Samantala, sa isang lugar na matatagpuan sa labas ng pook ay naroon ang pangkat ni Hert, kasama niya ang dalawangpung mga miyembro. Sa kasalukuya’y nagtatago sila sa isang kweba dahil nakikita nila ang isang malaki at makapangyarihan na dragon na naghahanap sa kanila. Hindi na kasi sila makakalaban pa dahil mayroon silang mga sugatan na kasama at kakaunti nalang sila na makakagalaw pa.
Nagdesisyon kasi si Hert, ang leader ng pangkat nila na ipagpaliban muna ang paglalaban nila sa dragon marahil kakaunti nalang sila. Naghihintay din sila ng pagkakataong makatakas dahil nasa labas kasi ng kweba ang mga karwahe at kabayo nila.
“Lider, kung magtatagal pa tayo ng ilang araw rito baka dito nalang tayo magugutom, wala na tayong mga pagkaing dala”paalala ng isang kasama ni Hert.
“Oo nga Lider, tapos yong mga kasamahan nating sugatan ay dahan-dahan naring namamatay, wala na din tayong mga gamot”paalala nila kay Hert.
Nag-isip naman nang nag-isip si Hert kung ano ang sunod niyang gagawin, bago siya nagdesisyon ay tiningnan muna niya ang kalagayan ng mga kasamahan niya na parehong umiiyak dahil sa iniindang sugat. Mapapahamak naman sila kapag lalabas agad sila sa kwebang tinataguan nila dahil makikita sila ng dragon tapos mahihirapan naman silang labanan ang dragon dahil sa kanilang mga kalagayan din na napapagod at nagugutom.
“Mamayang gabi, kapag matutulog na ang dragon, dahan-dahan tayong aalis rito”desisyon ni Hert sa mga kasamahan niya.
Nagsitinginan naman ang mga kasamahan niya sa kanya na para bang nagsang-ayunan sila sa sinabi ng lider nila sa kanila.
Nang pumatak ang gabi ay doon na nila sinimulan ang pag-alis nila sa loob ng kweba. Dahan-dahan naman nilang binubuhat ang mga sugatan na may nakalagay na punit na damit sa bibig para hindi ito sisigaw sa tuwing sumasakit ang kanilang mga sugat.
Iniiwasan naman nila ang malaking dragon na natutulog malapit sa kanilang nilalakaran marahil doon sila mapapahamak kapag ginising nila ang dragon. Habang naglalakad ang isang kasamahan ni Hert na may buhat-buhat na sugatan ay aksidente niyang natapakan ang isang bato na dahilan ng pagkatumba niya tapos bigla rin niyang nabitawan ang buhat-buhat niya.
May namumuo namang ingay dahil sa pagkatumba niya kaya agad napahinto sa paglalakad ang pangkat ni Hert. Dahan-dahan namang nagigising ang dragon kaya bigla nalang kinabahan ang lahat dahil sa naging reaksyon ng dragon. Kaso hindi ito tuluyang nagising na ikinaginhawa ng pangkat ni Hert.
“Sige, ipagpatuloy ang paglalakad”pahinang utos ni Hert sa mga kasamahan niya.
Agad naman silang naglakad nang inutusan sila ng lider nila kaya nakaabot rin sila sa kanilang mga karwahe nang tumagal. Hinihintay naman ng iba na makasakay ang lahat para handa na sila kapag sila’y aalis.
“Dahan-dahan niyo lang ipasok ang mga sugatan sa karwahe”utos ni Hert sa mga kasamahan niya.
“Lider, ano na ang sunod nating gagawin? Alam naman natin na magkakaroon talaga ng ingay kapag nagmamaneho na tayo sa mga karwahe?”tanong ng nag-aalalang kasamahan ni Hert.
“Kaya nga, maghanda kayo dahil kapag aalis tayo ay bibilisan natin ang pagmamaneho ng karwahe para madali tayong makalayo sa dragon”paliwanag ni Hert.
“Lider, hindi natin matatakasan ang dragon dahil makapangyarihan at mabilis ang dragon na tatakasan natin”reklamo niya kay Hert.
“Wala na tayong ibang magagawa kaysa manatili pa tayo doon sa kweba, baka doon nalang ang magiging libingan natin, ang gagawin kasi nating pagtakas ay mayroon pang tsansang mabubuhay tayo”paliwanag ni Hert habang nakinig ang lahat ng mga kasamahan niya. “Di ba ito naman ang tungkulin natin bilang tagapaglakbay”tugon ni Hert sa mga kasamahan niya.
Matapos ang kanilang paghahanda ay agad na nilang pinatakbo ang kanilang mga kabayo, kahit madilim ang paligid, kahit hindi nila alam ang daan ay nagpatuloy lang sila sa pagtakas. Nagising naman ang dragon dahil sa ingay kaya dumadundong ito nang malakas na malakas.
Nabigla naman ang pangkat ni Hert habang siya’y napangiti lang.
“Sige, magpatuloy lang kayo, kahit anong mangyari wag kayong matakot!”sigaw ni Hert habang pinapakalma niya ang mga kasamahan niya. Hindi rin nila alam na natatakot rin pala si Hert.
Nang lumipad sa himpapawid ang dragon ay doon nalang sila nahanap. Bigla naman silang binugahan ng malalakas na apoy sapagkat masuwerte naman silang nakailag sa pagbuga ng dragon.
“Mag-ingat kayo sa pangalawang atake ng dragon”paalala ni Hert sa mga kasamahan niya.
Sa sumunod na pag-atake ay hindi naman nakaligtas ang isang karwahe ni Hert na sakay-sakay ang apat na kasamahan niya at dalawang sugatan. Hindi naman tumingin ang mga kasamahan ni Hert sa natamaang karwahe dahil natatakot kasi sila. Kahit na nga si Hert ay natatakot din sa pagkawala ng anim niyang kasamahan sa pangkat.
“Magpatuloy lang kayo!”sigaw ni Hert habang dahang-dahang tumutulo ang mga luha niya.
“Pero Lider? Yong ibang kasamahan natin?”tanong nila.
“Hayaan niyo sila, mapapatay lang tayo kapag babalik tayo!”sigaw ni Hert.
“Pero, alam kong may buhay pa sa kanil-“sigaw sana siya kaso agad siyang pinagalitan ng lider niya.
“Magpatuloy ka!? Bingi ka ba? Kailangan talagang may magsakripisyo sa paglalakbay! Kaya magpatuloy ka!”sigaw ni Hert sa kasamahan niyang nagsasalita pa.
Pagkatapos nang mapatumba ng dragon ang isang karwahe ni Hert ay hindi na siya nagpatuloy sa pag-atake sa ibang karwahe dahil pinuntirya na niya ang karwaheng napatumba niya dahil alam kasi ng dragon na may nabubuhay pa doon.
Samantala, guminhawa naman sila nang makita nilang hindi na sila sinusundan ng dragon. Kaso hindi naman nawala sa kanilang isip ang mga kasamahan nilang nasawi dahil sa pag-atake ng dragon.
Nagagalit na nga si Hert sa sarili niya dahil alam niyang naging duwag siya, naging makasarili siya bilang isang lider ng pangkat ng tagapaglakbay. Hindi rin niya mapigilang lumuha nang mapagtanto sa sarili niya ang maling desisyon niya.
“Pasensya na kayo! Alam kong may mga pamilya pa kayo, may mga anak pa kayong naghihintay sa inyo, pasensya na talaga kayo!”pahingi ng tawad ni Hert sa mga nasawing kasamahan niya.
Tahimik namang nagmamasid ang ibang kasamahan ni Hert sa kanya habang siya’y umiiyak sa loob ng karwahe na ang ulo niya’y pinapalo niya sa isang kahoy. Paulit-ulit niyang pinapalo ang ulo niya hanggang sa tumulo na ang mga dugo nito. Wala namang miisang pumigil sa ginagawa niya dahil alam kasi nila ang kamaliang nagawa ni Hert.
“Lider, alam ko pong mapapatawad ka po nila”sabi ng isang kasamahan ni Hert.
“Oo nga po Lider, alam ko po ring masaya sila na naligtas tayo”tugon din ng ibang kasamahan ni Hert.
Hindi naman tumigil si Hert sa pag-iiyak kahit pinapakalma na siya ng mga kasamahan niya.
“Ganito kadelikado ang pagiging tagapaglakbay subalit hindi parin ako aalis sa pagiging tagapaglakbay kapag hindi ko napapatay ang dragong iyon”bigkas ni Hert sa kanyang sarili habang may namumuong galit sa dibdib niya.
“Sa tingin ko po Lider, may bago na po tayong miyembro na tagalapaglakbay na naghihintay doon sa kampo natin”sabi nila.
“Imposible na ang sinasabi mo, kahit baguhan ay alam na mas delikado ang pagiging tagalapaglakbay, kumpara sa pagiging tagabantay ay marami ka pang mapapagtaguan dahil nasa loob ka ng lugar ng mga tao samanatalang ang tagapaglakbay ay nasa labas ka naman sa lugar ng mga tao kaya hindi mo alam na baka sa paligid mo lang ang kalaban mo”paalala ni Hert sa kanila.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Maglilimang araw na simula nang maging dragon slayer na si Aries. Naging maingay naman ang buhay niya simula nang matalo niya si Ox sa duwelo, isang araw na ang nakakaraan. Kahit abala sa pag-eensayo si Aries sa loob ng kanyang kwarto ay hindi naman maiiiwasan na may bibisita sa kanya na mga baguhan o mga beteranong dragon slayer para magpaturo sa kanya. Isa na doon ang pangkat ni Shin na hangang-hanga talaga sa kanya.
“Aries, pasensya ka na kung minaliit ka namin noong unang pagkikita natin”pahingi ng tawad nila kay Aries.
Hindi naman sila kinausap ni Aries dahil ang atenyon nito’y nakatuon lamang sa pagsasanay.
“Aries, gusto sana naming magpaturo sa iyo ng pagsasanay para maging malakas kami tulad mo”sabi nila kay Aries.
“Kung gusto niyong lumakas tulad ko, dapat masanay kayo sa sakit ng katawan”paalala ni Aries sa kanila habang siya’y umalis para ipagpatuloy na ang pagagamot sa kanyang sugat sa kanang mata.
Nang pumunta si Aries sa pagamutan ay hindi naman niya maiiwasan na maraming naghihintay sa kanya doon tulad ng mga baguhan.
“Aries, magandang tanghali”bati nila kay Aries.
“Kung gusto niyong lumakas tulad ko, magsanay kayo nang magsanay umaga hanggang gabi”paalala ni Aries sa kanila habang siya’y naiirita na.
Marami namang mga babaeng gumamot kay Aries nang siya’y nagpagamot sa kanang mata niya. Ang iba pa nga’y humahawak sa likuran niya at sa braso niya na para bang may gusto sila sa kanya.
Hindi naman umaaray si Aries kahit ano-ano nang bagay ang nilalagay sa kanang mata niya.
“Nakakabilid ka talaga Aries, ang tibay mo pa tapos malakas pa”sabi-sabi nila kay Aries habang hinahagkan siya ng mga ito.
Ang iba pa ngang mga babae ay humahalik sa mukha ni Aries. Wala namang naging reaksyon si Aries kahit pinapalibutan na siya ng mga babae. Pero nang dumating si Yumi sa pagamutan ay doon na tumigil ang lahat ng mga babae sa kanilang ginagawang pagyayakap at paghahalik kay Aries.
“Ano bang ginagawa niyo? Gagamutin niyo ba si Aries o magtitinginan lang kayo diyan?”tanong ni Yumi sa kanila habang siya’y dahan-dahan nang nagagalit.
“Miss Yumi, tapos na po kami sa paggagamot kay Aries”sagot nila kay Yumi.
“Ah ganoon ba”pabiglang sabi ni Yumi. “Aries, ano pa ba ang ginagawa mo rito?”tanong ni Yumi kay Aries.
Agad namang tumayo si Aries na parang wala lang tapos lumabas siya sa pagamutan.
“Aries, kung gusto mong paligayahin ang buhay mo, sabihin mo lang sa akin”tugon ni Yumi habang siya’y namumula habang binibigkas ang salitang iyon.
“Miss Yumi, hindi ko na gustong paligayahin ang buhay ko, kontento na ako sa ligayang mayroon ako ngayon”tugon ni Aries habang siya’y bumalik sa kanyang kwarto.
Ginagawa naman ni Yumi ang lahat para magustuhan lang siya ni Aries, tuwing oras-oras ay bumibisita siya kay Aries habang may dala-dala siyang pagkain, lagi rin siyang nakikipag-usap kay Aries at higit sa lahat ay sinasamahan niya ito kahit saan man pupunta si Aries, mapalikuran ng kampo, pagamutan, sa training ground sa iba’t-ibang lugar na matatagpuan sa loob ng kampo.
Hindi naman mapakali si Aries sa tuwing nakikita niya sa tabi si Yumi na halos hindi na nawawala sa tingin niya.
“Miss Yumi, may kailangan ka ba sa akin? bakit lagi mo akong sinusundan?”tanong ni Aries kay Yumi.
“Inaalala ko lang ang kalagayan mo Aries, alam mo naman na may sugat ka sa kanang mata mo, baka ano pa ang mangyari sa iyo”palusot ni Yumi para gusto lang niyang makasama ng matagal si Aries.
“Ayus lang naman ako Miss Yumi, lagi-lagi naman akong bumibisita sa pagamutan kaya wag ka ng mag-alala”sabi ni Aries kay Yumi.
“Iba kasi yong may kasama ka Aries, hindi kasi tayo sigurado baka bigla ka lang mawawalan ng malay”sabi ni Yumi habang pinipilit niyang hindi ngumiti.
“Ano tingin mo sa akin, mahina!? Miss Yumi, wala ka bang gagawin ngayon alam mo namang sekretarya ka rito sa kampong ito”sabi ni Aries.
“Wag kang mag-aalala Aries, may itinalaga na ako”pangiting sagot ni Yumi.
Pinasyal naman ni Yumi si Aries sa buong kampo, kahit hindi gaanong maganda ang mga tanawin ay nasisiyahan naman si Aries sa ipinapakita ni Yumi sa kanya na mga magagandang lugar. Ngumingiti naman si Yumi sa tuwing nakikita niya na ngumingiti si Aries dahil minsan lang kasi niyang makita ang ngiti ni Aries.
“Aries, sabihin mo nga sa akin ano ang dahilan mo kung bakit ka sumali sa Slayer Faction?”paseryusong tanong ni Yumi sa kanya.
Hindi naman sumagot si Aries dahil nakatingin lang siya sa paligid niya at marami kasi siyang naiisip sa buhay niya. Tapos alam na rin niya ang totoo niyang buhay, iniisip na nga lang ni Aries kung ano ang sunod niyang gagawin bukod sa pagiging dragon slayer. Sasabihin na sana niya ang sekreto niya kay Yumi tungkol sa mundong bumuhay sa kanya na walang mga dragon, walang kapangyarihan at may kapayapaan ang bawat tao kaso biglang tumunog ang malakas na kampana na simbolo ng pagbabalik ng ibang dragon slayer na mula sa kanilang mga tungkulin.
“Ano na ang nangyayari ngayon Yumi?”tanong ni Aries habang siya’y nalilito na dahil sa pagtunog ng kampana.
“Aries, baka pangkat mo na ang dumating ngayon”sagot ni Yumi. “Tara na Aries, pumunta na tayo sa harapan para makita natin kung sino ang dumating”paanya ni Yumi sa kanya.
Samantala, nagulat nalang ang lahat nang makita nilang tatlong karwahe nalang ang natitira sa pangkat ni Hert sa dating apat na karwahe, tapos marami ding mga sugatan ang nakahandusay sa bawat karwahe.
“Ibaba niyo na ang mga sugatan at dalhin niyo sila sa pagamutan”utos ni Hert sa mga kasamahan niya.
Diretso naman si Hert sa malaking gusali upang kausapin ang heneral, may mahahalaga kasi siyang sasabihin. Naglakad siya nang naglakad papasok sa gusali hanggang sa nakarating narin siya sa opisina ng heneral. Nang binuksan niya ang pinto ay nakita niyang nakaupo lang ang heneral habang wala itong ginagawa.
“Hert, kamusta ang paglalakbay niyo?”tanong ng heneral sa kanya.
“Heneral, kailangan ko po ng maraming dragon slayer para mapatay po namin ang malakas na dragon sa silangang bahagi ng labas ng pook”pabiglang sabi ni Hert.
“Pasensya ka na Hert, hindi ko magagawa ang pinagsasabi mo, ang tungkulin ng mga tagabantay ay nasa loob lang ng pook at wala ng iba pa”paliwanag sa kanya ng heneral.
“Pero heneral, hindi na po natin hihintayin na aatake ang dragon na iyon sa loob ng pook, kung aatake man sa loob ng pook ang dragong iyon siguradong malaking mapipinsala at mapapatay na tao”paliwanag ni Hert.
“Hert, kung may tungkulin na ang tao wag mo ng dagdagan pa, lalo mo lang silang pinahihirapan”paalala sa kanya ng heneral.
“Heneral, sabihin niyo sa akin sa ilang araw na wala kami dito sa kampo, wag mong sabihin na wala paring pumili sa pagiging tagapaglakbay”lakas na loob na sinabi ni Hert.
Nakinig naman ng mabuti si Hert sa sasabihin sa kanya ng Heneral kahit alam niya ang magiging sagot.
“Hert, may bago kang miyembro”bigkas ng heneral na ikinagulat niya.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World 2: The Half World (Completed)
FantasyWar, pain, suffering and even death. Aries is giving his all to save the humanity from the dragons, even the world is against him. His journey is to travel the nest of the dragon which is called the remaining of the world "The Half-World" Will Arie...