Habang umiilag ang dragong si Exitium ay patuloy naman siyang nagmasid sa mga taong kalaban niya. Pinag-aaralan kasi niya ang mga kalaban niya. Matapos ang ilang minutong pagmamasid niya ay nalaman niya narin ang isa sa mga naging kahinaan ng pangkat ni Aries.
Napangiti nalang ang dragon dahil nakikita narin niya kung papaano niya tatalunin ang pangkat ni Aries.
Samantala, abala naman ang mga kasamahan ni Aries sa pag-aatake sa dragon habang siya nama’y nakaabang kung kailan bababa si Exitium. Siya kasi ang tagapatay sa isang replika ni Exitium.
Umiba naman ang kilos ng dragong si Exitium matapos ang paglilipad nito sa himpapawid. Nabigla pa nga ang mga kasamahan ni Aries dahil may nararamdaman silang masama sa dragon.
“Sa tingin ko nagagalit na talaga sa atin ang dragong iyan”bigkas ni Prime.
“Kanina pa galit ang dragon sa atin Prime”bigkas ni Anchor.
Paikot-ikot naman sa himpapawid ang dragon na para bang hindi mapakali. Hindi naman natakot si Aries kahit iba pa ang kilos ng dragon kaya hinarap parin niya ito nang walang kaba sa dibdib.
“Wala kang utak Exitium”painsulto ni Aries sa dragon.
Agad namang sinalubong ni Aries ang isang replika ni Exitium dahil pabigla kasi itong umatake sa kanya. Mapapatay na sana ni Aries ang replika subalit nagawa nitong huminto sa kalagitnaan nang kanyang pag-atake.
“Naduduwag na yata ang dragon na iyan!”bigkas ni Dane.
“Wala naman talaga siyang kalaban-laban kay Aries kaya huminto nalang siya”tugon ni Clark.
Habang nakatuon ang pansin ni Aries at nang pangkat niya sa humintong dragon ay hindi naman nila inaakala na ang isa palang replika ay umatake na sa kanilang likuran kaya tagumpay nitong natangay si Aries sa pamamagitan nang pagtaob ng kuko nito sa likod niya.
Agad tinangay palayo si Aries sa mga kasamahan niya habang nakataob sa kanyang likod ang kuko ng dragon. Hindi naman halos nakagalaw si Aries dahil sa sitwasyon niya kaya habang papalayo ang dragon ay bigla naman siyang nakawala sa kuko.
“Pinahirapan mo pa ako!”bigkas ni Aries habang dahan-dahan niyang inakyat ang likuran ng dragon.
Itutusok na sana ni Aries ang espada niya sa likod ng dragon kaso napahinto siya nang makita niya ang ngiti ng mga dragon na para bang hinahamon siya na patayin siya.
“Kaya kitang patayin kahit ilang beses man”tugon ni Aries habang itutusok na niya ang espada sa likuran ng dragon subalit napahinto ulit siya nang malaman na niya ang totoong plano ng dragon.
Napagtanto nalang ni Aries na pinaglalaruan lang pala siya ng dragon para mapalayo siya nang tuluyan sa mga kasamahan niya. Nalaman kasi ng dragon ang isa pa sa naging kahinaan nang mga kasamahan niya na walang iba kundi siya.
“Isa ako sa kalakasan ng aming pangkat, tapos ako rin ang isa sa mga kahinaan ng aming pangkat, ang talino mo talagang dragon ka! Nagawa mo pa akong ipalayo sa mga kasamahan ko para ang replika mo ang aatake sa mga kasamahan ko”paliwanag ni Aries habang siya’y dahan-dahang.
Nagpatuloy naman sa paglipad ang replika ni Exitium habang kasama niya si Aries. Wala namang planong patayin ni Aries ang dragon dahil lalo nang mahihirapan ang mga kasama niya kapag nagreplika ulit si Exitium na wala siya tapos wala ding plano ang dragon na bumalik doon sa abandonadong siyudad.
Lalong tumatagal ang pananatili ni Aries sa likuran ng dragon ay lalo naman siyang napapalayo sa mga kasamahan niya. Dumating pa nga ang punto na muntik pang mapatay ni Aries ang replika ni Exitium dahil sa galit.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, nang mawala na si Aries sa mga kasamahan niya ay lagi nang ginagambala ng replika ni Exitium ang mga kasamahan niya. Kaya naman nila ang dragon subalit nahihirapan naman sila dahil unti-unti na kasi silang pinapatumba.
Kahit nga ang mga panangga nilang kasama ay unti-unti naring napapasuko dahil sa paulit-ulit na pag-atake ng dragon.
“Umatake parin kayo! Alam kong yan parin ang iuutos sa atin ng lider natin!”sigaw ni Argon sa mga kasamahan niya.
Ang limang panangga naman nilang kasama ay dahan-dahang napapaatras dahil sa nasisira na ang kanilang mga panangga.
“Nasisira na ang panangga namin! Hindi na ito magtatagal pa!”reklamo nila.
Binilisan naman ng mamamana ang pagpapana para nagbabakasali silang mapatay ang dragon subalit nagkakamali sila. Nagawang magalusan ng dragon ang limang mamamana habang nasira na ang mga sandata ng mga kasamahan nilang panangga.
Dahan-dahan naman nilang ipinapasok sa mga gusali ang nagalusan nilang kasamahan habang nagbabantay naman sa kanila sina Argon, Anchor, Prime at iba pang mga malalakas na kasamahan nila.
“Pigilan niyo ang dragon!”sigaw ni Argon habang bigla silang inatake.
Dahil sa pabiglang pag-atake ay agad namang natusok sina Clark at Joel ng kuko ng dragon, tapos napatapon naman sa malayo sina Jacob at Gurren na kadahilan nang pagtama nila sa mga gusali.
Nainis naman si Dane dahil parehong napatumba ang mga kaibigan niya na sina Clark, Joel, Jacob at Gurren. Hindi na ito makakalaban pa dahil sa natamo nilang sugat lalo na kina Clark at Joel na matindi ang sinapit.
“Dalhin niyo sina Clark at Joel sa loob ng gusali”pasigaw na utos ni Dane sa mga kasamahan niya.
“Dane! Umalis na ka narin diyan! Baka matulad ka ng mga kasamahan mo”sigaw ni Prime habang binalaan niya si Dane.
Hindi naman nakinig si Dane dahil nakatuon na kasi ang pansin niya sa dragon marahil paghihiganti na ang nasa isip niya.
May sugat narin ang dragon kaya ilang atake nalang ay mapapatay na ulit ang dragon, kaya ang pagkakataong iyon ay hindi na pinalampas ni Dane.
“Tatapusin ko na ang dragong ito! Aries! Ikaw na ang bahala sa susunod na mangyayari”bulong ni Dane habang walang takot na hinarap ang dragon.
Kahit na natatakot na sina Argon, Anchor at Prime sa mangyayari kay Dane, kahit gusto nila itong pigilan kaso hindi parin nila iyon magagawa sapagkat buo na nag loob ni Dane at hindi na iyon pa magbabago sa desisyon niya na patayin ang dragon.
Nang makalapit na ang dragon ay agad namang tumalon si Dane at sinalubong ang pag-atake. Nagawa namang maitaob ni Dane ang espada niya sa puso ng dragon subalit dahilan naman iyon para siya’y ipatapon sa malayo na pagkatamo niya ng bali-baling katawan dahil sa pagkabangga niya sa isang gusali.
Hindi pa naman namamatay ang dragon kahit nakataob na sa puso nito ang espada.
“Atakehin ulit ang dragon!”sigaw ni Argon habang agad nila itong nilapitan.
Hindi naman nakalipad ang dragon sa himpapawid dahil sa natamo nitong sugat sa dibdib kaya paikot-ikot lang itong gumagalaw sa lupa. Hindi naman agad nakakalapit sina Argon, Anchor, Prime dahil para na itong nawawala sa sarili.
“Panain niyo!”pasigaw ni utos ni Argon sa mga natitirang mamamana.
Mabilis naman nilang pinuntirya ang dragon kaya dumagondong ulit ang dragon dahil sa natamong sakit.
Samantala, habang papalayo na si Aries sa mga kasamahan niya ay agad naman niyang naramdaman na parang napapatay na ang isa pang replika ni Exitium.
“Malapit na! nararamadaman ko na! na malapit nang mamamatay ang isang replika”bulong ni Aries habang naririnig pa niya ang isang dagundong.
Ang dragong sinasakyan naman ni Aries ay bigla namang bumalik sa pinanggalingan upang tulungan ang replika niya.
“Exitium, mabubura ka na sa mundong ito”sabi ni Aries habang nakita niya na bumalik sa abandonadong siyudad ang dragong sinasakyan niya.
Samantala, dahil sa naging agresibo na ang dragon na kalaban nina Argon ay kahit saan-saan na ito umaatake, unti-unti na ring gumuguho ang mga gusaling nababangga niya. Ang mga kasamahan naman nila na nagtatago sa loob ng mga gusali ay dahan-dahan naring lumalabas dahil baka biglang guguho ang pinagtataguan nilang gusali.
“Umalis na kayo!”sigaw nila.
“Lumabas na kayo diyan sa gusali!”sigaw ng iba.
Buhat-buhat naman ng iba ang mga sugatang kasamahan nila palabas ng gusali. Habang sila’y dahan-dahang lumalabas ay agad naman nilang nakita ang mga sanggol na dragon na umaatake sa kanila. Nalaman nalang nila ang mga itlog pala ng mga dragon ay dahan-dahan nang napipisa.
“Ilagan niyo ang mga sanggol na dragon!”sigaw nila habang nakikita nilang dahan-dahang kinakain ng mga sanggol na dragon ang mga kasamahan nila.
Nahihirapan namang matamaan ng mga mamamana ang mga sanggol na dragon dahil sa liit nito at bilis.
“Hindi ko matamaan ang mga maliliit na dragon”reklamo ng mga mamamana.
“Ang bilis nilang lumipad”reklamo din nga mga salamangkero.
Hindi naman napagtuonan ng pansin nina Argon, Anchor at Prime ang dragong si Exitium dahil tinutulugan pa nila ang mga kasamahan nilang inaatake ng mga sanggol na dragon. Habang abala pa sila sa pagtulong ay bigla naman silang pinuntirya ni Exitium nang hindi nila nalalaman. Seryuso ang titig ng dragon sa kanila na kapag matatamaan sila sa pag-atake ay siguradong hindi sila mabubuhay.
Umitim nang umitin ang dragon na parang ibinubuhos na nito ang lahat nang lakas nito sa isang atake lang. Sa pagkakataong iyon ay nagawa namang makita ni Dane ang mata ng dragon na nakatitig sa mga kasamahan niya.
“Hoy! Ang dragon! kayo ang puntirya!”pilit na sinigaw ni Dane subalit hindi siya narinig ng mga kasama niya dahil nagkakagulo na kasi.
Pinilit namang ni Dane na igalaw ang katawan niya tapos pinilit rin niya na hawakan ang espada niya, hindi na kasi niya nararamdaman ang katawan niya dahil sa pagtapon ng dragon sa kanya sa isang gusali tapos nakalimutan narin siyang tulungan dahil sa nagkakagulo na ang kasamahan niya.
Habang nakatitig ang dragon sa mga kasamahan niya ay nakatitig naman siya sa dragon. Kaya nang umatake ang dragon ay nagulat nalang ang lahat nang makita nilang sila pala ang pinuntirya ng dragon, akala kasi nila ay naibaling ang atensyon nito sa sugat niya.
Nagulat naman sila dahil alam kasi nila na nasira na ang mga panangga nila tapos kakaunti nalang silang mga tagagamit ng espada. Nakapikit nalang sila habang mabilis silang nilapitan ng dragon.
Ang inaakala nilang mamamatay na sila dahil doon ay hindi pa pala mangyayari ngayon dahil mabilis kasing lumapit si Dane at pinigilan ang dragon. Nakataob sa mata ng dragon ang espada ni Dane habang nakataob din sa tiyan niya ang kuko ng dragon.
Nabigla naman sila nang makita nila ang kabayanihang ginawa ni Dane na pagtulong sa kanila.
“Dane”patulalang bigkas nila.
Makaraan ang ilang segundo ay agad nilang tinulungan si Dane para tapusin na ang dragon. Gamit ang natitira nilang sima at enerhiya ay nagawa nilang mapatay ang dragon.
“Sana, matapos na itong dragon na ito”dasal nila habang ipinagkatiwala nila kay Aries ang sunod na mangyayari.
Samantala, agad namang naramdaman ni Aries ang pagkamatay ng isang Exitium kaya ang sinasakyan niyang dragon ay pinatay niya para matapos na ang laban. Nang bumagsak ang dragong sinasakyan niya ay agad siyang nahulog sa isang gusali ng abandonadong siyudad.
Nakita naman ni Aries ang sitwasyon ng mga kasamahan niya na maraming sugatan, ang iba pa nga’y halos hindi makakalakad dahil sa mga sanggol na dragong umatake. Nang lumapit siya sa mga kasamahan niya ay hindi nila mapigilan sumaya dahil nakita na ulit siya ng mga kasamahan niya.
“Lider, mabuti naman at nakabalik ka na”tugon ni Argon.
“Pasensya na kayo kung naging tanga man ako noong bigla akong inatake ng dragon”pahingi ng tawad ni Aries sa mga kasamahan niya.
“Lider, may masamang balita! Marami po tayong sugatan, dalawa po doon sina Clark at Joel, tapos po si Dane, malubha po yong sugat niya”balita ni Prime.
“Ano bang nangyari kay Dane?”tanong ni Aries.
“Siya po ang nagpatay sa isang dragon kaso nataob din sa katawan niya ang kuko ng dragon”tugon ni Prime.
“Ang importante ay buhay ni Dane”sabi ni Aries. “Bumalik na ang lahat sa mga karwahe”utos ni Aries.
Matapos nakabalik ang lahat sa kanilang mga karwahe ay nagdesisyon naman si Aries na pabalikin ang mga kasamahan niya sa kampo para magpagaling.
“Argon, Anchor at Prime, diba kayo ang kanang kamay ko”palinaw ni Aries.
“Opo Lider”sagot nilang tatlo.
“Pabalikin niyo ng ligtas ang mga kasamahan natin, kayo na ang bahala”tugon ni Aries na ikinabigla nilang tatlo.
“Ano po ang ibig niyong sabihin lider, lahat po tayo’y babalik sa kampo diba”palinaw ni Argon.
“Argon, hindi pa nagtatapos ang paglalakbay ko, nagsisimula palang ako sa hangarin ko”sabi ni Aries.
“Ano ang ibig niyong sabihin lider na nagsisimula palang kayo?”tanong ni Anchor.
“Maglalakbay ako sa kalahating-mundo! Habang malapit na ako sa hangganan ay ako nalang ang magpapatuloy sa paglalakbay”paliwanag ni Aries.
“Lider, kailangan ka pa namin!”sabi ni Prime.
“Wag kang mag-aalala Prime, magkikita rin tayo ulit”tugon ni Aries. “Sige umalis na kayo, malayo pa ang lalakbayin niyo”sabi ni Aries.
Kahit ilang beses nilang pakiusapan si Aries ay hindi parin nila naiiba ang desisyon ni Aries kaya bumalik sila sa kampo na hindi kasama si Aries.
Nagawa naman nilang mapatay si Exitium sa laban. May mga sugatan naman silang kasama, mas mabuti na iyon dahil wala namang namatay sa pangkat ni Aries.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World 2: The Half World (Completed)
FantasyWar, pain, suffering and even death. Aries is giving his all to save the humanity from the dragons, even the world is against him. His journey is to travel the nest of the dragon which is called the remaining of the world "The Half-World" Will Arie...