(Vol. 1) Chapter 0: The Dream "Prologue"

211 23 0
                                    

Maraming pinagdaan si Aries sa buhay niya, naranasan niyang masaktan, magtiis at magsakripisyo upang mabigyan niya nang magandang kinabukasan hindi lang para sa buhay niya kundi pati narin sa pamilya niya. Napapaluha nalang siya habang pinagmamasdan niya ang magandang mundong umaaligid sa kanya.

Kaya nang maidilat niya ang mga mata niya'y agad niyang naramdaman ang malambot na kamang hinihigaan niya. Napansin rin niya ang magandang kwarto na masasabi mong pangmayaman talaga. Dahan-dahan niyang iginalaw ang kataawn niya dahil mukhang nahihirapan niyang maramdaman ito. Naiigalaw naman niya ang ulo niya, ang mga kamay niya, ang likuran niya kaso ang paa nalang niya ang hindi pa niya naiigalaw, sinubukan nga niyang tumayo kaso agad siyang napatumba sa sahig.

Agad namang siyang humawak sa kama niya upang makatayo kaso hirap parin niyang ituwid ang kaniyang mga paa. Napa-upo nalang siya sa kama niya habang nagmamasid kung ano ang sunod niyang gagawin. Kaya matapos niyang pinagmasdan ang buo niyang kwarto ay agad niyang nakita ang isang silyang may gulong o wheel-chair. Dahan-dahan niya itong nilapitan dahil nakatabi lang ito malapit sa kama niya.

Nang maka-upo na siya sa wheel-chair ay inikot-ikot niya ang gulong nito upang makapag-abante siya. Patungo naman siya sa balkonahe ng kwarto niya para tingnan ang kapaligiran sa labas ng kwarto. Gabi na sa oras na iyon kaya maliwanag na buwan nalang ang nakita niya sa himpapawid. Maginaw-ginaw naman ang simoy ng hangin lalo pang nandoon siya sa kwarto niya sa pangalawang palapag.

Mag-isa niyang pinagmasdan ang buwan kasama na ang mga butuing nagningning sa kalangitan, hindi naman nawala ang mga makukulay na paputok na nagsisiputukan sa kalangitan, mga iba't-ibang kulay ang sumalubong sa kanya, mga pula, asul, dilaw, berde, kahel at marami pang iba. Naaaliw naman si Aries habang nakatingala siya sa kalangitan. Alam niyang may celebrasyong paparating kaya agad siyang napaluha.

Kahit hindi pa nagtatapos ang makukulay na fireworks ay tumalikod na siya upang umalis. Patungo na si Aries sa pintuan upang lumabas na sa kwarto niya, nahihirapan namang mabuksan ni Aries ang pinto dahil wala gaanong pwersa ang kamay niya tapos nahihirapan din siya sa pag-abot ng hawakan ng pinto. Pinilit niya ang kamay niya hanggang sa nabuksan niya ang pintuan.

Kaya ngayon, tambad na kay Aries ang malaking bahay na tinitirhan niya na ang bahay na matagal na niyang pinapangarap sa buhay niya. Hindi na nga siya halos makapaniwala sa nakita sapagkat parang panaginip lang ito sa kanya. Kaya ngayon agad ulit napaluha si Aries sa pangalawang pagkakataon.

Dahan-dahan namang bumababa si Aries sa hagdan, may daanan naman ng wheelchair niya kaya doon na siya bumaba. Nakita niya ang ayus ng bahay na may magagandang sahig na masasabing pangmayaman talaga, may maraming kwarto, may malaking T.V na kung saa'y nakasabit sa dingding, may mga antigong palamuti sa bawat gilid, may silid-aklatan at may sarili ding opisina na kung saa'y naka-ayus doon ang maraming kompyuter.

Unang binisita ni Aries ang opisina na makikita sa unang palapag ng bahay, hindi niya mapigilan ang mamangha dahil unang beses palang niya nakita ang laki ng kwartong pang-opisina na sa malaking kompanya o gusali mo lang makikita. Matagal na itong pinapangarap ni Aries sa buong buhay niya, pangarap niya kasi ang magkaroon ng sarili at malaking opisina para sa trabaho at sa pagsusulat niya. Isa-isa niyang hinawakan ang kompyuter na nakalagay sa itaas ng bawat mesa na may mamahaling upuang nakatabi.

Sunod namang binisita ni Aries ang silid-aklatan dahil isa din sa pagbabasa ang kinahiligan niya, kaya nga gusto niyang maging isang manunulat dahil na-eenganyo siyang gumawa ng sariling libro. Inikot ni Aries ang buong silid-aklatan habang hinahawakan niya ang bawat librong nadadaanan niya. Natuwa naman siya sa tuwing nakakahawak siya ng mga libro lalo na yong mga librong paborito niyang basahin.

Myself in Another World 2: The Half World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon