas ni Aries habang isa-isa niyang pinapalakas ang mga kasamahan niya.
Isa-isang pinapahirapan ni Aries ang mga kasamahan niya sa pamamaraan nang walang tigil at sa mabigat na pagsasanay. Isa-isa din niyang hinahampas ang espada niya sa mga ito para maramdaman nila kung makakaya ba nilang pigilan ang dragon kung aatake ito sa kanila. Binilisan din nila ang pag-ilag kung sakaling mabilis ang pag-atake ng dragon sa kanila.
“Bilis! Hindi mawawala ang bilis sa pakikipaglaban o digmaan, dahil kailangan mong gamitin ang bilis mo para mailagan mo agad ang pag-atake ng dragon, kailangan mo ding gamitin ang bilis mo para madali kang makaatake sa dragon kapag nakakuha ka din ng pagkakataon”paliwanag ni Aries.
Abala naman sa pagtatakbo ang mga kasamahan ni Aries, agresibo sa mga mata para madali silang makakilos kapag may biglaang mangyari.
“Lakas! Hindi mawawala ang lakas sa pakikipaglaban, dahil yan lang ang magiging puhunan mo para mapataob mo ang espada sa katawan ng dragon, kailangan mo ding gamitin ang lakas mo para hindi ka madaling matumba kahit anong mangyari”paliwanag ni Aries.
Abala naman sa pagtitiis ang mga kasamahan ni Aries dahil isa-isa kasi niyang hinahampas ang kahoy sa katawan ng mga ito tapos pinahahampas din ni Aries ang mga kasamahan niya ng mabigat na espada para masanay ang kanilang kamay sa pag-atake.
Magdamag na sinanay ni Aries ang mga kasamahan niya kaya kinabukasan nang magsimula na ang kanilang paglalakbay sa silangan ay tulog naman sina Dane, Jacob, Joel, Gurren at Clark sa kanilang mga karwahe.
Nabigla naman sina Anchor, Argon at Prime nang makita nilang naging mabait ang mga bagong miyembro ni Aries sa kanya na noo’y matigasin ang ulo at siga-siga doon sa kampo.
“Sabihin niyo sa akin! paano napaamo ng lider natin yong mga siga pa niyang miyembro?”tanong ni Prime na may halong pagtataka.
“Yong lider na natin yan eh! kahit gaano pa kayabang o kalakas ang mga kaharap niyan, napapaluhod talaga niya”bigkas ni Argon.
“Sinabi mo pa”reaksyon ni Anchor.
Samantala, nagsimula naman sila sa paglalakbay patungo sa abandonadong siyudad na matatagpuan sa silangang bahagi ng pook. Dalawangpu’t-walong kasamahan ni Aries kalaban ang Dual Dragon na si Exitium
“Maghanda kayo marahil ang kalaban nating dragon sa pagkakataong ito ay may kakayahang gumawa ng replika, ang tanging pag-asa lang natin para matalo ang dragong si Exitium ay patayin natin ang dalawang replika niya nang sabay-sabay”paliwanag ni Aries sa plano niya.
“Opo Lider!”sagot naman ng mga kasamahan ni Aries sa karwahe.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, dalawang-daang kilometro sa silangan ay nag-aabang ang dragong si Exitium habang nakabantay sa kanya ang tatlo pang ordinaryong dragon. Alam na kasi ng dragong si Exitium ang pagpuntirya sa kanya dahil nararamdaman na niya na may banta sa kanyang buhay.
“Naghihintay ako sa inyo mga tao!”ayun sa mukha ng dragon, sabi niya sana kung nagsasalita pa siya.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World 2: The Half World (Completed)
FantasyWar, pain, suffering and even death. Aries is giving his all to save the humanity from the dragons, even the world is against him. His journey is to travel the nest of the dragon which is called the remaining of the world "The Half-World" Will Arie...