Wala namang takot na hinarap ni Aries ang tatlong Royal Dragons kahit alam niyang mas malakas pa ito sa mga Holy Dragons at kahit na lugar din ng mga dragon ang pinasukan niya. Mabilis ang mga Royal Dragon na halos hindi mapapantayan ni Aries tapos kasinglakas din ito ng kapangyarihan niya.
Kahit ibinuhos na ni Aries ang bilis niya ay lagi parin siyang natatamaan sa mga pag-atake ng mga Royal Dragons. Kaya napapangiti nalang siya sa tuwing nakakatama ang mga dragon sa kanya.
"Sige ubusin niyo ang mga lakas niyo!"pahamon ni Aries sa mga Royal Dragons.
Nang ginamit ni Aries ang kanyang kapangyarihang liwanag ay nagulat naman siya nang biglang nagsakripisyo ang iilang dragon para hindi matama sa mga Royal Dragons ang malakas na kapangyarihan niya.
"Yan pala ang silbi ng mga dragon, para protektahan ang mga kataas-taasan na mga dragon"bigkas ni Aries.
Patuloy namang ginagamit ni Aries ang kapangyarihan niya kaso ang mga ordinaryong dragon lang ang napapatay niya.
"Diyos ng mga tao, hindi talaga namin maiitanggi na ang kapangyarihan mo'y malakas, kaya hindi agad kami magpadalos-dalos sa mga pag-atake namin!"paliwanag ng Dragon King.
"Mayroon pa pala kayong mga utak, akala ko'y malalakas at mabibilis lang kayo"tugon ni Aries na parang iniinsulto niya ang mga Royal Dragon.
"Diyos ng mga tao, sa mundong ito kaming mga nilalang ang pinakamalakas rito at wala nang ibang makakatalo sa amin, kahit mga Diyos ng kalawakan ay hindi kami kayang patumbahin"paliwanag ng Dragon Queen.
"Kahit mga Diyos ay di kayo pwedeng patumbahin? Tapos kayo ang pinakamalakas na nilalang sa mundong ito?"palinaw ni Aries habang siya'y nakatingin sa mga Royal Dragon.
"Oo, kami ang pinakamalakas na nilalang na naninirahan hindi lang sa mundong ito kundi sa buong kalawakan"paliwanag ulit ng Dragon Queen.
"Kayo!? Sigurado ba kayo?"tanong ni Aries na parang iniinsulto niya ang mga Royal Dragons.
"Iniinsulto mo ba kami?"palinaw ng Dragon Prince.
"Sa hindi naman ako nag-iinsulto sa inyo pero nagtataka lang kasi ako sa pinagsasabi niyo na kayo ang pinakamalakas na nilalang hindi lang sa mundong ito kundi sa buong kalawakan sapagkat ang dami niyo na, na parehong malalakas na nakipaglaban sa akin tapos may mga alalay pa kayong dragon, hirap niyo nga akong mapatumba, itong kakayahan niyo ba ang tinutukoy niyong malalakas? Para lang naman kayong mga duwag"paliwanag ni Aries habang iniinsulto niya ang mga ito.
Dahil sa nainsulto ang mga Royal Dragon ay agad nilang pinalabas ang tunay nilang mga kapangyarihan na kung saa'y naging kakaibang dragon sila. Ibang-iba na ang kulay, matataas na ang mga kuko, matatalis na ang mga kaliskis at mas lumalapad na ang mga pakpak.
"Diyos ng mga tao, nagkakamali ka sa mga sinabi mo!"sigaw ng tatlong Royal Dragons habang bigla nilang inatake nang sunod-sunod si Aries.
Dumapa naman agad si Aries para mailagan niya ang pag-atake ng Dragon Prince subalit agad nataob sa likuran niya ang kuko nang Dragon Queen. Natangay naman bigla si Aries sa himpapawid at inihulog siya nito sa ere.
"Diyos ng mga tao! ito na ang katapusan mo!"sigaw ng Dragon King habang nakahanda siya sa babagsakan ni Aries.
Mabilis namang ginamit ni Aries ang kapangyarihan niya kaya nagawa niyang paalisin ang Dragon King sa babagsakan niya. Akala ni Aries na tapos na ang mga pag-atake sa kanya subalit biglang nahiwa ang tagiliran niya nang umatake ang Dragon Prince sa kanya.
"Bawiin mo ang sinabi mo Diyos ng mga tao!"bigkas ng Dragon Prince.
Dahil sa malaking paghiwa ng tagiliran ni Aries ay hindi na niya napaghandaan ang pagbagsak niya sa lupa at tuluyang nabali ang isang paa niya dahil sa impak nang pagtama sa lupa.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World 2: The Half World (Completed)
FantasiWar, pain, suffering and even death. Aries is giving his all to save the humanity from the dragons, even the world is against him. His journey is to travel the nest of the dragon which is called the remaining of the world "The Half-World" Will Arie...