(Vol. 1) Chapter 7: Reborn

83 24 8
                                    

“Kaya nga may magsasakripisyo sa atin”sabi ni Aries na ikinagulat ni Hert.
 
Agad namang lumapit si Hert kay Aries sabay paghawak nito sa gusot-gusot na damit.
 
“Aries, ayoko ang ideya mo! Gusto kong matalo natin ang dragon, hindi sa pamamaraang pagsasakripisyo”reklamo ni Hert.
 
“Hert, kung ayaw mo mang makitang magkakamatayan ang mga kasamahan natin dito, mas mabuting umalis ka nalang”paalala ni Aries sa kanya. “Hert, sanayin mo ang sarili mo! kung gusto mong mabigyan ng kapayapaan ang mundo, dapat masanay ka muna tumingin sa sarili mong dugo”sabi ni Aries sa kanya.
 
“Aries, ayoko sa ugali mong ganyan, parang hindi mo na pinapahalagan ang buhay ng tao, sa bagay sanay ka naman sa ganito Aries”sabi ni Hert habang nagagalit na siya kay Aries.
 
Nagpatuloy pa ang pag-aaway nina Hert at Aries kaya agad nalang silang sinigawan ni Shin dahil pinuntirya na sila ng umaapoy na dragon.
 
“Hoy! Ano pa bang ginagawa niyo diyan!? Pinuntirya na kayo ng dragon!”sigaw ni Shin sa dalawa.
 
Habang papalapit na ang umaapoy na dragon kina Hert at Aries ay agad naman silang nagpalayo sa isa’t-isa, at habang hawak-hawak nila ang kanilang mga espada ay nagawa nilang makatama sa bawat pakpak ng dragon. Nagawa nga nilang makatama kaso mabilis naman nasunog ang kani-kanilang mga kamay.
 
Bumilid naman silang lahat sa tibay nina Hert at Aries na nagawang makatama sa pakpak ng umaapoy na dragon.
 
Samantala, nagalit naman ang dragon kaya inatake niya kung sino-sino ang makikita niyang tao. Muntikan pa ngang masunog ang iba dahil sa mabilis na pag-atake ng dragon sa kanila.
 
“Umilag kayo baka maging abo kayo!”paalala nila sa isa’t-isa.
 
May pagkakataon namang lumalapit ang dragon kina Ox at Shin kaya sinusubukan nilang umatake sa dragon kahit mapapaso pa ang kanilang mga kamay. Pero kahit gaano pa sila kalakas ay hindi parin nila makayanan ang init ng dragon.
 
“Hindi ko talaga kasing tibay sina Hert at Aries!”tugon ni Shin sa sarili habang siya’y naiinis.
 
Lumipas nalang ang tatlungpung minuto ay hindi parin nila napapatumba ang umaapoy na dragon. Nainis naman ng todo si Aries dahil mukhang nawawalan na ng lakas ang mga kasamahan niya, kahit sina Shin at Ox ay parang wala ng silbi sa kanilang labanan dahil hanggang sa tingin nalang sila.
 
Ginawa naman ang lahat ni Aries para makalapit lang sa dragon kahit sa sobrang init kaya sa tuwing lumalapit ang dragon sa kanila ay sinusubukan ni Aries na tumalon sa dragon. Kaya sa ilang beses na paglapit ng dragon ay nagawa ni Aries na makalapit sa dragon.
 
Hindi naman sila makapaniwala nang magawa pa ni Aries na makalapit sa dragon.
 
“Aries! Mamamatay ka diyan! Wag mong pilitin ang sarili mo!”sigaw ni Hert habang siya’y nag-aalala siya kay Aries.
 
Kahit nasusunog na ang damit ni Aries ay patuloy parin niyang itinutusok sa dragon ang espada niya. Itinutusok niya nang itinusok ang espada niya kahit umitiim na ang kanyang katawan, hindi naman sinayang ni Aries ang pagkakataong iyon kahit nagbabaga na ang kanyang katawan.
 
“Para ito sa mga taong pinatay mo! At para ito kay Tina!”sigaw ni Aries habang itinusok niya sa puso ng dragon ang espada niya.
 
Dahil sa pagkatamong sunog ni Aries sa buong katawan niya ay dahan-dahan naman siyang natumba sa lupa, hindi narin niya nararamdaman ang buong katawan niya dahil sa hapdi. Mabilis naman lumipad sa himpapawid ang dragon dahil sa pagtusok ng espada sa puso niya. Kaya habang nakabulagta si Aries sa lupa ay mabilis naman siyang nilapitan ng mga kasamahan niya upang tulungan, kahit si Hert ay lumapit din kay Aries.
 
“Aries, ano bang iniisip mo? Yan tuloy! Sunog na ang katawan mo”reklamo ni Hert habang hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kay Aries.
 
“Hert, pasensya na kung ginawa ko man ang bagay na iyon”sabi ni Aries habang dahan-dahan siyang nawawalan ng malay.
 
“Dalhin niyo si Aries sa ligtas na lugar, dahan-dahan lang”utos ni Shin sa pangkat niya.
 
Agad naman nilang dinala si Aries sa kweba para pagpapahingahin at gamutin doon kasama sa dalawa pang sugatan.
 
Samantala, nakatingala naman silang lahat sa himpapawid para siguraduhin kung natablan ba ang dragon sa huling atake ni Aries subalit nagawa paring makagalaw ang umaapoy na dragon. Paikot-ikot ito sa himpapawid at dumagundong ito ng isa pang pagkakataon.
 
“Sana, mamatay na ang dragon”pakiusap nila.
 
“Sana nga, hindi pa natin alam ang resulta, pero kung ako ang tatanungin, tapos na ang dragong iyan”tugon ni Shin.
 
Hindi naman nila inaakala na dumagundong ulit sa panglimang pagkakataon ang dragon, dumagundong ulit ito ng isa pang beses, ng ilan pang beses, hanggang sa nabingi na silang lahat. Doon nalang huminto ang dragon nang bumagsak ito sa lupa at dahan-dahang nawawala ang apoy sa mga kaliskis nito.
 
“Tapos na ba ang laban?”tanong nila habang hindi sila makapaniwala.
 
“Mukhang tapos na nga”sagot ng iba.
 
Dahan-dahan namang nilapitan ni Hert ang dragon para kumpirmahin na kung ito’y namatay na nga ba. Wala naman siyang takot na lumapit sa dragon dahil may tsansang nagpatay-patayan lang ito para may taong makalapit. Pero nakita ni Hert na hindi na tumitibok ang puso ng dragon, tapos nilapitan din niya ang mukha nito para siguraduhin pa.
 
“Patay na ang dragon”pahinang bigkas niya habang hindi masukat sa pisngi niya ang ngiti. “Patay na ang dragon!”sigaw niya na ikinasaya ng mga kasamahan niya.
 
Nagbunyi naman silang lahat dahil napatumba na ang makapangyarihang dragon.
 
“Mabuti at tapos narin!”sigaw nila habang patuloy silang nagbubunyi.
 
“Nakapaghiganti narin ako”bigkas ni Hert sa sarili habang inaalala niya ang mga kasamahan niyang nasawi dahil sa dragong iyon.
 
Matapos ang ilang minuto nilang pananatili doon ay dahan-dahan na silang pumunta sa kweba na tinutuluyan ni Aries kasama ang dalawang sugatan para aalis na, pero ang inaasam na saya nila’y mapapalitan ng pangamba nang marinig nila ang sunod-sunod na dagundong.
 
“Nabuhay yong dragon na kalaban natin?”palinaw nila habang nalilito na.
 
“Hindi! may mga dragon na papalapit sa atin dito! Mag-ingat kayo!”sigaw ng isang nakakita sa mga dragon.
 
Mabilis namang bumagsak ang dragon sa tinataguan nilang kweba, kaya dahan-dahang nasisira ang kwebang tinataguan nila. May mga nawalan naman ng malay dahil sa impak ng malakas na pagkabagsak ng dragon.
 
Ang ibang nagkamalay nama’y buhat-buhat ang ibang kasamahan nila na walang malay na nakahandusay sa lupa. Masuwerte namang nakalabas sila ng buhay sa kwebang dahang-dahan nang gumuguho.
 
Nang makalabas sila ay doon nalang nalaman ni Hert na inaabangan na pala sila ng apat pang dragon.
 
“Dumapa kayong lahat!”sigaw ni Hert habang nagsisi-atakehan ang mga dragon sa kanila.
 
Masuwerte naman ang iba dahil nakapada agad sila sa lupa habang ang tatlo sa kanila ay parehong naputulan ng ulo dahil natamaan sila sa mga kuko ng dragon. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Hert nang makita niya ang tatlong ulo ng mga kasamahan niya na gumulong-gulong pababa ng bundok.
 
“Huh!”reaksyon niya habang nanginginig ang mga kamay niya.
 
Mabilis namang tumayo si Hert upang atakehin ang apat na dragon subalit hindi niya makapagawang makapagpatumba ng mga dragon. Habang abala pa ang mga dragon kay Hert ay dahan-dahan namang humahanap ng mga pwesto ang ibang buhay na kasamahan niya para tulungan si Hert.
 
Tumulong naman sina Ox at Shin kay Hert gamit ang kanilang mga espada, hindi naman gaanong malakas ang mga dragong kalaban nila hindi tulad ng makapangyarihang dragon na napatumba ni Aries kaso maraming dragon lang ang umaatake sa kanila ng sabay-sabay.
 
Nagawa pa nga ni Shin na makapatay ng isang dragon kaso hindi naman niya nakita ang isa pang dragon na pumuntirya sa kanyang likuran, kaya natusok siya tapos nakahandusay narin siya sa lupa.
 
Napatumba naman ng mamamana ang isa pang dragon sa himpapawid kaya dalawang dragon nalang ang natitirang buhay. Samantala, nakapaghiganti pa ang isang dragon sa dalawang mamamana bago ito bumagsak at namatay sa lupa.
 
Kahit isang dragon nalang ang natitirang lumilipad sa himpapawid ay naiinis naman si Hert dahil namatayan na siya ng limang kasamahan sa laban, kung iisipin ay parang talo parin sila sa laban.
 
“Hert, ano bang kinatulala mo diyan?”pabiglang tanong ni Ox kay Hert.
 
“Ox, namatayan na tayo ng limang kasapi”sagot ni Hert.
 
“Hert, wala tayong magawa, laban kasi ang pinunta natin rito, hindi kasiyahan”sagot ni Ox.
 
“Ox, pareho lang kayo ni Aries na hindi marunong magpahalaga ng buhay ng tao”reklamo ni Hert na ikinainis ni Ox.
 
“Sobrang maalahanin ka na Hert! Kanina, yong makapangyarihan na dragon palang ang kalaban natin, parang itinapon muna ang buhay mo, handa ka ng mamatay nang hindi lumalaban! Tama ba iyon? Buti nalang tinulungan ka ni Aries, Hert! Kung pinapahalagahan mo ang buhay mo, sana hindi ka nag-isip nang bagay na iyon”paliwanag ni Ox na ikinatahimik ni Hert.
 
Hindi naman nakapagsalita si Hert dahil sa paliwanag ni Ox sa kanya. Kung tutuusin ay tama naman si Ox, kung marunong lang talaga siyang magpahalaga ng buhay ay hindi niya iniisip ang magpapatay sa dragon sa simula. Patuloy naman ang bangayan ng dalawa hanggang sinigawan sila ng mga kasamahan nila dahil sila ang pinuntirya ng dragon.
 
“Wag niyong kalimutan nama’y isa pang dragong natitira!”sigaw nila sa dalawa.
 
Mabilis namang pinatumba ni Ox ang dragon nang lumapit ito sa kanila gamit ang espada niya. Hindi naman naputol ang pagpapaliwanag ni Ox kay Hert habang pinatumba niya ang dragon.
 
“Hert! Sa laban dapat mabuhay pa ang malakas kaysa sa mahina dahil kung mahina ang mabubuhay ay walang silbi ang patutunguhan lalo na kung labanan ang pinag-uusapan”huling paliwanag ni Ox kay Hert.
 
Tulala parin si Hert kaya napagtanto rin niya sa sarili niya ang maling nagawa niya.
 
“Pasensya ka na Ox”pahingi ng tawad ni Hert.
 
Pagkatapos napatumba ang apat na dragon ay tinulungan nila ang lahat ng mga sugatan lalo na si Aries na sunog ang katawan at si Shin na may sugat sa likuran.
 
“Lahat ng mga sugatan ay dalhin niyo doon sa bakanteng lugar! Gagamutin natin sila”utos ni Ox sa mga kasamahan niya.
 
Ang limang namatay na kasamahan ni Hert ay inilibing niya sa isang payapang lugar.
 
“Marami kayong ginawa at pinatunayan niyo sa sarili niyo na kayo’y totoong mga dragon slayer, alam kong magiging masaya ang pamilya niyo kapag nalaman nilang binuwis niyo ang buhay niyo para sa kapayapaan”bigkas ni Hert sa libingan ng limang kasamahan niyang nasawi.
 
Matapos ang pagdadasal nila ay dahan-dahan naman nilang binuhat ang mga sugatan nilang kasamahan patungo sa mga karwahe para sila’y babalik na sa kampo. Nagpapasalamat naman silang lahat na nagawa pa nilang mapatumba ang mga dragon na nagsisidatingan.
 
“Siguro kung makapangyarihan na dragon siguro iyong umatake sa atin, baka ubos na tayong lahat”sabi ng isang kasamahan ni Hert.
 
“Syempre! Buti nalang mga ordinaryong dragon lang na kaya nina Sir Ox, Shin at Hert, tandaan mo wala na tayong Aries”sagot niya.
 
“Oo nga noh, wala na palang malay si Aries, mabuti’t may malalakas tayong mga lider”tugon nila.
 
Paulit-ulit naman silang bumabalik sa bundok dahil marami pa ang sugatan na kasamahan nila na mahihirapan na sa pagtayo.
 
Habang naglalakad si Hert pabalik sa bundok kasama ang isang kasapi niya sa pangkat ay may pinagtataka itong isang bagay, dahil siya ang unang nakakita sa mga dragon na biglang umatake sa kanila sa kweba ay parang may natatandaan siya sa mga dragon na iyon.
 
“Lider, naalala niyo po ang mga dragon na nagbigay ng mga pagkain sa makapangyarihang dragon?”palinaw niya kay Hert.
 
“Yong limang dragon ba ang tinutukoy mo?”sabi ni Hert.
 
“Opo, diba po sila po yong mga dragon na biglang umatake sa atin sa kweba?”tugon niya.
 
“Oo, sila yon! Bakit may problema ba sa mga dragong iyon?”tanong ni Hert.
 
“Nagtataka lang po kasi ako kung bakit apat lang na dragon ang kalaban natin doon, diba po lima sila, ikaw pa nga po ang nagsabi na limang dragon”tugon niya na ikinagulat ni Hert.
 
“Oo nga, kung apat lang na dragon ang nakalaban natin kanina, saan na ba iyong isa?”tanong ni Hert. “Wag mong sabihing-“pabiglang sabi ni Hert habang mabilis siyang tumakbo patungo sa bangkay ng namatay na makapangyarihang dragon.
 
Hindi naman makapaniwala si Hert sa nakita niya. Ang natitirang dragon pala ay abala sa pagbubuhay kay Astaroth.
 
“Huli na”bigkas niya habang dahan-dahang nabubuhay ang dragong pinatumba ni Aries na walang iba kundi si Astaroth. “HUMANDA KAYO SA PANGHULING PAGKAKATAON, HINDI PA NAGTATAPOS ANG LABAN!”sigaw ni Hert na ikinagulat ng mga kasamahan niya.
 
“Ano ang ibig mong sabihin Hert?”tanong ni Ox habang lumapit siya kay Hert.
 
Hindi naman nakapagsalita si Hert dahil tulala itong nakatingin sa isang direksyon, kaya tumingin naman si Ox para malaman din niya ang tinitingan ni Hert. Nagulat naman siya na may kasamang panginginig ng katawan nang makita niyang nabubuhay si Astaroth ang dragong pinatumba ni Aries.
 
“Totoo ba tong nakikita ko?”tanong ni Ox habang wala na siya sa kanyang sarili dahil sa takot.
 
“Ox, siguro dito na magtatapos ang buhay natin”bigkas ni Hert. “Kahit tatakas pa tayo ay mapapatay parin tayong lahat, tapos sugatan pa ang ibang kasamahan natin, at wala pang malay si Aries, hindi na tayo mabubuhay pa”tulalang paliwanag ni Hert.
 
Nabigla naman ang lahat nang makita nilang nabuhay pa si Astaroth, ang dragong pinatumba ni Aries. Ang iba pa nga’y nagdasal nalang na sana ito’y panaginip lang.
 
Patuloy ang kanilang pagkatulala kaya doon nalang silang nagkamalay nang biglang dumagundong ang makapangyarihang dragon sa himpapawid.
 
“Imposible, paano siya nabuhay?”tanong nila habang tumutulo na ang kanilang luha dahil sa takot na mamatay.
 
“Lider, ano pong gagawin natin?”tanong nilang lahat kay Hert.
 
Kahit wala sa isipan ni Hert ang labanan ang dragon pero wala naman siyang magawa dahil masasayang naman ang pagsasakripisyo na ginawa ng mga kasamahan niya para sa misyong iyon.
 
“Lalaban parin tayo!”sigaw ni Hert habang nanginginig na ang kanyang kamay habang hawak-hawak ang espada.
 
Muli namang umapoy ang kaliskis ng dragong si Astaroth.
 
[Sa sitwasyon nila ngayon, tatlongpu’t-isa(31) nalang sila dahil namatayan sila ng dalawang(2) mamamana at tatlong(3) swordsman. May sugatan naman silang pitong(7) mamamana at limang(5) swordsman, kasali na doon si Shin. Hindi naman makakalaban pa si Aries dahil sa natamo nitong sunog sa katawan niya. Kaya may siyam(9) nalang silang aktibong mamamana at may siyam(9) aktibong swordsman kasama na doon sina Ox at Hert.
 

Myself in Another World 2: The Half World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon