(Vol. 1) Chapter 5: Adventure

86 24 18
                                    

Mag-iisang taon na nang sinimulan ni Hert ang paglalakbay niya sa labas ng pook. Sa kanyang paglalakbay ay madami naman siyang nakikitang mga bagong lugar na wala pang nakakapasok, mga bagong halimaw na ngayon palang nilang nakita at minsan pa nga’y mga lungga ng dragon.
 
Matagal nang tutol ang kanyang kapatid na si Vert sa pagiging tagapaglakbay niya kaso wala parin itong magawa dahil ito kasi ang pinili niyang tungkulin bilang isang dragon slayer. Hindi naman siya gaanong nadidisgrasya sa kanilang paglalakbay at wala naman gaanong nasasawing pangkat niya, kaso nang umatake sa panahong iyon ang makapangyarihang dragon sa kanila ay doon na siya namatayan ng anim na kasamahan.
 
Hindi naman nawala sa isipan at dibdib ni Hert ang namumuong paghihiganti marahil napalapit na siya sa mga kasamahan niya.
 
“Hindi ako babalik sa kampo kapag hindi ko napapatay ang dragong iyon”bigkas niya habang nakasakay siya sa karwahe patungo sa silangan.
 
Samantala, kasama naman ni Hert sa karwahe si Aries na tahimik lang na nagmamasid sa labas ng paligid. Wala kasing miisang boses ang narinig niya na mula kay Aries.
 
“Matahimikin lang pala ang batang ito”pahinang sabi ni Hert sa sarili niya.
 
Kahit minsa’y malupit si Hert sa mga kasamahan niya ay may ugali naman siyang maalahanin. Ang tahimik na karwahe nila’y pinutol ni Hert nang kinausap niya si Aries.
 
“Aries, pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari sa kanang mata mo?”sabi ni Hert kay Aries.
 
“Ako mismo ang kumuha sa sarili kong mata”sabi ni Aries na hindi wala siyang gaanong emosyon.
 
“Kinuha mo ang sarili mong mata? Bakit naman?”tanong ni Hert habang siya’y nabigla.
 
“Dahil sa lasong pumatak patungo sa aking mata, kaya ko kinuha ang sarili kong mata”paliwanag ni Aries.
 
“Aries, masakit ba nong panahong kinuha mo ang kanang mata mo?”tanong ni Hert sa kanya.
 
“Sa una makakaramdam ka ng hapdi pero kapag tumagal na’y hindi ka na makakaramdam ng sakit”sagot ni Aries.
 
“Ganoon ba, ang tindi pala ng pinagdaan mo Aries, nagawa mo talagang isakripisyo ang isang mata mo para hindi na kumalat sa utak mo ang lason”puri ni Hert habang siya’y namangha kay Aries.
 
Habang sila’y nag-uusap ay nakarating naman sila sa isang batis. Agad naman silang huminto para pagpapahingahin ang mga kabayo nilang mga ilang oras nang tumatakbo.
 
“Bumaba muna tayo!”sigaw ni Hert sa lahat.
 
Agad naman nilang pinainom ng tubig ang mga kabayo tapos habang may libre pa silang oras ay naghanap naman sila ng mga makakaing prutas sa mga puno na malapit sa batis para may idadagdag silang pagkain sa kanilang paglalakbay.
 
“Magbantay muna kayo rito. Maghahanap muna kami ng mga prutas doon”tugon ni Shin sa lahat ng mga kasamahan niya habang nakaturo ang daliri niya sa isang magubat na lugar.
 
“Mag-ingat lang kayo Shin baka may mga ahas o mga halimaw doon, alam niyo naman na walang taong nakatira dito sa lugar na ito”paalala ni Hert sa pangkat ni Shin.
 
“Kami na ang bahala Hert”tugon ni Shin.
 
Abala naman sa paghahanap ng mga prutas ang pangkat ni Shin, dahil sa walang taong nakatira doon ay marami naman silang nakukuhang mga bunga. Samantala, abala naman sa pag-iikot sa buong lugar ang pangkat ni Ox, kung tutuusin ay unang beses pa lang nilang nakita ang lugar na iyon.
 
“Sir Ox, ganito pala kaganda ang lugar dito”sabi ng mga kasamahan niya habang sila’y namangha sa magagandang tanawin sa paligid.
 
“Syempre, ganito kaganda ang lugar kapag walang naninirahang mga tao”sagot ni Ox sa mga kasamhan niya.
 
“Sa tingin mo Sir Ox may naninirahan bang mga tao sa labas ng pook dito noong unang panahon”sabi niya kay Ox.
 
“Sa unang panahon ay naniniwala akong may naninirahan sa lugar na ito”tugon ni Ox habang hinahawakan niya ang lupa.
 
Nagmasid pa sila nang nagmasid sa lugar hanggang sa nakita nila ang isang misteryong bagay na nakahandusay sa lupa habang ito’y kinakalawang na. Maliit ito na bagay na may malaking salamin sa gitna.
 
“Alam niyo kung ano ito?”tanong ni Ox habang hawak-hawak ang maliit na bagay.
 
“Hindi ko alam  kung ano yan Sir Ox, baka alam nila”tugon nila kay Ox habang nakaturo kina Shin at Hert.
 
Agad namang ipinakita ni Ox ang nakuha nilang misteryosong bagay sa ibang kasamahan nila pero miisa ay walang alam kung ano ang bagay na nakuha nila.
 
“Sa tingin ko, isang sandata yan ng mga sinaunang tao”teorya ni Shin.
 
“Kung isa itong sandata, paano naman ito magagamit?”tanong ni Ox.
 
“Paano natin malalaman, hindi pa nga natin alam kung ano ang bagay na iyan tapos magtatanong kapa kung pa-paano gagamitin”tugon ni Shin kay Ox.
 
Agad namang lumapit si Aries kina Ox upang tingnan ang pinag-uusapan nitong nakuhang misteryusong bagay. Laking gulat naman ni Aries nang malaman niya ang bagay na hinahawakan ni Ox sa isang tingin lang. Pero ang nalalaman niya’y hindi niya sinabi sa mga kasamahan niya.
 
“Sa hindi ako nagkakamali, ang hawak ni Sir Ox ay isang mobile phone, imposible paano yan nakarating sa mundong ito, diba walang teknolohiyang umiikot dito sa mundong ito”bulong ni Aries habang hindi siya makapaniwala sa nakita niya.
 
Habang tulalang iniisip ni Aries ang mobile phone na hawak ni Ox ay nagdesisyon naman si Hert na magpapatuloy na sa paglalakbay dahil sinasayang lang nila ang oras dito sa lugar na hinihintuan nila.
 
Nang umalis sila sa lugar na iyon ay hindi parin maalis sa isip ni Aries ang gadget na napulot ni Ox sa lugar na iyon. Hindi naman nagkakamali si Aries sa kanyang nakita dahil alam na kasi niya ang totoong buhay niya at sa mundong nakasanayan na niya.
 
Hindi naman mapakali si Hert nang makita niyang tulala na si Aries, unang beses palang niyang nakitang nagkaganoon si Aries kaya hindi siya nag-alinlangan na tanungin ito.
 
“Aries may problema ba? Mukhang tulala ka yata?”tanong ni Hert habang ito’y nag-aalala sa kanya.
 
“Wala ito Hert, may iniisip lang ako”sagot ni Aries.
 
“Aries, ayokong may pinoproblema ang mga kasamahan ko, kaya kung may problema ka mang tinatago Aries ay wag kang matakot na isabi sa akin”paalala ni Hert kay Aries.
 
 Nang gumabi na ay nagpahinga naman sila sa damuhang bahagi ng lugar na malayo sa mga puno. Maliwanag kasi ang buwan kaya ito ang nagsisilbing liwanag sa kanila. Ang iba sa kanilang nakahiga sa loob ng karwahe habang ang iba nama’y nakahiga sa mga damuhan.
 
Lumapit naman si Aries kay Ox na nakahiga sa damuhan para hiramin ang nakuha niyang misteryosong bagay na napulot niya sa isang magubat na lugar.
 
“Sir Ox, pwede ko bang hiramin ang mobil- yong nakuha mong misteryusong bagay”pakiusap ni Aries.
 
“Misteryusong bagay? Yong may malaking salamin?”palinaw ni Ox.
 
“Oo, yong napulot mo kanina”sabi ni Aries.
 
“Ano bang gagawin mo sa bagay na iyan Aries”sabi ni Ox habang ibinigay niya kay Aries ang bagay na napulot niya.
 
“Pa-paano natin malalaman ang bagay na ito kung hindi natin pag-aaralan diba”tugon ni Aries kay Ox.
 
“May punto ka naman Aries, sabihin mo sa amin kapag may nalaman ka sa bagay na Aries”sabi ni Ox.
 
Umalis naman si Aries at pumunta siya sa bubungan ng karwahe upang magpahinga. Tinitingan naman niya ang gadget habang siya’y nakahiga. Sinubukan naman niyang pindutin ang power button na nasa gilid kaso hindi ito bumukas.
 
“Sira na ang mobile phone na ito”bulong niya. “Ang pinagtataka ko lang ay paano napunta ang bagay na ito sa mundong ito, sa tagal-tagal ko ng naninirahan sa mundong ito, wala akong miisang taong gumamit ng ganito, kahit ang mga kasamahan ko’y hindi alam ang bagay na ito”kausap ni Aries sa sarili niya habang tinitingnan niya ang gadget.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kalaunan, matapos silang kumain ay nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay sa silangan. Habang nasa kalagitnaan sila ng isang lugar sa kanilang paglalakbay ay bigla nalang nilang naramdaman ang mga hamog na lumalapit sa kanila. Hindi maiintindihan ni Hert ang nangyayari sapagkat unang beses palang itong nangyari sa kanila.
 
“Hert? Ano na ang nangyayari? Magpapatuloy pa ba tayo? Mahihirapan na kaming makita ang daan!”sigaw ni Shin.
 
“Pasensya na hindi ko alam kung bakit may hamog dito, ngayon pa lamang namin ito naranasan”paumahin ni Hert sa lahat.
 
“Hert, magpapatuloy pa ba tayo? Mukhang mahihirapan tayong makita ang isa’t-isa!”sigaw ni Ox.
 
“Paapoyin niyo lang ang mga sulo niyo para madali tayong magkita-kita!”sigaw ni Hert.
 
Isa-isa naman nilang sinindihan ang mga sulo nila kaya alam ni Hert kung saan ang ibang kasamahan niya.
 
“Magpatuloy lang kayo sa paglalakbay! Wag kayong liliko!”sigaw ni Hert sa lahat.
 
“Masusunod Hert!”sigaw nina Ox at Shin.
 
“Masusunod po lider”sigaw ng ibang kasamahan nila.
 
Hindi naman inaakala ni Hert na ang mga ilaw ng sulo ng bawat karwahe ay dahan-dahang nawawala sa gitna ng hamog. Isa-isang nawawala hanggang sa anim na liwanag ng bawat sulo ay hindi na lumiwanag kaya nagulat nalang sina Hert at ang apat pa niyang kasamahan sa karwahe.
 
“Nawala na ang iba nating kasamahan lider, ano na ang gagawin natin ngayon?”tanong nila kay Hert.
 
Kahit nag-aalinlangan na si Hert ay pinagpatuloy parin niya ang paglalakbay.
 
“Wag kayong hihinto! Patuloy parin tayo! Baka nandoon lang sila sa tabi-tabi”tugon ni Hert.
 
May masama namang nararamdaman si Aries habang napapagitna sila sa hamog. Nararamdaman ni Aries na parang may nag-aabang sa kanilang malakas na halimaw na hindi naman dragon.
 
“Mag-ingat kayo sa paligid niyo, may ibang nilalang na nag-aabang sa atin”paalala ni Aries sa mga kasamahan niya.
 
Nagulat din si Hert sa paalala ni Aries sa kanila.
 
“Ano ang ibig mong sabihin Aries?”tanong ni Hert.
 
“Sa tingin ko tayo lang ang nawala sa gitna ng hamog, alam kong naghahanap na ang ibang kasamahan natin sa atin”paliwanag ni Aries.
 
Nagulat nalang silang anim nang biglang huminto ang kabayong nagpapatakbo sa kanilang karwahe, umiingay rin ito at parang ayaw nang magpatuloy sa pagtakbo. Nang nanatili sila doon ay narinig nila ang isang ingay ng ahas na parang nag-iikot lang sa kanila.
 
Tahimik naman sila habang pinagmamasdan sila ng nag-iikot na isang malaki, makamandag at makapangyarihang ahas. Nanginig naman sa takot ang isang kasapi nila nang makita ang malaking buntot ng ahas na kasing laki ng isang puno.
 
“Ahas, isang malaking ahas ang naglilibot sa atin ngayon”pahinang sabi niya sa mga kasamahan niya.
 
“Mag-ingat kayo, delikado kapag magsalita kayo!”paalala ni Aries sa kanila.
 
“Aries, bakit hindi pinuntirya ng ahas ang kabayo natin, di ba umiingay naman yan”tanong niya kay Aries.
 
“Dahil ang puntirya ng ahas na iyan ay walang iba kundi ang mga tao, alam na ng ahas ang hitsura ng kabayo, samantalang hindi pa alam ng ahas na iyan ang hitsura ng tao, kaya tayo ang puntirya”pahinang paliwanag ni Aries.
 
Tumahimik naman sila subalit makaraan ang ilang segundo ay biglang umatake ang ahas papasok sa loob ng kanilang karwahe. Masuwerte namang hindi sila natamaan sa pagtuklaw sa kanila ng ahas kaso may isang kasamahan nila ang natamaan ng nakakamatay na lason na nagmula sa ahas.
 
“Lider, may berdeng likido ang dumampi sa binti ko”pahinang sabi niya habang dahan-dahan nitong sinusunod ang balat niya.
 
Mabilis naman nilang pinahiran ang berdeng likido o lason na dumampi sa kanyang binti. Hindi naman nila namalayan na aatake ulit ang ahas sa loob ng kanilang karwahe kaya kung magtatagumpay man ang ahas ay siguradong matutuklaw silang lahat sa loob.
 
Papasok na sana ang mukha ng ahas sa loob ng karwahe kaso nagawa pa ni Aries na matusok ang isang mata ng ahas na resulta ng pagkatigil nito sa pag-atake.
 
“Ipatakbo na ang mga kabayo!”sigaw ni Aries na ikinagulat ni Hert sa naging desisyon ni Aries.
 
Mabilis naman nilang pinatakbo ang kabayo patungo sa ibang direksyon.
 
“Aries, ano na ang sunod na gagawin natin?”tanong ni Hert habang siya’y nalilito na.
 
“Pipigilan natin ang ahas”bigkas ni Aries habang itinapon niya ang mga espada kay Hert at sa dalawa pa niyang kasamahan.
 
Habang sila’y lumalayo ay dahan-dahan naman silang sinusundan ng makapangyarihang ahas, hindi kasi sila titigilan hangga’t hindi nakakapaghiganti ang ahas sa kanila.
 
Nahihirapan naman silang hanapin ang ahas dahil sa hamog na nagkalat sa paligid.
 
“Gamitin niyo ang mga mahika niyo!”pabiglang utos ni Hert sa mga kasamahan niya.
 
Sinunod naman nila ang utos ng kanilang lider. Nang magpakita sa kanila ang makapangyarihang ahas ay ginagamitan nila ito ng mga mahika. Kahit hindi gaanong tumatalab sa ahas ang kanilang mga mahika ay unti-unti naman itong nasusugatan.
 
“Wag kayong hihinto!”paalala ni Hert habang binabantayan niya ang isang kasamahan niya na napatakan ng mga lason mula sa ahas.
 
Maglilimang minuto nalang ay hindi parin natutumba ang makapangyarihang ahas na humahabol sa kanila. Dahan-dahan naring nanghihina ang dalawa nilang kasamahan dahil sa walang tigil na pagamit ng mga mahika.
 
Agad namang itong pinahinto ni Aries baka mawalan ito nang malay, kung iisipin ay hindi pa nagsisimula ang kanilang paglalaban sa dragon, sa ngayon ay ahas palang ang kalaban nila.
 
“Magpahinga muna kayo! Ako muna ang bahala rito”paalala ni Aries.
 
Nagulat naman si Hert sa naging desisyon ulit ni Aries.
 
“Aries, ano bang ginagawa mo? Mamatay tayo kapag hindi tayo aatake sa ahas”reklamo niya kay Aries.
 
“Hert, wag mong isakripisyo ang enerhiya ng mga kasamahan natin! Ako na ang bahala sa ahas na iyan, magpatuloy na kayo!”tugon ni Aries habang biglang umiba ang simoy sa paligid ni Aries.
 
Habang hawak-hawak ang sulo at ang espada ay agad tumalon si Aries palabas ng karwahe. Nagulat naman sila ginawa ni Aries na pagtalon sa labas.
 
“Aries!”sigaw nila.
 
Wala namang nagawa si Hert kundi iwanan lang si Aries sa gitna ng hamog. Nakapagpatuloy naman sila sa paglalakbay hanggang sa naka-alis na sila sa hamog. Nakita rin nila ang ibang kasamahan nila na matagal nang naghihintay sa kanila.
 
“Hert, saan ba kayo nanggaling? kanina pa kami naghihintay sa inyo, akala namin ay iniwan niyo na kami”sabi ni Shin.
 
“Hert, wag niyong sabihing nawala kayo sa gitna ng hamog”sabi ni Ox habang siya’y tumatawa.
 
Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap hanggang sa nagdesisyon si Shin na ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay dahil masasayang lang ang kanilang oras kapag patuloy lang sila sa pag-uusap. Aalis na sana sila kaso napahinto nalang sila bigla nang isinabi ni Hert sa kanila na hindi nila kasama si Aries ngayon.
 
“Ano ang ibig mong sabihin Hert?”tanong ni Ox habang siya’y nagulat.
 
“Nakipaglaban si Aries sa malaking ahas”pahinang sabi ni Hert.
 
“Anong malaking ahas ang pinagsasabi mo?”tanong ni Ox.
 
“May nakaharap kasi kaming malaking ahas sa gitna ng hamog, hindi ordinaryong ahas kundi makapangyarihan na ahas, yong isang kasamahan ko ay napatakan ng lason sa binti at masuwerte namang hindi kumalat sa ibang parte ng katawan niya”paliwanag ni Hert. “Sa tingin ko, patay na si Aries ngayon”pahinang sabi ni Hert na ikinagulat ng mga kasamahan niya.
 
Agad namang tumahimik ang paligid dahil wala nang miisang nagsalita matapos binigkas ni Hert ang huling salita niya.
 
“Hindi ako, naniniwalang mamatay lang si Aries nang ganoon-ganoon na lamang”pabiglang bigkas ni Ox.
 
“Ako rin, hihintayin lang natin siya rito”tugon ni Shin.
 
“Ano bang pinagsasabi niyo!? Narinig niyo namang hindi ordinaryong ahas ang kalaban namin kanina! Imposible nang mabuhay si Aries”sabi ni Hert.
 
Makaraan ang ilang segundo ay namalayan ng isang kasapi nila ang isang liwanag ng isang sulo na patuloy na lumalapit sa kanila.
 
“Tingnan niyo may liwanag na lumalapit sa atin”turo niya.
 
Agad naman silang nagtinginan sa direksyong itinuro ng isang kasamahan nila kaya hindi makapaniwala si Hert nang malaman niyang nabuhay pa si Aries kahit makapangyarihan ahas na ang kalaban niya.
 
“Imposible! Paanong nagawang mabuhay ni Aries sa lugar na iyon?”tanong ni Hert habang siya’y nagulat.
 
“Hert, kakaibang tao si Aries, kaya wag ka ng magulat”paalala ni Ox kay Hert.
 

Wala namang reaksyon nang lumapit si Aries sa kanila na parang wala lang nangyari tapos hindi parin makapaniwala si Hert na nabuhay pa si Aries sa sitwasyon niyang iyon.

Myself in Another World 2: The Half World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon