Nakipaglaban naman si Alfonso sa dragong si Tempest kasama ang mga iilan na mandirigma mula sa kaniyang bayan. Dahil sa lakas ng mga kapangyarihan ni Tempest ay napapaatras nalang ang mga kasamahan ni Alfonso.
"Bata! di natin kayang mapatumba ang dragong iyan!"reklamo nila habang unti-unti silang napapaatras.
"Sinabi ko na ngang umalis na kayo! Mapapatay lang kayo rito"paalala ni Alfonso sa kanila.
"Wag mo nga kaming pagsabihan ng ganyan bata, mas matanda pa kami sa iyo kaya dapat ikaw ang umalalay sa amin, hindi kami ang umaalay sa iyo"tugon nila.
"Kahit bata pa ako ay alam ko naman ang ginagawa ko, may kapangyarihan akong papantay sa kapangyarihan nang kalaban nating dragon"paliwanag ni Alfonso.
"Oh sige na bata! Makapangyarihan ka na! aalalay lang kami sa iyo"tugon nila.
Nang gumawa ng mga buhawi si Tempest ay doon na kinabahan ulit ang mga kasamahan ni Alfonso. Agad namang nakita ni Alfonso na pinuntirya ng dragon ang mga kasamahan niya.
"Kung hindi lang sa mga buhawing iyan! Wala sigurong hahadlang sa akin"bulong ni Alfonso.
Agad namang inuna ni Alfonso ang mga buhawi subalit ang hindi niya napansin ay pinuntirya na pala ng dragon ang mga kasamahan niya.
"Ang talino nang dragon iyan! Naging abala lang naman ako sa mga buhawi niya ay agad na niyang pinuntirya ang mga kasamahan ko"bigkas ni Alfonso.
Mabilis namang ikinilos ni Alfonso ang mga paa niya para mabilis din niyang mapigilan ang pag-atake ng dragon. Mapapatay na sana ang isa niyang kasamahan subalit nagawa naman niya itong protektahan sa pamamagitan ng pagsalo niya sa pag-atake ng dragon.
Gulat na gulat naman ang lalaki habang siya'y nakatitig kay Alfonso na baon na baon sa tiyan nito ang kuko ng dragon.
"Habang may natitira ka pang oras, tumakbo ka na"utos ni Alfonso sa lalaki.
"Bata, salamat"pabiglang pasalamat ng lalaking natulungan ni Alfonso tapos siya'y tumakbo.
Dahil sa galit ni Alfonso ay agad naman niyang ginamit ang mahika niya at pinuntirya sa dragon. Napatawa naman ang dragon nang pinuntirya siya ni Alfonso, akala kasi nito'y mahina lang ang mahika ni Alfonso. Pero nang tumama ito sa kanyang katawan ay agad nabutas ang tiyan niya.
"Ngayon tabla na tayo"pangiting bigkas ni Alfonso.
Dumagondong naman ulit ang dragon dahil lalo na itong nagalit kay Alfonso.
"Mag-ingat kayo!"paalala ni Alfonso.
Dahil sa galit ng dragong si Tempest ay nagkaroon naman ng malakas na paglindol, lumalakas na din ang pagbuhos ng ulan, kumikidlat na din nang malalakas at dumadami na rin ang mga buhawi.
Wala namang takot na hinarap ulit ni Alfonso ang delubyong nangyayari sa bayan nila. Unti-unti niyang binubura ang mga buhawi, tapos lahat ng mga pagkidlat ay sinasalubong niya para hindi madamay ang mga kasamahan niya.
Habang patuloy na ginagamit ng mga kasamahan niya ang mga mahika nila ay inilalaan naman ni Alfonso ang oras niya para depensahan ang mga kasamahan niya.
Samantala, habang nagtatago sa ligtas na lugar ang mga kababayan ni Alfonso ay bigla namang naalala nina Mai at Yukino ang papel na ibinigay sa kanila ni Alfonso na kung saa'y naglalaman iyon sa pagtatapos ng kwentong isinulat ni Alfonso.
"Yukino, nabasa mo na ba ang huling kabanata na isinulat ni Alfonso?"tanong ni Mai habang pina-alala niya kay Yukino ang bagay na iyon.
"Nabasa ko lang ang unang parte, kaso hindi ko mabasa lahat dahil nadumihan kasi kaya di ko agad matapos"paliwanag ni Yukino.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World 2: The Half World (Completed)
FantasyWar, pain, suffering and even death. Aries is giving his all to save the humanity from the dragons, even the world is against him. His journey is to travel the nest of the dragon which is called the remaining of the world "The Half-World" Will Arie...