Dahil sa inutos ng heneral sa kanila ay agad nilang hinanda ang kanilang mga sandata, wala na kasi silang natitirang paraan para mabuhay kundi ang labanan ang makapangyarihang dragon. Nang pumuntirya na ang mga mamamana at salamangkero ay nahirapan naman sila dahil biglang dumilim ang paligid marahil hindi nila makita ang dragon.
“Ang dilim ng paligid!”reklamo ng mga mamamana.
“Hindi lang madilim, malamig din”sabi ng iba.
Habang abala ang iba nilang kasamahan sa dragon ay abala naman din sina Argon, Prime, Anchor sa paggawa ng mga daanan para makatawid sila sa bitak ng yelo. Sa tuwing dumadundong ang dragon ay agad lumalaki ang bitak at dahilan iyon sa hindi nila pag-alis.
May mga materyales naman silang mga dala tulad ng mga kahoy upang pangtawid ng mga karwahe.
“Maglaan muna kayo ng ilang minuto diyan sa dragon! gagawa pa kami ng tawiran ng mga karwahe!”sigaw nila sa iba nilang kasamahan.
“Bilisan niyo lang! hindi namin kaya ang dragon nang kami-kami lang”reklamo ng mga mamamana at mga salamangkero.
Nakahanda naman ang mga taga-panangga kung sakaling aatake ang dragon, sa ngayon ay dumepensa naman sila sa mga kasamahan nilang mamamana at salamangkero. Ilang minuto na silang nagmamasid sa paligid nila subalit hindi parin nila nakita ang dragon dahil sa dilim.
Unti-unti namang nagagawa ang pansamantalang tawiran hanggang sa natapos na ito. Agad naman nilang ginabayan ang mga kabayo nila sa pagtawid para hindi ito mahulog sa bitak ng yelo.
“Dahan-dahan niyo lang itawid ang mga kabayo!”paalala ng heneral na nagbabantay sa mga kasamahan niya.
Habang nasa kalagitnaan ng tawiran ang walong karwahe ay agad nilang narinig ang pagdagundong ulit ng dragon.
“Dumagundong ulit ang dragon! bilisan niyong tumawid diyan!”sigaw ng heneral.
Dahil sa pagdagundong ng dragon ay agad nagkaroon ulit ng malakas na pagyanig ng yelo kaya ang bitak-bitak na yelong tinawiran nila ay agad lumaki at lumalim. Kinabahan naman si Argon sa pagtawid sapagkat naroon sa loob ng kanyang karwahe si Yumi na yakap-yakap si Aries.
“Kung mahuhulog ang karwahe namin dito sa malalim na bitak, siguradong mamamatay sila”bulong ni Argon.
Agad naman binilisan ni Argon ang pagtakbo ng kabayo, akala nga niya’y hindi siya makakatawid sa kabilang parte subalit nagawa niyang itong maitawid ng ligtas. Pinagmasdan naman niya ang ibang kasamahan niya na tumatawid pa, nagdadasal pa nga siya na sana’y makatawid sila ng ligtas subalit may isang karwahe ang hindi nakaligtas.
Dahil sa paghulog ng karwahe ay pitong karwahe nalang ang mayroon sila ngayon tapos namatayan din sila ng isang kasamahan dahil nahulog ito.
“Hali na kayo! Tumawid na kayo sa isang tawiran!”sigaw ni Argon sa naiwang kasamahan niya.
Nang tumingin si Argon ay nagulat nalang siya nang makita niyang namatayan sila ng apat pang kasama at unti-unti pang pinapatay ang mga kasamahan niya hanggang sa tatlungpu nalang silang natitira na noo’y apat-napu’t dalawa sila.
“Pumunta na kayo dito!”sigaw ni Argon sa mga kasamahan niya habang tumutulo na ang kanyang luha dahil sa takot na baka maubos sila.
Samantala, may nakatawid namang iilang sa mga tawiran na ginawa nina Argon at iba panilang kasamahan samantala ang iba nama’y nagpaiwan doon para atakehin ang dragon.
“Argon, sumakay ka na! kailangan na nating umalis dito”sigaw nila kay Argon habang nakatulala siya sa iba nilang kasamahan.
“Sila? iiwan lang ba natin sila dito?”tanong ni Argon habang nakaturo sa ibang kasamahan niya.
“Argon, wala na tayong magagawa, yan na ang huling misyon nila sa pagiging dragon slayer”paliwanag nila kay Argon.
“Pero-“reklamo ni Argon.
“Yan na ang utos ng heneral Argon, wag ka ng magreklamo pa”tugon nila.
Agad naman silang nakaalis habang nagsakripisyo ang pitong mga kasamahan nila. Sa ngayon ay dalawangpu’t-tatlo nalang sila na nakaalis. Nakalayo-layo naman sila sa makapangyarihang dragon, pero kahit nakaligtas na sila ay hindi parin mawala sa isip nila ang nangyaring bangungut.
Umiiyak naman ang iba habang sila’y nakatulala sa direksyon na inalisan nila.
“Ang mga kasamahan ko! Mga kaibigan ko! Wala na sila, sana sumama nalang ko sa kanila para sabay-sabay na kaming mamamatay”bigkas ng isang lalaki habang siya’y patuloy na umiiyak.
“Hindi naman sila nagsisisi sa kanilang ginawang pagsakripisyo, pinili lang naman nila iyon para mabuhay tayo”sabi ni Shin habang pinapakalma niya ang isang kasamahan niyang umiiyak.
“Kung hindi lang sana ako naging duwag ay hindi ko na sila maiiwanan pa”tugon ng lalaki.
Hindi naman nakapagsalita si Shin dahil sa naramdaman din niya ang nararamdaman ng kasamahan niya.
“Kahit ako rin ay matatawag mo rin na isang duwag”bigkas ni Shin.
Dalawangpung minuto na ang lumipas habang ang mga kabayo nila’y napapagod na. Nabigla naman sila dahil sa pabiglang paghinto ng mga kabayo nila.
“Ano bang problema ba’t napahinto tayo?”tanong ng heneral.
“Heneral yong mga kabayo po natin! Napapagod na po, kailangan na po nilang magpahinga”paliwanag nila.
“Ano? Kung mananatili tayo dito ay baka mahabol tayo ng dragon, hindi pa tayo gaanong nakakalayo sa dragon”reklamo ng heneral.
“Alam ko naman po ang bagay na iyan heneral, pero wala naman po tayong magagawa, hindi na nga kumikilos yong mga kabayo natin dahil sa lamig na po din”paliwanag niya.
“Sige, simula ngayon ay maglakad nalang tayong lahat”utos ng heneral habang siya’y bumaba sa karwahe.
May natitira pa namang enerhiya ang kabayo sa paglalakad kaya lahat sila’y naglakad patungo sa lupa. Kahit na alam nilang delikado pa ang sitwasyon nila dahil may pagkakataon pa na mahabol sila ng dragon ay naglakad lang sila na parang wala lang nangyari.
Lumalakas naman ang niyebe nang sila’y naglakad kaya tiniis lang nila ang lamig ng kanilang katawan. Mga ilang minuto na silang naglalakad tapos dahan-dahan na silang napapagod.
“Magpahinga muna tayo sa lugar na ito, habang mahina pa ang niyebe”utos ng heneral habang pumuwesto sila sa isang dapitan.
Binalotan naman nila ang mga kabayo nila ng mga makakapal na kasuotan para makatulog ito ng maayus. Kung tutuusin ay kailangan talaga nila ang mga kabayo para sila’y makaalis na. Sa ngayon ay nagpapahinga naman ang iba habang ang iba naman ay nagbabantay sa paligid.
Dalawa sa nagbabantay doon sina Hert at Shin.
“Hert, hindi ka ba nagsisisi sa ginawa natin ngayon?”tanong ni Shin.
“Anong pagsisisi ba ang tinutukoy mo?”palinaw ni Hert.
“Ang pagkuha kay Aries”tugon ni Shin.
“Ang ibig mo bang sabihin, tinatanong mo ako kung nagsisisi ba ako sa ginawa nating paghahanap natin sa kanya na ikinasawi ng iba nating kasamahan”sabi ni Hert. “Shin, sa totoo lang ay may pagsisisi naman ako subalit ang ginagawa naman natin ay pagkuha kay Aries, kung ang kamatayan ma’y parte ng buhay natin ay hindi na ako mag-aalala pa dahil natututu na ako”paliwanag ni Hert.
“Nagbago ka na talaga Hert! Noon lagi ka lang nag-aalala”sabi ni Shin.
“May ugali talaga akong maaalahanin, yong mga magulang ko kasi ay maaalahanin din, kaya doon ako nagmana sa kanila”paliwanag ni Hert. “Shin, tatanungin kita! Di ba may pamilya ka”sabi ni Hert.
“Namatay na silang lahat Hert! Mga magulang ko at lahat ng kapatid ko at tanging ako nalang ang natira”kwento ni Shin.
“Ikinalulungkot ang nangyari sa pamilya mo Shin”pakikiramay ni Hert. “Shin, hindi ko inaakalang naging matibay kaparin hanggang ngayon”puri ni Hert.
“Nasanay na ako Hert”tugon ni Shin habang siya’y nakatingin sa mga ulap.
Samantala, mapayapa naman ang paligid at wala naman silang nakikitang dragon o naririnig na ingay mula sa dragon. Itinalaga naman sina Clark at Joel na magbantay sa paligid dahil natutulog pa kasi ang mga kasamahan nila sa loob ng karwahe.
“Joel, hindi ka nagiginawan dito sa labas?”palinaw ni Clark.
“Hindi naman masyado Clark, ba’t mo naitanong”sabi ni Joel.
“Wala lang, kanina ko pa kasi nakikita yong kamay mo na nanginginig”patawa ni Clark.
“Sa katunayan lang Clark, sobrang ginaw ko na talaga rito sa labas”seryusong sabi ni Joel.
Habang masayang nag-uusap sina Clark at Joel, hindi naman nila namalayan na pinagmamasdan na pala sila ng makapangyarihang dragon na si Cyaegha. Iihi lang sana sa malayo si Clark subalit ang paglayo niya sa mga kasamahan niya ay magiging huli na pala niya.
Kitang-kita sa mga mata ni Joel kung papaano pinugutan ng ulo si Clark ng dragon. Hindi naman agad siya nakagsigaw dahil sa tulala.
“Dra- dra-on”pautal-utal na sigaw niya.
Nang dumagondong ang dragon ng sobrang lakas ay doon na nagising ang mga kasamahan ni Joel. Tatakbo pa sana si Joel kaso agad siyang tinangay ng dragon sa himpapawid tapos ibinagsak din siya nang malakas na sanhi nang pagkamatay niya.
Nagulat nalang lahat lalo na sina Gurren, Jacob at Dane nang makitang patay na ang dalawa nilang kaibigan. Dahil sa galit ni Jacob sa dragon ay agad niyang binunot ang espada niya at mabilis na inatake ng dragon.
“JACOB!! Umatras ka!”sigaw ni Dane na parang nauubusan na siya ng boses dahil sa malakas na pagsigaw.
Nagawa pa sanang maitaob ni Jacob ang kanyang espada sa tiyan ng dragon subalit agad naman siyang namatay dahil sa pagyelo at pagbasag ng katawan niya.
Mabilis namang nakaatake ang natitirang mamamana at salamangkero na kasama nila. May natitira pa naman silang kakaunting taga-panangga na siyang humaharang sa pagbuga ng yelo ng dragon.
“Yong mga kabayo! Ihanda niyo na! kailangan na nating umalis!”sigaw ng heneral.
“Heneral, hindi pa po handa ang mga kabayo natin! Kulang pa po sila ng mga pahinga”reklamo nila sa heneral.
“Pilitin niyo!”sigaw ng heneral habang pinapadali niya ito.
Samantala, sa limang kasamahan ni Aries sa pangkat niya, tanging sina Dane at Gurren nalang ang natitirang buhay, pareho na kasing patay sina Joel, Clark at Jacob. May plano sanang aatakehin ni Dane ang dragon ng pisikalan subalit pinigilan siya ni Gurren.
“Dane! Wala na ang ibang kaibigan natin! Tapos dadagdag ka pa”tugon ni Gurren.
“Ano bang gagawin ko dito Gurren? Maghihintay lang ng himala na mabuhay tayo”reklamo ni Dane habang siya’y nagagalit na.
“May natitira pa naman tayong mamama at salamangkero, sapat na iyon para pigilan muna ang dragon”paliwanag ni Gurren.
“Pigilan? Hindi ba natin patutumbahin ang dragon”reklamo ni Dane.
Agad namang sinuntok ni Gurren si Dane sa mukha. “Papatumbahin? Nababaliw ka na ba? Dahan-dahan na nga tayong nauubos dito! tapos gusto mo pang patumbahin ang dragon, Dane ang makaalis lang dito sa lugar na ito ay sapat na!”paliwanag ni Gurren.
Mabilis namang lumapit sina Argon, Prime, Anchor at Hert kina Gurren at Dane para pigilan ang dalawa sa pag-aaway.
“Ano ba kayo? Nasa kalagitnaan na nga tayo ng paglalaban, tapos maglalaban pa kayo diyan!”sigaw ni Hert.
Tumayo naman sina Gurren at Dane na parang wala lang nangyari sa kanila.
“Pasensya na”pahingi ng pasensya nina Gurren at Dane.
Samantala, habang hinahanda pa ng iba ang mga kabayo ay pinipigilan naman ng iba nilang kasamahan ang dragon, atras-abante naman ang mga taga-espada na sina Prime, Argon, Anchor, Dane, Gurren at Hert.
Habang patuloy nilang inaatake ang dragon ay mabilis na itong lumipad sa himpapawid dahil sa natatamong sugat nito sa iba’t-ibang parte ng katawan.
“Mabuti namang umalis na ang dragon”sabi nila habang nakahinga na sila nang maluwag.
“Sana hindi na babalik rito ang dragon”dasal nila.
Patuloy naman silang nagmasid sa himpapawid at binabantayan ang pag-atake ng dragon.
“Siguro! Tumakas na yong dragon”teorya nila.
“Sa tingin ko nga eh! dahil sa natamo niyang sugat! Siguro hindi na siya babalik rito”sabi ng iba.
Dahil sa namatayan sila ng tatlong kasamahan ay naging dalawanpu nalang silang natitira. Samantala, matapos lumipad ang dragon ay naging handa naman ang mga kabayo at pwede na silang makatakbo ulit. Dahan-dahan naman silang pumapasok sa karwahe upang sila’y aalis na.
Habang naglalakad si Shin patungo sa karwahe ay bigla niyang naramdaman na may init sa likuran niya.
“Bakit may mainit akong nararamdaman sa likuran ko?”tanong ni Shin habang hinahawakan niya ang likuran niya.
Nagulat nalang siya nang maramdaman niya na may dumadaloy na dugo mula sa likuran niya. Kahit na si Hert ay nagulat din nang makita niyang may tumutulong dugo sa likuran ni Shin.
“Shin, bakit may dugo ka sa likuran mo?”tanong ni Hert.
Nang tumingin si Shin sa huling tinayuan niya ay agad niyang nakita ang isang matulis na yelong natusok na may kasamang dugo niya.
“Saan nanggaling ang matulis na yelong iyan?”tanong ni Shin.
Habang sila’y nagtataka sa nangyari ay agad namang pumasok sa isip ni Hert ang posibleng nangyari.
“Wag mong sabihing mula yan-“tugon sana ni Hert kaso napahinto siya nang biglang nagsibagsakan sa kanila ang mga matutulis na yelo.
“Mag-ingat kayo! Nagsisibagsakan sa atin ang mga matutulis na yelo!”sigaw nila habang binalaan niya ang lahat.
Minamadali naman ng heneral na papasukin sa karwahe ang ibang kasamahan niyang naiwan pa. Habang sila’y nagsisitakbuhan patungo sa mga karwahe ay agad natamaan sina Shin, Hert, at Argon sa mga matutulis na yelo na dahilan nang pagbagsak nila.
Paalis na sana ang karwahe nina Prime at Anchor kaso napahinto sila nang makita nilang bumagsak si Argon.
“Umalis na kayo! Wag niyo na akong aalahanin!”sigaw ni Argon habang dahan-dahan nawawalan ng malay dahil sa sakit.
Napaiyak nalang din si Yumi nang makita niya ang kahinatnan nina Shin, Hert at Argon.
“Tumayo na kayo diyan!”sigaw ni Yumi habang dahan-dahan siyang umaalis sakay sa karwahe.
Nakalayo-layo na ang karwahe ni Yumi kasama ang lima pang karwahe.
Naglakas loob naman sina Prime at Anchor na tulungan ang tatlong bumagsak subalit hindi na makuha ang matulis na yelong natusok mula sa mga katawan nila. Kahit pinagtulungan na nina Prime at Anchor na tanggalin ang matulis na yelo ay hindi parin ito nakukuha.
Agad namang pinilit ni Shin na tanggalin ang yelong natusok sa katawan niya, kaya kahit sobrang sakit na nang naramdaman niya ay nanatili parin siyang matatag. Nagawa ni Shin na matanggal ang yelong natusok sa katawan niya. Pagkatapos ay agad niyang tinunaw gamit ang apoy na mahika niya ang mga yelong natusok sa katawan nina Hert at Argon.
“Prime, Anchor dalhin niyo silang dalawa sa loob ng karwahe”utos ni Shin pagkatapos matanggal ang yelong natusok sa katawan nila.
Habang inaagbayan nina Prime at Anchor sina Hert at Argon ay nabigla naman sila nang makita nilang hindi kumikilos si Shin papunta sa karwahe, nakatayo lang ito habang walang ginagawa.
“Shin, tara na! aalis na tayo! Baka maaabutan pa tayo ng dragon”paanya ni Prime.
“Shin, tanging karwahe nalang namin ang hindi pa nakakaalis, maiiwan kang mag-isa dito kapag hindi ka sumama sa amin”paliwanag ni Anchor.
“Huli na para tayo’y umalis, paparating na ang dragon”tugon ni Shin habang nakatingala sa himpapawid. “Umalis nalang kayo habang susubukan kong pigilan ang dragon”paliwanag ni Shin.
“Shin, tanga ka ba? Hindi mo kayang pigilan ang dragon nang mag-isa”reklamo nila.
“KAYA NGA SUSUBUKAN KO! BINGI BA KAYO? KAPAG SINABI KONG UMALIS NA KAYO! AALIS NA KAYO! WAG NIYO NA AKONG AALAHANIN PA! ALAM KO ANG INIISIP KO AT ALAM KO RIN ANG GINAGAWA KO”sigaw ni Shin sa sobrang galit.
Hindi naman nakapagsalita ang dalawa kaya nang pinakausapan ulit sila ni Shin ay doon na sila umalis.
“Pakiusap lang, umalis na kayo”pakiusap ni Shin sa dalawa.
Pumasok naman sina Prime at Anchor sa karwahe habang kaagbay nilang dalawa ang sugatan at walang malay na sina Argon at Hert. Umalis naman sila habang iniwanan lang nilang mag-isa si Shin doon.
“Ito na siguro ang panahon para ipakita ko sa dragong iyan ang tunay kong kapangyarihan..”bigkas ni Shin habang may masama siyang ngiti sa dragon. “Subalit ang panahon ito narin ang magiging kamatayan ko”dagdag ni Shin.
[Sa kasalukuya’y dalawangpu nalang sila ngayong buhay dahil marami kasi sa kanila ang namatay, tatlo na doon sina Jacob, Joel at Clark. May natitira narin silang pitong karwahe.]
BINABASA MO ANG
Myself in Another World 2: The Half World (Completed)
FantasyWar, pain, suffering and even death. Aries is giving his all to save the humanity from the dragons, even the world is against him. His journey is to travel the nest of the dragon which is called the remaining of the world "The Half-World" Will Arie...