(Vol. 2) Chapter 14: Exitium, The Dual Dragon

95 18 4
                                    

Magtatatlong-araw na simula ang paglalakbay ni Aries at nang pangkat niya sa silangang bahagi ng pook papunta sa abandonadong siyudad. Habang malayo pa ang kanilang lalakbayin ay todo naman sila sa pagpapahinga at paghahanda sa kanilang mga kagamitang pandigma.
 
Ang mga mamana’y abala sa pagtutulis ng kanilang mga sima habang ang mga gagamit ng espada’y abala sa pagtutulis ng kanilang mga sandata. May mga panangga naman silang mga kasama na kung sakali biglang aatake agad ang makapangyarihang dragon.
 
“Ang sinabi sa akin ng heneral, sa abandonadong siyudad nagtatago ang dragong makakalaban natin! Kaya marami tayong kalakasan sa lugar marahil magagawa nating makatago kapag biglang aatake ang dragon”paliwanag ni Aries.
 
“Oo nga Aries, lamang nga tayo dahil makakatago tayo subalit magiging delikado naman dahil baka guguho ang gusaling matataguan natin”tugon ni Clark.
 
“Hindi naman tayo lagi sa loob ng gusali, pansamantala lang naman!”tugon ni Aries.
 
“Aries, wala ba tayong plano kung ano ang gagawin natin? Kanya-kanya lang tayo ng atake sa dragon?”tanong ni Joel habang siya’y nag-aalala.
 
“Magandang tanong Joel”puri ni Aries. “Ang gagawin natin ngayon ay hahati tayo sa iilang grupo, bawat grupo ay may panangga, mamana, gagamit ng espada at mahika”paliwanag ni Aries.
 
Marami namang sumang-ayon sa plano ni Aries dahil sa magtutulungan sila sa iisang grupo.
 
“Dalawangpu-t siyam tayo sa pangkat ngayon, may limang panangga, sampung mamana, siyam na gagamit ng espada at lima din sa pagamit ng mahika”tugon ni Aries.
 
Agad namang hinati ni Aries ang pangkat niya sa limang grupo na may titig-anim na miyembro at may isang lima lang na miyembro sa isang pangkat.
 
Kalaunan, nakarating naman sila sa paanan ng siyudad, tahimik at walang mga tao. Kinakalawang narin ang mga bakal na gate, mga bahay at ibang mga gusali. Malaki ang siyudad na kanilang pinasukan at nagulat pa nga ang iba dahil ngayon palang nila nakita ang pagkakagawa ng bahay.
 
“Bahay ba talaga ito?”palinaw nila habang nila’y namangha sa pagkakagawa.
 
Dahan-dahan naman silang naglakad papasuk pa ng abandonadong siyudad, pero kahit nakapasok na sila ay wala parin silang palatandaan na may dragong naninirahan doon.
 
“Lider! Malaki po ang siyudad na ito! Kung magtitipon lang tayo ay matatagalan tayong mahanap kung saan nananatili ang dragon”tugon ni Anchor, kanang kamay ni Aries.
 
“Sige, marahil naghati-hati naman tayo at alam niyo na kung sino ang mga kasama niyo, puntahan niyo ang mga kasamahan niyo”utos ni Aries.
 
*Unang pangkat: Anchor at Clark kasama ang apat pa nilang kasamahan, sa silangang bahagi sila ng siyudad.
 
*Panglawang pangkat: Prime at Joel kasama ang apat pa nilang kasamahan, sa kanlurang bahagi sila ng siyudad.
 
*Pangatlong pangkat: Dane at Jacob kasama ang apat pa nilang kasamahan, sa hilagang bahagi sila ng siyudad.
 
*Pang-apat na pangkat: Argon at Gurren, kasama ang apat pa nilang kasamahan, sa timog na bahagi sila ng siyudad.
 
*Panglimang pangkat: Aries at apat pa niyang kasamahan, sila’y nasa gitna ng siyudad, naghihintay at nagbabantay.
 
Kanya-kanya naman silang naglakad sa mga direksyong ibinigay ni Aries sa kanila. Wala pa naman silang mga palatandaan ng makapangyarihang dragon nang sila’y naglilibot sa siyudad.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa unang pangkat naman na pinangungunahan nina Anchor at Clark ay nagtataka naman sila dahil matagal na silang naglilibot tapos wala parin silang nahanap na dragon.
 
“Anchor, sa tingin mo umalis na yong dragon dito?”tanong ni Clark habang patuloy siyang naglalakad.
 
“Baka yan na nga Clark umalis na sila, kung nandito man yong dragon malalaman na sana natin dahil sa kaniyang presensya o ingay ng kapaligiran”tugon ni Anchor.
 
Habang nagpatuloy sa paglalakad ang grupo nina Clark at Anchor ay bigla silang may nakitang malalaking itlog. Hindi ordinaryong itlog na sa hayop man nanggaling kaya agad naman lumapit ang mga kasmahan nila upang mahawakan ang malaking itlog.
 
“Clark, Anchor, hawakan niyo ang mga itlog, ang iinit pa”tugon ng mga kasamahan nila.
 
“Dahan-dahan niyo lang hawakan ang mga itlog baka mabasag!”sigaw nila habang dahan-dahan silang lumapit.
 
Habang dahan-dahang lumalapit si Anchor sa mga itlog ay bigla namang pumasok sa isip niya ang mga malalaking itlog na nakita nila.
 
“Walang miisa sa hayop ang magkakaitlog nang ganyan, imposible naman”bulong ni Anchor habang siya’y nag-iisip. “Wag mong sabihin---  HOY UMALIS KAYO DIYAN! ITLOG YAN NG DRAGON!”pabiglang sigaw ni Anchor habang nakita niya sa mga mata niya ang pagdating ng isang malaking dragon.
 
Masuwerte namang nakapigil ang panangga nilang kasama sa pag-atake kaya pagkatapos nang pag-atake ay mabilis silang lumayo dahil nagbabantay ang dragong iyon sa kanyang mga itlog.
 
“Wag kayong lalapit sa dragong iyan! Babaeng dragon yan! Kung mananatili pa tayo rito ay darating din ang lalaking dragon”tugon ni Anchor.
 
“Anchor, ano na ang gagawin natin?”tanong ni Clark.
 
“Babalik tayo sa gitna sa grupo ng lider natin, hindi natin kaya ang dragon na iyan sa grupo natin”paliwanag ni Anchor.
 
Dahil sa plano ni Anchor ay dahan-dahan naman silang umaatras habang sila’y nakatitig sa babaeng dragon baka bigla itong aatake.
 
Samantala, ganoon din ang nangyari sa ibang pangkat may nakikita din silang mga itlog. Dahan-dahan naman silang bumabalik sa gitna upang isabi kay Aries ang nakita nila sa paglilibot nila.
 
Nang ibinalita nila kay Aries ang nakita nila ay nagulat din sila nang malaman din na may nakikita din silang itlog.
 
“May nakita din kayong itlog?”tanong nila sa isa’t-isa.
 
“Oo may itlog din sa silangang bahagi”tugon ni Anchor.
 
“Sa kanluran din mayroon ding itlog”tugon ni Prime.
 
Nalilito naman sila sa nangyayari sa siyudad kaya agad silang napatanong kay Aries kung ano ang sunod nilang gagawin.
 
“Lider, saan tayo mauuna?”tanong nila kay Aries.
 
“Hindi natin sila aatakehin”tugon ni Aries habang pinigilan niya ang mga kasamahan niya.
 
“Aries, kapag hindi natin sila aatakehin baka mapipisa na ang itlog, dahilan pa iyon para rumami ang mga dragon sa mundo”reklamo ni Dane.
 
“Oo nga Aries, ano ka ba? Ikaw pa naman sana ang lider natin! Dapat alam mo ang gagawin sa pangkat”reklamo ni Joel.
 
“Humanda kayo!”paalala ni Aries na ikinagulat ng mga kasamahan niya sa pabiglang paalala niya.
 
“Huh!? Humanda para saan?”tanong nila.
 
“Nasa himpapawid si Exitium, ang dual dragon na tinutukoy ko”paalala ni Aries.
 
Nang tumingala sila sa himpapawid ay doon nila nakita ang dalawang parehong dragon na lumilipad, parehong maiitim tapos mabilis rin itong bumababa para sila’y atakehin.
 
“Magtago na kayo!”sigaw nila habang mabilis silang pumasok sa mga bahay.
 
Naiwan naman sa labas si Aries habang ang mga kasamahan niya’y ligtas nang nakatago. Magkasabay namang bumaba si Exitium kasama ang replika niya kaya akala ng dragon ay mapapatay niya si Aries subalit mabilis siyang hinati si Aries sa dalawang parte na ikinamatay niya. Mapapatay na sana ni Aries ang isa pang replika kaso mabilis itong lumipad sa himpapawid tapos gumawa ulit ito ng replika.
 
Masaya pa nga ang mga kasamahan ni Aries na napatumba niya ang dragon pero nagulat sila nang makita sa himpapawid ang natitirang dragon na gumawa ulit ng replika.
 
“Imposible, yan pala ang kakayahan ng dragong iyan, hindi lang tayo mahihirapan, matatagalan din tayo”reklamo nila.
 
“Lumabas na kayo! Ihanda na ang mga grupo niyo”utos ni Aries.
 
Mabilis naman nilang sinunod ang utos ni Aries sa kanila kaya agad din nilang binuo ang pangkat nila. Sa bawat pangkat ay may-iisa silang panangga na magsisilbing depensa sa kanila.
 
“Panain niyo ang mga dragon”utos ni Aries sa mga mamana “Atakehin niyo ang mga dragon gamit ang mga mahika niyo”utos ni Aries sa mga salamangkero.
 
Di tulad ng nakalaban ni Aries na si Astaroth, ay natatablan din si Exitium ng mga pana o mahika kaya ilang ulit itong dumagundong dahil sa sakit.
 
“Atakehin niyo! Atakehin niyo! Atakehin niyo ang mga dragon”utos ni Aries habang siya’y nanggigigil na sa mga dragon. “Kung bababa lang kayong mga dragon! uubusin ko na talaga kayo”bulong ni Aries habang siya’y nakatingala sa dalawang dragon na lumilipad sa himpapawid.
 
Dahil sa patuloy na umaatake ang mga mamamana at mga salamangkero sa mga dragon ay hindi na nakayanan ng dragon ang pang-aatake sa kanila kaya sabay-sabay silang bumaba sa lupa upang maghiganti sa mga tao.
 
Nakalapit naman si Aries sa isang dragon kaya agad niya itong napatay subalit malayo naman kay Aries ang isa pang dragon at ang dragon ding iyon ay nagpasugat sa isang panangga nilang kasama.
 
Mahahabol na sana iyon ni Aries kaso mabilis din iyong lumipad sa himpapawid at gumawa ulit ng replika sa paglipas ng ilang minutong paglilipad.
 
“Sinusubukan talaga tayo ng dragong iyan!”bigkas ni Prime habang siya’y naiinis na.
 
“Kapag bumaba ulit ang mga dragon! ibuhus niyo ang mga lakas niyo, wala paring mapapala kung isang dragon lang ang mapapatumba natin”paalala ni Aries sa mga kasamahan niya. “Dapat magkasabay silang mapapatay para hindi na siya dadami”paliwanag ni Aries.
 
“Aries, nagtataka lang ako, bakit hindi niya kayang dumami hanggang sa apat o kahit tatlo lang?”tanong ni Jacob habang siya’y nalilito sa kakayahan ng dragon.
 
“Siguro Jacob, sa limitasyon ng kakayahan niya”sagot ni Dane.
 
“Kung dahil sa limitasyon ng kakayahan niya Dane, baka may limitasyon din kung ilang beses lang niyang magamit ang replika niya”teorya ni Jacob na ikinabigla ng lahat.
 
Napatingin naman si Aries kay Jacob dahil may punto naman ito sa sinabi niya.
 
“Susubukan natin Jacob”tugon ni Aries habang humanda ulit siya para atakehin ang dragon.
 
Sa tuwing bumababa si Exitium sa lupa para atakehin ang pangkat ni Aries ay paulit-ulit namang pinapatay ni Aries ang isang replika ng dragon. Paulit-ulit ginagawa ni Aries ang pagpapatay at makailang beses na niyang ginagawa ito. Nagagalit na nga ng todo ang dragon kay Aries dahil sa hindi nito mapigilang ang lakas ni Aries.
 
“Exitium, nagsisimula palang ako! Hindi mo kaya ang pangkat namin”bigkas ni Aries habang patuloy niyang pinapatay ang replika ni Exitium.
 
Wala namang ibang magagawa si Exitium maliban lang sa pagre-replika niya sa sarili niya. Hindi pa siya nakapatay ng mga tao o kahit paghihiganti ay hindi niya nagagawa, lagi lang napapatay ang isang replika niya tapos hinahamon pa siya ni Aries. Sa sobrang galit niya ay bigla siyang dumagundong nang malakas na may kasamang galit.
 
Nabigla naman ang mga kasamahan ni Aries sa pabiglang pagdagundong ni Exitium, hindi kasi ordinaryong dagundong lang ang narinig nila na kadalasan maririnig mo sa mga dragon.
 
“Aries, mukhang masama na ang pakiramdam ko sa dagundong na iyan”bigkas ni Gurren habang siya’y kinakabahan na.
 
“Humanda lang kayo! Kahit ako rin ay may masamang pakiramdam sa dagundong na iyan”bigkas ni Aries.
 
Agad naman nilang pinaghanda ang mga panangga nila habang sila’y nagmasid sa himpapawid. Tahimik pa noon ang paligid subalit nang maramdaman nila ang isang ingay na nanggagaling sa bawat direksyon ay nagulat nalang sila.
 
Biglang umatake nang sabay-sabay ang tatlong dragon sa bawat direksyon, at dahil sa sobrang bilis nang pagkaka-atake nila ay agad nasira ang pormasyon nang bawat pangkat ni Aries, ang iba’y napatumba nalang sa lupa at ang iba nama’y napatapon sa malayo.
 
“Umayos kayo!”sigaw ni Aries habang sinusubukan niyang mapatay ang tatlong dragon na umatake sa kanila.
 
Nahihirapan naman si Aries na maka-atake sa mga dragon dahil sa sobrang bilis na halos hindi na makita ng mga mata. Habang pinagmamasdan ni Aries ang mga kasamahan niya ay agad-agad silang napapatapon at minsan pa nga’y nasusugatan dahil sa mga pag-atake.
 
Nagalit naman sina Argon at Anchor kaya sabay-sabay nilang pinatumba ang isang babaeng dragon. Nagawa rin ni Aries na mapatay ang isang dragon, tapos ang natitirang dragon ay nagawa ring mapatumba sa pamamaraan nang pagpana at pagtama ng mga mahika.
 
“Salamat at tapos narin ang mga disturbo sa paligid”bigkas ni Argon habang siya’y guminhawa na nang maluwag.
 
“Kaya nating mapatumba ang makapangyarihan na dragon marahil may Aries tayong tutulong sa atin”tugon ni Dane.
 
“Dane, kapag paulit-ulit nalang natin tong ginagawa baka mauubusan na tayo ng lakas o enerhiya”paliwanag ni Joel na may punto naman sa sinabi.
 
“Tama si Joel, kung ang kalakasan natin sa laban ay ang lugar, ang kahinaan naman natin ay ang ating mga enerhiya, kung hindi mauubusan ng enerhiya ang dragon na kalaban natin baka aabutin tayo ng mga araw dito o baka isang linggo, o baka buwan kapag patuloy nalang nagrereplika ang dragon”paliwanag ni Aries.
 
“Lider! Ang natitirang gawin nalang natin ngayon ay pagsabayin na patumbahin ang dalawa”palinaw ni Prime.
 
“Sa simula, yan na ang plano natin Prime”tugon ni Aries. “Atakehin niyo ulit ang mga dragon!”utos ni Aries sa pangalawang pagkakataon.
 
Habang umiilag ang dragong si Exitium ay patuloy naman siyang nagmasid sa mga taong kalaban niya. Pinag-aaralan kasi niya ang mga kalaban niya. Matapos ang ilang minutong pagmamasid niya ay nalaman niya narin ang isa sa mga naging kahinaan ng pangkat ni Aries.
 

Napangiti nalang ang dragon dahil nakikita narin niya kung papaano niya tatalunin ang pangkat ni Aries.

Myself in Another World 2: The Half World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon