(Vol. 2) Chapter 17: Rescue

84 16 6
                                    

Mag-dadalawang araw na nang sinumulan ng heneral ang paglalakbay patungo sa karagatang paspiko. Hindi naman sila gaanong tumitigil sa paglalakbay dahil gusto nilang makapunta doon nang mabilis.
 
“Heneral, may konting tanong lang po ako sa inyo”pakiusap ni Gurren na kasama niya sa karwahe.
 
“Ano iyon?”tugon ng heneral.
 
“Hindi naman po tayo sigurado sa kalalabasan nang ating paglalakbay, kung magawa na nating malibot ang karagatang paspiko tapos hindi pa natin makikita si Aries, ano po ang sunod na gagawin natin?”tanong ni Gurren habang iniisip ang posibilidad.
 
“Kung hindi man natin makita si Aries sa karagatang paspiko, siguro hihinto na tayo sa paghahanap natin sa kanya, huling pagkakataon naman ito, nagpapahiwatig kasi na nakaabot na si Aries sa kalahating-mundo kapag hindi natin siya nahanap doon”paliwanag ng heneral.
 
“Heneral, natatakot po ako sa posibilidad na baka namata-“sabi ni Gurren kaso pinahinto siya ng heneral.
 
“Wag ka ngang magsalita ng ganyan, ang isipin mo na ayus lang si Aries at walang nangyaring masama sa kanya”tugon ng heneral.
 
Samantala, sa paglalakbay nila patungo sa karagatang paspiko ay kasama na nila si Yumi sa unang pagkakataon. Kusang-loob siyang sumama kahit na delikado ang gagawin nilang paglalakbay.
 
“Miss Yumi, maaari kang mapahamak kapag may dragon kaming nakalaban”paalala ni Argon.
 
“Argon, kaya ko na ang sarili ko at pareho naman tayong miyembro ng Slayer Faction diba”tugon ni Yumi.
 
“Pareho nga tayong miyembro ng Slayer Faction subalit magka-iba naman tayo ng trabaho, kami ay nasa labanan habang kayo nama’y nasa opisina”paliwanag ni Argon.
 
“Labanan o opisina, magkatulad lang iyon Argon, dahil ba sa babae ako kaya dinududahan mo na ang pagkatao ko, kaya kong humawak ng espada at ipagtanggol ang sarili ko Argon”paliwanag ni Yumi.
 
“Miss Yumi, sa hindi ko naman pinagduduhan ang pagkatao mo, hindi mo naman kailangan kasing sumama sa paglalakbay, marami namang mga dragon slayer dito”paliwanag ni Argon.
 
“Argon, naiinis na talaga ako sa iyo, gusto mo bang magduwelo tayo”pahamon ni Yumi na ikinabigla ni Argon.
 
“Oh sige na! hindi na kita iinisin pa Yumi, tatahimik na ako”tugon ni Argon.
 
Nagpatuloy naman ang kanilang paglalakbay hanggang sa unti-unti na nilang naramdaman ang lamig nang paligid kahit hindi pa sila nakakarating sa karagatang paspiko. Dahan-dahan naman nilang isinusuot ang mga makakapal nilang damit para malabanan nila ang lamig ng simoy ng hangin.
 
“Naku! Ang lamig na! hindi pa nga tayo nakakarating sa karagatang paspiko nanginginig na yong katawan ko”pabiglang sabi ni Jacob habang nanginginig ang kanyang katawan.
 
“Sinabi mo pa Jacob, kung ganito kalamig ang nilakad ni Aries, siguradong hindi siya makakarating sa kalahating-mundo, akalain mo tanghali pa ngayon tapos ang lamig na”bigkas ni Joel.
 
“Init nga, kayang natiis ni Aries, lamig pa kaya”sabi ni Clark.
 
“Minamaliit mo lang ang lamig Clark, hindi mo naisip na mas delikado pa ang lamig kaysa sa init, isipin mo kung sa apoy ka mamamatay ay konting tiis lang ay mamamatay ka na, kaya hindi ka na makakaramdam ng sakit pero yong yelo o mukhang mapapaiyak ka talaga sa sakit na parang tinuturture ka”paliwanag ni Jacob.
 
Habang sila’y nag-usap-usap ay agad namang sinigurado ng heneral ang pagpapatuloy nila sa paglalakbay dahil alam na kasi niya na malapit na sila sa paanan ng karagatan.
 
“Alam niyo na malapit na tayo sa karagatan ng paspiko, sinisigurado ko lang kung magpapatuloy pa ba kayo sa paglalakbay, kapag nagsimula na tayong makapasok sa karagatan ay wala nang uwian, tatanungin ko kayong lahat! Patuloy pa ba kayo?”paalala ng heneral na may pasigaw na tanong sa huli.
 
“Patuloy pa po kami heneral!”sigaw nilang lahat.
 
Agad namang ngumiti ang heneral nang marinig niya ang malakas na pagsigaw ng mga kasamahan niya. “Yan ang gusto kong marinig sa inyo”bulong ng heneral.
 
Nagpatuloy naman sila sa paglalakbay hanggang sa dahan-dahan na nilang nakikita ang pagyeyelo ng lupa. Lalo na ding lumalamig ang temperatura nang sila’y nagpatuloy pa. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating narin sila sa paanan ng karagatan na kung saa’y nagyeyelo na ang mga tubig.

 Makalipas ang ilang minuto ay nakarating narin sila sa paanan ng karagatan na kung saa’y nagyeyelo na ang mga tubig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Myself in Another World 2: The Half World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon