(Vol. 1) Chapter 11: The Story of Yumi and Allen

82 18 6
                                    

Labing-limang taon na ang nakakaraan..
 
Masaya namang naglalaro si Yumi sa mga kaibigan niya malapit sa batis. Nagtatakbuhan pa nga sila sa mga damuhan, minsan ay pumupunta sila sa batis upang magpatuloy sa kanilang paglalaro.
 
“Ikaw na ang taya Yumi!”sigaw ni Ryan, kaibigan ni Yumi dahil nahawakan kasi niya si Yumi kaya si Yumi na ang taya sa larong habulan nila.
 
“Si Yumi na naman ang taya! Haha! hindi ka naman makakahabol Yumi! Ang bagal mo kasing tumakbo!”sigaw nila habang pinagtatawanan nila ang mahinhin na si Yumi.
 
Dahan-dahan namang umiiyak si Yumi habang hinahabol niya ang mga kaibigan niya. Kahit anong bilis pa ang tatakbuhin niya ay hindi niya mahahabol ang mga kaibigan niya.
 
“Di ba sinabi ko sa inyo na huwag niyo ng pasalihin si Yumi, ang bagal niya kasing tumakbo!”sabi ni Lino sa mga kaibigan niya.
 
“Si Yumi kasi ang nagsabi eh! na sasali siya”sagot ni Ryan.
 
“Sana hindi mo nalang siya pinasali Ryan! Yan tuloy! Hindi na masaya ang paglalaro natin!”reklamo ni Lino, isa sa mga kaibigan ni Yumi.
 
Lima naman silang lalaking naglalaro na sina Ryan, Lino, Jasper, Riko at Allen habang may kasamahan silang tatlong babae na sina Yumi, Charice at Ann. Maliban kay Yumi, lahat ng mga kaibigan niya mapalalaki o babae ay mabilis tumakbo kaya sa tuwing naglalaro sila ng habul-habulan ay hindi na bago kung laging matataya si Yumi.
 
Sa ngayon ay umiiyak na si Yumi dahil matitigil lang ang laro nila nang dahil sa kanya. Habang siya’y nakaupo na umiiyak ay bigla namang lumapit si Allen sa kanya.
 
“Yumi, hawakan mo ako”utos ni Allen kay Yumi.
 
Agad namang napatitig si Yumi kay Allen kaya nang marinig niya ang inutos ni Allen sa kanya ay hinawakan niya ito.
 
“Ako na taya!”sigaw ni Allen sa mga kaibigan niya.
 
Nagulat naman ang mga kaibigan nila nang marinig nila ang sinabi ni Allen.
 
“Ang daya naman! Wag naman ganoon Allen!”reklamo ng mga magkaibigan.
 
“Anong madaya? Nahabol naman ako ni Yumi kaya ako na ngayon ang taya!”bigkas ni Allen habang mabilis niyang hinabol ang mga kaibigan niya.
 
Mabilis namang nagsitakbuhan sina Lino at Ryan na siyang puntirya ni Allen kaya ang pagtatakbo nila ay humantong sa pagkasugat ng tuhod nina Lino at Ryan dahil nadapa sila sa lupa.
 
Nakatitig sila kay Allen na may namumuong luha sa kanilang mga mata.
 
“Allen! Ang daya mo naman nagpataya ka lang naman kay Yumi!”reklamo nilang dalawa kay Allen.
 
“Parte kasi yon ng laro, Lino, Ryan!”tugon ni Allen habang dahan-dahan siyang umalis para puntahan si Yumi.
 
Kaya hindi naman mapigilan ni Yumi na hangaan si Allen sa ginawang pagtulong sa kanya.
 
May pagkakataon namang naliligo silang magkakaibigan sa batis, hindi naman sanay si Yumi na lumangoy sa malalalim kaya lagi lang nasiyang naliligo sa mabababaw na parte ng batis. Minsan ay mag-isa lang siya doon habang ang mga kaibigan niya ay masayang nagsisilanguyan sa malalim na tubig.
 
Habang mag-isang naliligo si Yumi sa mababaw na parte ng batis ay bigla namang lumakas ang agos ng tubig kaya si Yumi ay dahan-dahang tinatangay ng malakas na agos papunta sa malalim na parte ng batis.
 
“Tulungan niyo ako!”sigaw ni Yumi habang siya’y dahan-dahang tinatangay ng tubig.
 
Ang mga kaibigan naman ni Yumi sa panahong iyon ay abala sa pagbibihis at ang iba nama’y kumakain. Mabilis naman nilang narinig ang sigaw ni Yumi kaya agad nilang nakita na tinangay ng malakas na agos si Yumi.
 
“Yumi! humanap ka ng makakapitan mo!”sigaw nina Charice at Ann, parehong babaeng kaibigan ni Yumi.
 
Masuwerte namang nakakapit si Yumi sa isang sanga na putol ang kahoy. Hindi naman makakatulong ang mga kaibigan niya sa kanya dahil lalong tumatagal ay lalong lumalakas ang pag-agos ng tubig.
 
“Bakit lumalakas ang tubig? Diba wala namang ulan kanina”sabi ni Riko habang siya’y nalilito.
 
“Baka may ulan doon sa bukid, kaya bumaba sa batis ang baha”sagot naman ni Jasper, kaibigan ni Yumi.
 
Makaraan ang ilang segundo ay agad naputol ang sangang nakakapitan ni Yumi kaya tinangay ulit siya ng malakas na agos. Agad namang napunta si Yumi sa malalim na parte ng batis habang dahan-dahan siyang nalulunod.
 
“Tul- ngan niy- ako”sigaw niya habang pinipilit niyang makaahon sa tubig.
 
Akala nang magkaibigan na mamatay na si Yumi pero mabilis naman tumalon sa Allen na sa panahong iyon ay abala pa siya sa kanyang pagbibihis. Wala namang takot na hinarap ni Allen ang malakas na pag-agos ng tubig, kahit natamaan ng bato ang tuhod niya nang tumalon siya ay pinilit parin niyang makalangoy para mailigtas lang niya si Yumi.
 
Masuwerte namang nakakapit si Allen sa kamay ni Yumi dahil nawawalan na kasi ng malay si Yumi sa gitna ng batis. Agad namang niyang niyakap si Yumi papunta sa lupa, kaya matapos ang ilang minutong pagsasakripisyo ni Allen ay nagawa ng mga kaibigan niya na makuha si Yumi kaso siya naman ang natangay ng malakas na tubig.
 
“Allen!”sigaw ng mga kaibigan kay Allen.
 
Nagawa pa sana nilang makakuha ng isang sanga kaso hindi na iyon umabot kay Allen at tuluyan na siyang natangay ng malakas na agos.
 
Limang oras ang lumipas mula nang tinangay si Allen ay agad namang nagising si Yumi. Nabigla naman si Yumi nang maalala niya ang huling nangyari sa kanya na natangay siya ng malakas na tubig at nalunod siya.
 
“Bakit nandito ako?”pabiglang tanong sa sarili niya. “Di ba nalunod ako”sabi ni Yumi sa sarili niya.
 
Nang lumabas siya sa kanyang bahay ay agad niyang nakita ang mga pagtitipon ng mga tao sa isang bahay. Wala naman siyang natatandaan na may masamang nangyari maliban lang sa kanya na nalunod.
 
“Di ba bahay iyon ni Allen, ano bang meron doon?”tanong ni Yumi sa kanyang sarili.
 
Nang makalapit na siya ay doon nalang siya nagulat nang makita niyang nakahiga si Allen habang basang-basa ang damit nito.
 
“Ano ang nangyari kay Allen?”tanong niya habang siya’y nagulat sa nangyayari.
 
Agad naman siyang nilapitan ni Charice nang makita siya.
 
“Ikaw kasi ang dahilan Yumi kung bakit nalunod si Allen, kung hindi ka lang sana tinulungan ni Allen, hindi sana siya magkakaganyan”sisi ni Charice sa kanya.
 
Nagulat naman si Yumi sa sinabi ni Charice.
 
“Ako pala ang dahilan kung bakit nagkaganyan si Allen!”bulong ni Yumi habang siya’y biglang tumakbo palayo sa kanila.
 
Nabigla naman ang mga tao lalo na si Charice sa naging kilos ni Yumi. Umiiyak naman si Yumi sa isang tagong lugar habang patuloy na sinisisi ang sarili.
 
“Sana hindi nalang ako humingi ng tulong, yan tuloy nadamay ko pa ang buhay ni Allen”sisi ni Yumi sa kanyang sarili.
 
Pagkatapos, hindi naman naging malala ang kondisyon ni Allen marahil nagkaroon naman siya ng malay matapos ang ilang oras na pagpahinga niya. Hindi naman sinisi ng mga magulang ni Allen si Yumi dahil tama naman ang ginawa ni Allen na tulungan si Yumi na nalunod.
 
Hindi naman nawala ang mga paalala ng mga magulang ni Yumi sa kanya tapos pinagalitan din siya pagkatapos dahil sa insedenteng iyon.
 
Makaraan ang ilang araw na pahinga ni Allen ay nakalabas narin siya dahil tuluyan na siyang gumaling. Nang malaman ni Yumi ang tungkol sa paggaling ni Allen ay doon na siya nagbigay ng chokolate kay Allen na simbolo ng pagtulong nito sa kanya.
 
 “Ito nga pala Allen, chokolate, luto ng nanay ko, sana magustuhan mo”sabi ni Yumi habang ibininigay niya kay Allen ang isang chokolate. “Para yan sa pagtulong mo sa akin Allen”dagdag ni Yumi.
 
“Yumi, hindi mo naman kailangan ibigay ito sa akin, mas mabuting nalang na kakainin nating dalawa ito”pangiting sabi ni Allen habang hinati niya sa dalawang parte ang chokolateng ibinigay sa kanya ni Yumi.
 
Agad namang namula ang pisngi ni Yumi nang hinatian siya ni Allen ng chokolate kahit sa kanya naman iyon.
 
“Allen, pasensya ka na! kung hindi lang sana ako humingi ng tulong siguro hindi karin nalunod”pahinang sabi ni Yumi habang siya’y dahan-dahang nalulungkot.
 
“Wag ka ngang magsalita ng ganyan Yumi! hahayaan mo lang bang mamatay ka? Ano na ang mangyayari sa amin? Mawawala na kami ng isang kaibigan, kalimutan muna ang mga nangyari Yumi, ang mahalaga buhay tayong dalawa diba?”paliwanag ni Allen habang ngumiti siya nang may chokolate sa ngipin.
 
Dahil sa mga salitang iyon, dahil sa mga ginawa ni Allen sa kanya ay nabuo sa puso ni Yumi ang pagmamahal niya kay Allen pero itinago niya lang ito habang lumilipas ang mga taon.
 
Anim na taon na ang nakalipas, sa panahong iyon ay labing-limang taong gulang na si Yumi, dalagang-dalaga na si Yumi. Hindi tulad noong bata pa sila ng mga kaibigan niya ay parang wala lang sa kanila ang pagsasama sa tuwing naglalaro sila pero ngayon na binata at dalaga na sila ay may kanya-kanya na silang mga tungkulin at may namumuo naring silang mga paghahanga.
 
Dahil sa inilaan ni Yumi ang oras niya sa pag-aaral niya sa mataas na paaralan ay hindi na niya halos nakakasama ang mga kaibigan niya sa tuwing may pagtitipon silang ginagawa, gustuhin man sana niya kaso wala namang saysay kapag pumunta siya doon na wala si Allen.
 
Lalong tumatanda si Allen ay lalo naman siyang naging masakitin sapagkat ang sakit niya ay kailanmay hindi niya sinasabi kung kani-kanino man, kahit sa mga kaibigan niya. Minsan sinasamahan niya ang mga kaibigan niya sa mga pamamasyal at sa pagtitipon pero hindi na siya tulad ng dati na malakas, matatag at isang matibay na bata, ngayon ay payat na payat siya, mahina at laging namumutla.
 
Kapag nagtatanong lang ang mga kaibigan niya tungkol sa lagay niya ay sinasabi niya sa mga ito na ayus lang siya at magagaling rin siya paglipas ng araw, pero ang hindi nila alam ay wala palang gamot ang makakagaling sa karamdaman niya at hinihintay nalang ni Allen ang araw ng kamatayan niya.
 
Isang araw habang nag-aaral si Yumi ay biglang pumasok sa isip niya si Allen. Hindi kasi makukumpleto ang buhay niya kapag hindi niya makasama si Allen kaya nagdesisyon siya na ipalabas ang kanyang natatagong nararamdaman.
 
Gabi nang magtipon-tipon ang mga kaibigan ni Yumi sa bahay ng isang kaibigan niya dahil may kaarawan. Swerte namang nakadalo si Allen kaya hindi agad nawala sa isip ni Yumi ang plano niya.
 
“Sa gabing ito, sasabihin ko na kay Allen ang nararamdaman ko”bulong ni Yumi habang siya’y kinakabahan na.
 
Sa balkonahe ng bahay ng kaibigan niya ay nakita ni Yumi na nag-iisa si Allen.
 
“Allen, ano bang ginagawa mo rito? Nagkakasiyahan na sila doon sa loob”sabi ni Yumi habang siya’y kinakabahan na.
 
“Gusto ko lang kasing lumanghap ng hangin dito”sagot ni Allen.
 
Naputol bigla ang pag-uusap nila kaya wala ng ibang maisip si Yumi maliban sa pagpapalabas ng kanyang nararamdaman, kahit nakapilipit ang dila niya ay nagawa parin niyang mabigkas ng malinaw ang sasabihin niya.
 
“Allen, may importante kasi akong sasabihin sa iyo”tugon ni Yumi.
 
“Ano ba iyon Yumi?”tanong ni Allen.
 
Kahit pumipitik ng malakas ang dibdib niya, kahit nanginginig ang buong katawan niya ay nagawa parin niyang mabigkas ang mga salitang gusto niyang ipalabas.
 
“Allen, matagal ko ng itinago ito, Allen... mahal na mahal kita! Sana matanggap mo ang pagmamahal ko sa iyo”bigkas ni Yumi habang kinakabahan siya nang binigkas niya ang mga salitang iyon.
 
Kahit narinig na ni Allen ang sinabi ni Yumi ay wala parin itong reaksyon sa kanya.
 
“Yumi, naiintindihan ko ang nararamdaman mo, pero mas mabuting humanap ka nalang ng ibang lalaking mamahalin mo, nandiyan naman si Ryan, si Lino, mga gwapo naman sila”paliwanag ni Allen habang tinatanggihan niya ang nararamdaman ni Yumi.
 
“Allen, ikaw lang ang mahal ko”bigkas ni Yumi. “Hindi mo ba ako gusto Allen?”tanong ni Yumi.
 
“Yumi, maganda ka naman, matalino pa, tapos maaalahanin, marunong mag-alaga, mabait, lahat siguro ng magagandang aspeto ay mayroon ka pero Yumi, wag mo akong mahalin pakiusap lang, masasaktan ka lang”paliwanag ni Allen na ikinagulat ni Yumi.
 
“Allen bakit? Dahil may mahal ka ng iba? Yon ba? Pinapalabas ko lang naman ang nararamdaman ko kung may pag-asa ako sa iyo, pero ngayon alam ko na may mahal ka palang iba, kaya wala akong ibang magagawa Allen, tatanggapin ko nalang iyon”bigkas ni Yumi habang siya’y dahan-dahang umiiyak.
 
“Pasensya ka na Yumi, hindi na kasi ako magtatagal sa mundo, mga ilang taon nalang ang pananatili ko rito sa mundo, kaya ang pagkaroon ng sariling pamilya o magkaroon man lang ng kasintahan ay inalis ko na sa hinaharap ko, kasi ayokong may masaktan kapag nawala na ako”paliwanag ni Allen na ikinagulat ulit ni Yumi.
 
“Eh!? wag mong sabihing malapit ka ng mamamatay Allen? Wag ka naman yatang magsabi ng ganyan Allen!”palinaw ni Yumi habang lakas na loob niyang sinabi iyon.
 
“Oo Yumi, bilang na ang mga araw ko sa mundong ito, kaya habang nabubuhay pa ako ay inilalaan ko pa ang natitirang araw ko sa inyo, sa mga kaibigan natin”pangiting bigkas ni Allen.
 
“Allen, sabihin mo sa akin na nagbibiro ka lang”sabi ni Yumi habang siya’y umiiyak.
 
“Hindi Yumi”sagot ni Allen.
 
“Nagbibiro ka lang Allen”bigkas ni Yumi.
 
“Hindi Yumi”sagot ni Allen.
 
Agad namang umiyak si Yumi.
 
“Yumi, sa iyo ko lang sinabi ang bagay na ito, kaya pakiusap lang isekreto mo lang ito sa mga kaibigan natin”pakiusap ni Allen kay Yumi.
 
Agad namang niyakap ni Allen si Yumi bago ito pumunta sa loob ng bahay ng kaibigan niya. Pero bago siya pumasok sa loob ay may binulong siyang salita kay Yumi..
 
“Mahal din kita Yumi”bulong ni Allen kay Yumi.
 
Tumagal pa ang pananatili ni Allen sa mundo kaya hindi niya inaakalang makakaabot pa siya sa ikalabing-walong kaarawan ni Yumi. Ang matagal nang pinapangarap ni Yumi na maisayaw siya ni Allen ay nagkakatotoo na.
 
Kahit mahinang-mahina na si Allen ay nagawa parin niyang makatayo, kahit namumutla na siya ay nagawa parin niyang maging matatag dahil isa lang ang gusto niyang mangyari, ang maisayaw si Yumi sa kaarawan nito.
 
Dahan-dahan namang tumutulo ang mga luha ni Yumi habang dahan-dahan siyang sinasayaw ni Allen.
 

“Allen, salamat at nakadalo ka”pasalamat ni Yumi habang patuloy silang sumasayaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Allen, salamat at nakadalo ka”pasalamat ni Yumi habang patuloy silang sumasayaw.
 
“Yumi, ano ba ang tingin mo sa akin mahina na talaga? Kaya ko naman ang sarili ko ah”pangiting sagot ni Allen.
 
“Allen, kung napapagod ka na, pwede naman nating ihinto ang pagsasayaw”alala ni Yumi.
 
“Hindi pa naman ako napapagod, kaya ko pang maigalaw ang katawan ko”tugon ni Allen habang itinatagao lang niya kay Yumi na hindi na niya talaga kayang makatayo pa.
 
“Yumi, kung mawawala man ako sa mundo, ipangako mo sa akin na maging matatag ka, huwag kang magpapa-api sa ibang tao, huwag ka ring magpapa-asa sa ibang tao, kung sinasabi man nilang ang pakikipaglaban ay para lang sa kalalakihan, ipakita mo sa kanila na nagkakamali sila”pangiting paalala ni Allen sa kanya habang siya’y ngumingit.
 
“Ano ka ba Allen! Wag ka ngang magsalita ng ganyan, mabubuhay ka pa ng matagal”tugon ni Yumi.
 
Matapos ang kanilang pagsasayaw ay palihim na umalis si Allen upang hindi siya makita ng mga kaibigan niya lalo na kay Yumi na siya’y hirap na hirap na.
 
Lumipas ang mga araw ay natitirang buhay ni Allen ay dahan-dahan nang nawawala, lagi nalang siyang nakahiga sa kama niya at hinihintay nalang niya ang kamatayan niya, kahit mga magulang niya ay hindi na mapigilan ang pag-iyak.
 
Huling bumisita si Yumi kay Allen, kaya hindi mapigilan ni Yumi ang maiyak nang makita niya ang kondisyon ni Allen at mabilis niya itong niyakap.
 
“Allen, maging matatag ka! Di ba yan ang sabi mo sa akin noong kaarawan ko”sabi ni Yumi.
 
“Pasensya ka na Yumi kung hindi man ako naging matatag”pahingi ng pasensya habang siya’y ngumingiti. “Yumi, wag mo na akong hintayin, mas mabuting kalimutan mo nalang ako”sabi ni Allen.
 
“Hindi kita malilimutan Allen, hihintayin parin kita! Hindi ako mag-aasawa kapag hindi ikaw ang magiging katuwang sa buhay ko”paliwanag ni Yumi kay Allen habang patuloy siyang umiiyak.
 
Ngumiti naman si Allen sa sinabi niya kaso bigla nang nawawala na ang paghihinga ni Allen. Mabilis naman nagsipasukan ang mga magulang at doktor ni Allen dahil nasa labas kasi sila nang nag-uusap sina Allen at Yumi sa loob ng kwarto.
 
Tulala naman si Yumi sa mga nangyayari kaya hindi niya inaakalang mawawala na sa araw na iyon si Allen.
 
Nang mailibing na si Allen ay doon na nalaman ng mga kaibigan niya na may sakit palang tinatago si Allen.
 
Simula noon ay hindi na nag-asawa si Yumi dahil sa puso niya ay hinihintay pa niya si Allen. Kahit maraming nanliligaw sa kanya doon sa bayan niya ay hindi parin niya ito sinasagot. Naging sekretarya naman siya sa Slayer Faction doon sa kampo para maipakita niya na hindi siya nagpapa-api at hindi siya umaasa sa ibang tao na siyang pangako ni Allen sa kanya.
 
Sa kasalukuya’y binisita niya ang puntod ng isa sa mga pinakakamahal niya sa buhay na walang iba kundi si Allen habang alay niya ang isang bulaklak. Tahimik namang naghihintay si Aries sa likuran niya.
 

“Allen, hinding-hindi parin kita makakalimutan”bulong ni Yumi sa puntod ni Allen.

Myself in Another World 2: The Half World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon