(Vol. 1) Chapter 12: The Return of Aries

89 21 6
                                    

Habang lumilipas ang mga araw ay lalo namang pinaghahanda ni Aries ang katawan niya dahil matagal-tagal na siyang hindi nakakapag-ensayo. Mga ilang araw nalang din ay makakabalik narin sila sa kampo ni Yumi.
 
Ang tindi na ng pagsasanay ni Aries dahil gusto na niyang ipunin ang mga lakas niya para sa susunod sa laban kung makakaharap ulit siya ng makapangyarihan na dragon. Ilang ulit na niyang hinahampas ang espada niya at maghapon na nga niyang ginagawa iyon, tuwing almusal, tanghalian at hapunan lang ang pagpapahinga ni Aries.
 
Napamangha naman ng lalo si Yumi kasama na ang mga magulang niya kay Aries dahil sa walang tigil sa pagsasanay.
 
“Hindi ko inaakala na malakas pala ang taong iyan”sabi ng tatay ni Yumi sa kanya.
 
“Sinabi mo pa! Kaya nga si Aries na iyan eh! ang sugat na nakuha niya ay mula sa makapangyarihang dragon na nakalaban nila”paliwanag ni Yumi.
 
 “Kaya pala! Akala ko sa aksidente iyon, dahil pala sa dragon iyon”pabiglang bigkas ng nanay niya.
 
“Para sa akin, hindi ordinaryong tao si Aries, may kakayahan siya na hihigit pa sa ordinaryong tao, hindi ko alam at hindi ko rin maipaliwanag kung bakit, basta kasinglakas na siya ng mga dragong umaatake sa mundo natin”paseryusong paliwanag ni Yumi.
 
“May tao pa palang ganyan sa mundo!”sabi ng nanay niya habang patuloy na pinagmamasdan si Aries.
 
Kalaunan, maaga namang gumising si Yumi para makapangligo na at makabihis na nang maaga, gusto kasi niyang lumabas kasama si Aries sa huling pagkakataon.
 
“Bukas babalik na kami ng kampo kaya habang nandito pa kami sa bayan ay ilaan muna ang natitirang araw namin dito para sa kasiyahan”bulong ni Yumi.
 
Mahimbing pa naman ang tulog ni Aries nang pumasok si Yumi sa kwarto nito. Tinititigan naman ni Yumi si Aries kaya nagulat nalang bigla si Aries nang maidilat niya ang mata niya at nakita niya ang mukha ni Yumi.
 
“Ano ka ba naman Yumi!? magpaalala ka naman kung nandito ka sa kwarto”reklamo ni Aries.
 
“Nagulat ka ba Aries?”patawang tanong ni Yumi.
 
“Akala ko kamatayan na ang nakatitig sa akin, ikaw lang naman pala”pabirong sagot ni Aries.
 
“Kamatayan na talaga ang tingin mo sa akin Aries”reklamo ni Yumi.
 
“Oh sige hindi na!”tugon ni Aries habang bumangon siya sa hinihigaan niya. “Alam ko Yumi na may pakay ka sa akin”sabi ni Aries.
 
“Aries, mamasyal ulit tayo sa huling pagkakataon”paanya ni Yumi sa kanya.
 
“Mamasyal ulit?”palinaw ni Aries.
 
“Oo Aries, bukas babalik na kasi tayo sa kampo, kaya alam kong hindi na ulit tayo magkikita dahil maglalakbay ka ulit sa labas ng pook”paliwanag ni Yumi.
 
“Ano naman kung hindi tayo magkikita? Yumi, ang tindi na nagpakakaalalahanin mo, hindi naman tayo magkapatid o magkapamilya pero ang pag-aalala mo sa akin ay umaapaw na, daig mo pa ang mga magulang ko”pabirong paliwanag ni Aries.
 
Tumahimik naman bigla si Yumi dahil parang nahiya siya sa sinabi ni Aries. Kaya nang malaman ni Aries ang nararamdaman ni Yumi sa kanya ay agad rin siyang humingi ng pasensya kay Yumi.
 
“Oo na Yumi, pasensya ka na sa sinabi ko, alam kong maaalahanin ka lang talaga”pahingi ng tawad ni Aries. “Maghintay ka doon sa labas, magbibihis muna ako”sabi ni Aries.
 
 Makaraan ang ilang minuto ay nakapagbihis narin si Aries kaya nang makita siya ni Yumi na pababa ng hagdan ay hindi napigilan ni Yumi ang maluha dahil nakita kasi niya kay Aries si Allen.
 
Nagulat naman si Aries nang makita niyang napaluha bigla si Yumi.
 
“Anong problema Yumi bakit napaiyak ka?”tanong ni Aries.
 
“Wala ito Aries, alikabok lang ito na dumampi sa mata ko”sagot ni Yumi. “Tara, pumunta muna tayo sa pasyalan, alam kong maraming mga batang naglalaro doon”paanya ni Yumi.
 
Naglakad-lakad naman sina Aries at Yumi sa buong pasyalan habang pinagmamasdan nila ang magagandang paligid at mga batang nagsisitakbuhan. Hindi naman mawala sa titig ni Yumi ang mga batang naglalaro dahil naalala kasi niya ang mga panahong kasama pa niya ang mga kaibigan niya na masayang naglalaro, minsa’y nagtatampuhan at darating si Allen upang siya’y protektahan.
 
“Ang sarap maging bata ulit”pabiglang bigkas ni Yumi.
 
Napatitig naman bigla si Aries kay Yumi dahil sa sinabi nito.
 
“Gusto mo talagang ibalik ang panahon na lagi kang pinagagalitan ng magulang mo”sabi ni Aries.
 
“Kahit ano pa ang nangyari sa kabataan ko Aries, magiging masaya parin ako”tugon ni Yumi.
 
Inikot nila ang buong pasyalan, kumain sila ng mga masasarap na pagkain at minsan ay nakikipaglaro sila sa mga bata na para rin silang mga bata, na nagtatakbuhan, naghahabulan at higit sa lahat ay nagtatawanan.
 
Matapos ang ilang minuto nilang paglalaro sa mga bata ay nagpahinga naman silang dalawa sa damuhan habang nakaharap sila sa magandang burol na may sariwang hangin.
 
“Haa! Nakakapagod! Matagal-tagal na kasi akong hindi nakakatakbo!”sigaw ni Yumi habang siya’y hingal na hingal na.
 
Seryuso namang nakatitig si Aries sa magandang burol.
 
“Aries, ang ganda diba ng mga burol dito”tugon ni Yumi.
 
“Oo nga Yumi, hindi ko nga maibaling ang tingin ko eh”sagot ni Aries.
 
Habang patuloy na pinagmamasdan ni Aries ang mga burol ay bigla naman siyang tinanong ni Yumi tungkol sa narinig niya kay Aries noong unang gabi palang niya sa bahay.
 
“Aries, sino ba sina Aria at Mellia?”pabiglang tanong ni Yumi na ikinagulat ni Aries.
 
“Yumi, saan mo ba narinig ang mga salitang iyan?”tanong ni Aries kay Yumi.
 
“Pasensya ka na Aries, pero nalaman ko kasi noong panahong natutulog ka, Aries maaari ko bang malaman kung sino sila”paliwanag ni Yumi na may pakiusap sa huli.
 
“Yumi, sila ang pamilya ko, matagal ko na silang kinalimutan kaso pinaalahanan mo ako”sagot ni Aries.
 
“Aries, wag naman ganoon, wag mo silang kalimutan di ba pamilya mo sila? dapat lagi mo silang inaalala”paalala ni Yumi.
 
“Yumi, asawa ko si Mellia at matagal na siyang patay dahil sa dragon, samantalang si Aria nama’y anak ko, sanggol palang siya kaya ipinalaki ko siya sa ibang tao, ayaw ko kasing isama siya sa paglalakbay ko, ngayon alam mo na Yumi ang buhay ko”paliwanag ni Aries.
 
Hindi naman makapaniwala si Yumi sa pinaliwanag ni Aries, akala kasi niya’y wala pang asawa si Aries kaya ang paghahanga niya kay Aries ay unti-unti namang nawawala.
 
“Pasensya ka na Yumi, alam kong hindi mo hindi mo na nagugustuhan ang pagkatao ko, kaya Yumi wag mo na akong aalahanin”pakiusap ni Aries kay Yumi.
 
Imbes na mandiri siya sa pagkatao ni Aries ay tinanggap parin niya nang buong-buo si Aries, dahil sa bigla siyang yumakap kay Aries ay  nagulat naman si Aries.
 
“Hindi mo naman kailangan kalimutan ang pamilya mo para lang sa mga tungkulin mo Aries, alam ko ang nararamdaman mo Aries nang mamatayan ka ng malapit sa buhay mo, alam kong malungkot ka rin, kaya wag mong isipin na wala ng nag-aalala sa iyo o nagmamahal sa iyo, narito pa ako Aries na handang tumanggap sa iyo”bigkas ni Yumi habang mahigpit ang pagkakayakap niya kay Aries.
 
Dahil sa yakap na iyon ay naging masigla ulit ang buhay ni Aries.
 
Matapos ang buong araw na pamamasyal nila ay umuwi na silang dalawa sa bahay na parang wala lang nangyari sa kanilang dalawa. Naghapunan sila kasama ang mga magulang ni Yumi, naghanda sa kanilang mga gamit at maagang nagpahinga dahil bukas babalik na sila sa kampo.
 
Kalaunan, dumating naman ang karwahe na magsusundo sa kanila pabalik ng kampo. Sumakay naman silang dalawa habang ang mga magulang ni Yumi ay kumakaway sa kanila.
 
“Mag-ingat kayo!”sigaw ng nanay ni Yumi sa kanila.
 
“Aries, bumalik ka ulit rito”sigaw ng tatay ni Yumi kay Aries.
 
Habang nasa kalagitnaan na ng paglalakbay sina Aries at Yumi ay bigla namang nagpapaalala si Yumi sa kay Aries.
 
“Aries, wag mo ulit ipahamak ang sarili mo ah! Alam mo ng may nag-aalala na sa iyong tao”paalala ni Yumi kay Aries.
 
“Oh sige na Yumi! hindi na mauulit!”sagot ni Aries habang siya’y naiirita na.
 
“Miss Yumi! Miss Yumi ulit ang itawag mo sa akin, kapag nasa kampo tayo dapat maging pormal ka sa akin, tandaan mo mas malaki ang antas ko sa iyo kaya gumamit ka ng Miss”patawang paliwanag ni Yumi.
 
“Hindi mo na yon pinalampas Yu- Miss Yumi”sagot ni Aries.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala doon sa kampo, may limang tao namang mga baguhan ay nagsiga-siga doon, sila sina Jacob, Clark, Joel, Gurren at Dane. Silang lima ay parehong mga baguhang tagapaglakbay pero kahit iilang araw pa silang nanatili doon sa kampo ay parang kung sino na sila kung umasta.
 
Wala namang halos humaharap sa kanila kahit na ang heneral dahil sa matigisin ang ulo at basagulero pa.
 
“Ang tagal pa nating makapaglakbay! Kailan pa kaya darating ang ating lider?”reklamo ni Jacob habang siya’y naiirita na.
 
“Sawang-sawa na ako rito! Gusto ko ng makipaglaban sa mga dragon!”reklamo ni Clark.
 
“Sana, naging tagabantay nalang tayo baka sa ngayon ay nakikipaglaban na tayo sa mga dragon”reklamo ni Joel.
 
“Ano ka ba Joel, kaya nga tagapaglakbay ang pinili natin dahil alam nating mas delikado, diba yan naman ang trabaho natin, lagi nating nilalagay sa alanganin ang buhay natin”paliwanag ni Gurren.
 
“Tumahimik ka nga Joel wag ka ng magreklamo pa, kung gusto mong maging tagabantay, umalis ka dito”paistriktong tugon ni Dane.
 
“Nagsasabi lang naman ako Dane, wag mo namang seryusuhin”pahingi ng pasensya ni Joel.
 
“Nag-aalala lang ako kung sino ang magiging lider natin! Sabi kasi ng heneral sa atin ay makakabalik rin siya sa lalong madaling panahon, bakit wala pa ang lider natin? Mag-lilimang-araw na tayong nandito tapos wala paring tayong nagagawa”reklamo ni Clark.
 
“Clark, wag ka namang mainip, darating naman ang lider natin eh! kapag lalo tayong hinihintay ay lalo akong nasisiyahan kung sinong magiging lider natin! Gusto ko na siyang subukan kung bagay ba siya na maging lider sa pangkat natin”paliwanag ni Dane habang may masama siyang ngiti.
 
Samantala, nakarating naman sina Aries at Yumi sa kampo kaya agad silang sinalubong ng heneral.
 
“Aries, kamusta na ang kalagayan mo?”tanong ng heneral kay Aries na may pag-alala sa kanya.
 
“Heneral, matagal na pong maayus ang kalagayan ko, kaya wag niyo na akong aalahanin”bigkas ni Aries.
 
“Ganoon ba, alam ko Aries na yan ang sasabihin mo”patawa ng heneral. “Aries, pumunta na tayo sa opisina ko, may pag-uusapan tayong mahahalagang bagay”tugon ng heneral kay Aries habang sila’y dahan-dahang umaalis.
 
Agad namang sinundan ni Aries ang heneral.
 
“Yumi, bumalik ka muna sa opisina mo, maraming mga baguhan ang naghihintay sa iyo doon”tugon ng heneral.
 
“Masusunod po heneral”sagot ni Yumi habang umalis siya papunta sa kanyang opisina.
 
Samantala sa opisina ng heneral kung saan ay naroon si Aries at tatlo pang mga tagapaglakbay na magiging kasama ni Aries sa pangkat. May papel namang ipinakita ang heneral kay Aries, naglalaman ang papel na iyon ng mga impormasyon ng mga dragon.
 
“Aries, ang nakikita mo sa papel ay ang mga Holy Dragons, base sa impormasyon ay pito ang makapangyarihang dragon na umatake ngayon sa mundo natin”paliwanag ng heneral kay Aries.
 
Nagulat naman bigla si Aries nang makita niya ang isang dragon na kilalang-kilala niya at matagal na niyang pinatumba, ang dragong tinutukoy ni Aries ay walang iba kundi si Ourovoros.
 
“Itong dragon na si Ourovoros ay matagal ko ng pinatumba”tugon ni Aries na ikinagulat ng heneral at tatlong tagapaglakbay na naroon sa opisina.
 
“Sigurado ka ba Aries?”palinaw ng heneral kay Aries.
 
“Opo, tugma po ang abilidad ng dragon na iyan sa nakalaban ko, isa siyang Electric Dragon”paliwanag ni Aries.
 
“Mabuti naman Aries! Tapos si Astaroth ang Fire Dragon ay pinatumba na ninyo, kaya ang natitira nalang na Holy Dragons ay lima nalang sina Exitium, Cyaegha, Tempest, Xodus at Ouverture, kahit wala pang lokasyon kung saan nagtatago ang ibang mga dragon, may nakahanap naman sa isang dragon”paliwang ng heneral kay Aries habang itinuro niya sa papel ang dragong si Exitium. “Aries, siya ang dragong si Exitium, ang abilidad ng dragong iyan ay Dual Dragon, kaya niyang gumawa ng replika ng sarili niya, kaya mahihirapan kayo sa laban”paliwanag ng Heneral.
 
“Heneral, sino bang makakasama ko?”tanong ni Aries.
 
“Aries, makakasama mo sina Argon, Anchor at si Prime na nasa likuran mo ngayon, silang tatlo ang magiging kanang kamay mo Aries at may iba ka pang makakasama hindi lang silang tatlo, mamaya makikilala mo sila”tugon ng heneral.
 
“Ano ibig niyo pong sabihin heneral, hindi na po ako kasama sa pangkat ni Hert o ni Shin?”palinaw ni Aries.
 
“Aries, ikaw na ang lider ngayon ng bagong pangkat, kaya hindi mo na kailangan sumama pa kina Hert at Shin, may paglalakbay naman sina Hert at Shin ngayon, kaya habang wala pa sila ay ikaw ang itatalaga ko sa misyong ito”paliwanag ng heneral.
 
“Kung yan man ang kautusan mo sa akin heneral, malugud ko po iyang tinatanggap”bigkas ni Aries habang tinanggap niya ang desisyon ng heneral.
 
Pagkatapos, agad namang nagpakilala sina Argon, Anchor at Prime kay Aries.
 
“Lider, ako nga pala si Argon”pakilala ni Argon. “tapos Lider, sila po sina Anchor at Prime, dati po kaming mga bandido, pero nang malaman po namin ang tungkol sa Slayer Faction, iniwanan nalang po namin ang pagiging bandido namin at sumali po dito sa Slayer Faction”paliwanag ni Argon.
 
“Sige mabuti naman kung ganoon, mag-ensayo kayo habang may natitira pa kayong oras dito o magpahinga, kayo na ang bahala, pupuntahan ko muna ang mga bagong kasamahan ko”tugon ni Aries.
 
“Lider, mag-ingat po kayo, ang mga miyembro niyo po ay mga siga dito sa kampo, mga matatigasin ang ulo”paalala ni Anchor.
 
“Mga matitigasin ang ulo? Mabuti naman, gusto ko yan sa isang tao, dahil simbolo kasi yan ng matibay at malakas na tao”bigkas ni Aries.
 

Nang pumunta si Aries sa magiging pangkat niya ay doon nakita niya ang mga sigang miyembro niya na sina Jacob, Clark, Joel, Gurren at Dane.

Myself in Another World 2: The Half World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon