"Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin, wala rin akong maaalala kung saan ako nanggaling, may nakikita akong mga malalaking nilalang na lumilipad at mga tao kaso wala parin akong natandaan, ano bang nangyari sa akin?"tanong ni Aries habang siya'y lumilipad sa walang hanggang kadiliman.
Matapos ang hindi mabilang na panahon ni Aries doon sa kadiliman ay agad namang naputol ang pag-iisip niya. Nang maidilat niya ang mga mata niya ay nabigla siya nang makita niya ang mga liwanag na sumisilaw sa kanya at nakita rin niya ang puting haligi ng kwarto.
Napatulala nalang siya bigla habang hinahawakan niya ang malambot na kamang hinihigaan niya. Hindi naman nakapagsalita nang maayus si Aries at hindi rin niya naiigalaw masyado ang katawan niya kaya patuloy lang siya sa paghihiga.
Habang nakadilat ang mata niya ay nagulat naman ang isang nurse na sa panahong iyon ay nagbabantay sa kalagayan niya.
"Gumising na siya"tulalang bigkas ng nurse habang siya'y nagmamadaling pumunta sa doktor.
Samantala, sa panahong iyon ay nag-uusap naman ang doktor at ang nanay ni Aries tungkol sa patuloy na paggamot ni Aries. Habang sila'y nag-uusap doon sa opisina ay nabigla naman sila nang agad pumasok ang nurse na nagmamadaling tumakbo.
"Anong problema? Bakit ka nagmamadali?"tanong ng Doktor sa nagmamadaling nurse.
"Dok, gising na po siya"bigkas ng nurse habang ikinagulat ng doktor at ang nanay ni Aries.
"Si Aries!?"palinaw ng nanay ni Aries habang dahan-dahang tumutulo ang mga luha niya.
"Opo Mrs. Alefen"sagot ng nurse sa nanay ni Aries.
Nagmamadali naman silang tumakbo patungo sa kwartong hinihigaan ni Aries kaya hindi mapigilang umiyak ni Janice, nanay ni Aries nang makita niyang nagising na ang anak niyang si Aries.
"Aries anak ko"pahinang bigkas ni Janice habang dahan-dahan niyang niyakap si Aries.
Nagulat naman si Aries nang makita niya ang isang babaeng yumakap sa kanya. Bago nag-usap sina Aries at ang nanay niya ay tinanong muna siya ng doktor.
"Iho, alam mo ba ang pangalan mo?"tanong ng doktor.
"A- Ar- ies, Ar-ies, Aries"pahinang sagot ni Aries.
"Mabuti Aries at alam mo parin ang pangalan mo"bati ng doktor kay Aries. "Aries, alam mo ba ang huling nangyari sa iyo?"tanong ulit ng doktor sa kanya.
"Hin-di ko po a-lam"sagot ni Aries.
"Aries, sa hindi mo alam, na comatose ka ng pitong-taon ang ibig sabihin doon ay wala kang malay nang pitong-taon, habang nakahiga dito nang pitong ay yong ina mo ang nag-alaga sa iyo"paliwang ng doktor na ikinabigla ni Aries. "Aries, alam mo ba kung bakit ka nacoma?"tanong ng doktor.
Hindi naman nakapagtanong si Aries kung bakit sapagkat tahimik lang siyang nakikinig sa doktor.
Ipapaliwanag sana nang doktor ang huling nangyari kay Aries sapagkat pinigilan naman siya ni Janice.
"Dok, wag niyo na pong isabi kay Aries ang huling nangyari sa kanya, ayaw ko pong maalala niya ang masakit na pinagdaanann niya"pakiusap ni Janice sa doktor.
Matapos chineck-up si Aries ay wala namang nakitaan na malalang sakit si Aries maliban lang sa utak nito.
"Mrs. Alefen, ang gawin niyo lang po ngayon ay kausapin ang anak niyo, tulungan niyo ang anak niyong maalala ang mga ala-ala niya, alam niyo namang kakagising palang niya"paliwanag ng doktor.
"Opo dok, at salamat po"pasalamat niya.
"Sige, kung may problema kayo ay puntahan mo lang ako sa opisina ko"sabi ng doktor.
"Opo dok"sagot ni Janice.
Nang umalis na ang nurse at ang doktor ay malaya nang kina-usap ni Janice si Aries. Agad naman niyang tinabihan si Aries sa kama.
"Aries, naalala mo pa ba ako?"tanong niya kay Aries.
Hindi naman agad nakagsagot si Aries subalit nagawa naman niyang maibigkas ang magpapaluha ulit sa kanyang ina.
"Inay"bigkas ni Aries.
"Aries, salamat at nagawa mo parin akong maalala"sabi ni Janice sabay yakap kay Aries.
Nagpatuloy naman sila sa pag-uusap hanggang sa unti-unti nang naalala ni Aries ang lahat maliban lang sa huling nangyari sa kanya.
"Aries, natatandaan mo pa ba ang mga sinulat mong nobela sa internet?"tanong ni Janice.
"Opo inay"sagot ni Aries.
"Aries, nais kong malaman mong naging kilala ang nobelang isinulat mo sa internet, sikat na sikat na ang nobela mo Aries"tugon ng nanay niya habang naging masaya ito para sa kanya.
"Nay, hindi ko po inaakalang sisikat po ang naisulat kong nobela sa internet"tugon ni Aries habang siya'y hindi makapaniwala.
Makalipas ang mga araw ay unti-unti namang pinagsasanay si Aries na lumakad, pitong-taon kasi siyang nakahiga lang habang ang ina lang niya'y nag-aalaga sa kanya. Kasama naman ni Aries ang mga nurse at doktor na nagbabantay lang sa kanya.
"Aries! Kaya mo yan! Lakasan mo lang ang mga tuhod mo!"sigaw nila kay Aries.
Naglakad naman si Aries subalit nadadapa naman siya dahil sa mahihina niyang tuhod. Tutulungan man nila si Aries subalit tinatanggihan naman sila nito.
"Kaya ko na ang sarili ko"bigkas ni Aries habang pinipilit niyang makatayo.
Napahanga naman silang lahat dahil sa hindi pagsuko ni Aries. Kaya nang tumayo ulit si Aries ay nagawa na nitong makalapit sa kanila nang hindi nangangailangan ng tulong.
"Ang galing mo Aries"palakpak nilang lahat.
Unti-unti namang sinasanay ni Aries ang katawan niya, lagi siyang naglalakad, nagbabasa din siya at nagsusulat. Isang linggo nang nananatili si Aries doon at halos kabisado na niya ang buong ospital at kilala na niya ang mga pangalan ng mga doktor at nurse doon.
Isang umaga habang naka-upo si Aries sa wheelchair sa harap ng magandang hardin ay bigla namang may lumapit sa kanya na isang magandang babae, isang dalagang babae na kasing-edad niya na may dala-dalang bulaklak at mga prutas. Hindi naman niya kilala ang babae subalit sa isip at puso niya ay alam niya na matagal na niya itong kilala.
"Magandang umaga Aries"pangiting bati ng babae sa kanya.
"Magandang umaga rin"bati rin ni Aries sa babae.
"Aries, nakikilala mo pa ba ako?"pangiting tanong ng babae.
Hindi naman nakapagsagot si Aries dahil hindi kasi niya alam kung ano ang pangalan ng babae.
"Aries, ako nga pala si Amille yong kaklase mo sa 3rd Year High School noon"pakilala ni Amille na ikinabigla ni Aries. "Ikinagagalak ko ang pagbabalik mo Aries"dagdag ni Amille habang ngumiti siya na kasabay ang pagpatak ng mga luha sa mata niya.
Dahil sa naalala ulit ni Aries si Amille ay naalala din niya ang masalimuot na pangyayari noon sa paaralan niya, pero tinanggap naman niya ito.
Ikinuwento naman ni Amille kay Aries ang mga nangyari nang siya'y nawalan nang malay sa mundong ito. Maraming ikinuwento si Amille kay Aries isa na doon ang pagiging kilala ni Aries sa mundo na siyang sumulat sa nobelang sumikat sa internet.
"Aries, ito ngayon ang nobelang isinulat mo, madami ng kopya ng libro ang naibenta mo sa kahit anong sulok ng mundo"paliwanag ni Amille habang ipinakita niya kay Aries ang mga kopya ng libro niya mula sa mobile phone.
Habang patuloy na nagkukuwento si Amille kay Aries, ay nakikinig lang pala sa labas si Janice sa dalawa.
"Aries, matagal hinintay ni Amille ang pagising mo, kung pitong-taon kang nawala dito sa mundo ay pitong-taon din ang paghihintay niya"bigkas ni Janice na tanging siya lang ang nakakarinig.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kung iniisip ni Aries na siya'y iniwanan ng kanyang ina ay nagkakalali pala siya, sa katunayan hindi naman talaga inabandona ni Janice si Aries, ginawa lang niya ang bagay na iyon dahil sa trabaho. Alam naman niyang malaki ang kasalanan niya kay Aries kaya gusto niyang magsikap sa pagtra-trabaho upang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang anak niya.
Habang siya'y abala sa kanyang mga ginagawa, mula sa isang tawag sa cellphone ay nabalitaan nalang niyang ilang araw nang nakabulagta si Aries sa kwarto ng bahay nila. Salamat kay Amille, kaklase ni Aries na siyang unang nakakita kay Aries sa kwarto niya.
Pagkatapos naidala sa ospital si Aries ay nagkaroon naman ng problema si Aries sa utak niya, dahil sa maraming problemang iniisip niya at dumadagdag pa ang walang pahinga at walang kain at depresyon ay dahilan iyon na nagpacoma kay Aries.
Simula noon ay inalagaan na nila si Aries, kapag naging abala si Janice ay pumapalit naman sa pwesto niya si Amille para mag-alaga kay Aries. Minsan nakikita pa nga ni Janice na umiiyak ito habang kinakausap ang walang malay na si Aries.
"Amille, pagpasensyahin mo na ako, alam kong isa ako sa dahilan kung bakit nagkaganoon si Aries"pahinang sabi ni Janice habang humihingi siya ng tawad hindi lang kay Amille at Aries kundi pati narin sa sarili niya.
-----
Samantala, habang abalang nagtratrabaho si Amille ay nabigla naman siya nang mabalitaan niya ang muling paggising ni Aries. Gusto sana siyang puntahan agad si Aries sapagkat hindi pa siya handa para sa muli nilang pagkikita. Mga isang linggo muna ang hinanda niya para makita muli si Aries. Habang bit-bit niya ang bulaklak at prutas ay muli na niyang nakita si Aries habang naka-upo ito sa wheelchair na nagmamasid lang sa hardin.
"Aries!"bulong ni Amille habang napaluha nalang.
Pinilit niyang ipakita ang ngiti niya kay Aries nang sila'y magkita muli.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa kasalukuyan, matapos ang ilang linggong pananatili doon ni Aries ay pinalabas narin siya sa ospital, kasama niya ang kanyang nanay, si Amille at sampung lalaking bodyguard ni Aries. Habang nasa kalagitaan sila ng harap ng ospital ay pinagguguluhan naman sila ng mga tao at mga reporter na nagbabalita na may kasamang mga taong may camera.
"Aries, maaari ko pa ba naming makapanayam"pakiusap ng mga reporter.
Nagulat naman si Aries habang nakasakay siya sa wheelchair na tulak-tulak ng isang lalaki. Pinipigilan ng mga bodyguard ang mag tao na makalapit kay Aries sapagkat maaari siyang mapahamak.
"Alam niyo naman ang sitwasyon ngayon ni Aries at kakagising pa niya mula sa pagkacoma niya, pakiusap lang wag muna ngayon"paliwanag ni Janice sa mga reporter.
"Misis, isang tanong lang naman, wala naman pong masama sa isang tanong lang po diba"tugon ng reporter.
"Pasensya na, kailangan na talaga naming makaalis dahil magpapahinga muna si Aries"paliwanag ni Janice sa mga reporter.
Nang makapasok na sina Aries, Amille at Janice sa isang magarang kotse ay nalilito naman si Aries sapagkat hindi niya naiintindihan kung ano ang nangyayari sa labas.
"Inay, bakit gusto po nila akong makausap?"tanong ni Aries.
"Aries, di ba sinabi ko sa iyo na naging sikat ang nobelang isiunulat mo"paliwanag ni Janice.
"Oo alam ko, pero ano naman iyong mga taong iyon?"tanong ni Aries habang tinutukoy ang mga reporter.
"Aries, tingnan mo ang labas"bigkas ni Janice.
Habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe ay agad namang napatingin si Aries sa bintana na kung saa'y kitang-kita niya mismo ang paligid na maraming tao. Dahil sa sobrang dami ay agad nagkaroon ng pansamanatalang traffic.
May dala-dala naman itong mga karatula na nakasulat ang pagrerespeto, pasasalamat at pagbabati nila kay Aries.
"Aries, kinagagalak namin ang pagbabalik mo!"
"Aries, salamat at naisulat mo ang nobelang iyon!"
"Aries, hangang-hanga kami sa iyo"sigawan nila.
Ngayon palang napagtanto ni Aries na ang pangalan niya ay sumikat din pala. Hindi niya alam na dahil sa maraming kopya ng nobela na naibenta ay naging bilyonaryo na si Aries, nagkaroon na rin ng mga adaptations ang nobela niya na pumatok sa masa.
"Aries, sikat ka na ngayon"sabi ni Amille.
"Aries, hindi ko nga inaakala na magiging sikat ka dahil sa naisulat mo"sabi ni Janice.
Nang makarating na sila sa bahay nila ay hindi na mailarawan ni Aries ang tahanan niya na minsa'y ibandona siya. Malaki na ang bahay, may malaking gate na sa labas, may sarili narin itong swimming pool at marami pang iba nadagdag na wala noon sa huling natatandaan ni Aries.
Naghihintay din sa labas ng kanyang bahay ang dati niyang mga kaklase na ngayon ay mga professional na. Sa kabila nang pagkaprofessional nila habang si Aries nama'y natigil sa pag-aaral ay lahat parin sila'y nagrespeto kay Aries.
"Aries, hangang-hanga kami sa iyo!"sigaw nila.
Napaluha nalang si Aries dahil ang pagsasakripisyo at pagtitiis niya noon ay napalitan na nang magandang kinabukasan ngayon.
Binasa naman ulit ni Aries ang sinulat niyang nobela na kung saa'y nalaman na niya kung ano ang mga nilalaman nito. Isang librong tungkol sa lalaki na napunta sa ibang mundo para iligtas ang mundong iyon sa mga dragon.
Pinagpatuloy naman ni Aries ang buhay niya na naputol noon.
Naging asawa na niya ngayon ang hinahanggan niya noon na si Amille at sa makalipas ang mga taon ay nabiniyayaan sila ng isang lalaking sanggol na pinangalan nilang si Ariel, na galing sa kanilang pangalan na Aries at Amille.
Nagpatuloy naman sa pag-aaral si Aries hanggang sa naging guro na siya na matagal na niyang pinapangarap.
Nagpatayo naman ng sariling bahay si Aries, isang malaking bahay o matatawag na Mansion.
Pinagpatuloy naman ni Aries ang pagsusulat niya ng mga kwento na isa sa mga kinahiligan niya.
Hindi na niya inaakalang magiging ganito ang buhay niya, na noon ay masasabi mong mawawalan na siya nang pag-asa dahil sa mga problema.
"Tinuruan ako ng sarili kong nobela na sa kahit anong pagsubok, problema ay kailanma'y wag kang mawawalan ng pag-asa, patuloy lang sa pagsasakrispyo sapagkat darating ang panahon na ikaw ay irerespeto"bigkas ni Aries habang binasa niya ulit ang librong isinulat niya.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Naging guro si Aries sa isang asignatura sa elementarya dahil sa kahiligan niya sa mga bata.
"Mga bata tandaan niyo na wag kayong susuko kahit may problema mang darating sa buhay niyo, patuloy lang sa laban! Tulad ng mga bida na kailanma'y hindi sumuko sa laban"paalala ni Aries sa mga bata.
"Sir Aries, totoo po bang ikaw ang nagsulat sa isang nobelang sumikat noon?"palinaw ni Alexis, estudyante ni Aries.
"Oo, Alexis ako nga"sagot ni Aries.
"Sir Aries, bakit niyo po kahawig ng pangalan, ang bida sa librong isinulat niyo?"tanong ni Joy.
"Syempre ako ang nagsulat dapat ako rin ang bida, kaya ang pangalan ko ang ibinida ko"patawang sagot ni Aries.
"Ang daya niyo po Sir Aries, dapat po pangalan namin"sabi ni Hanziel.
"Wala pa kasi kayo sa panahong iyon, kaya wala akong naisip maliban lang sa pangalan ko"sabi ni Aries.
"Ganoon ho ba! Sir Aries, maaari po ba naming malaman ang pamagat ng nobelang isinulat niyo"pakiusap ni Joy habang nagsing-ayunan ang lahat.
"Gusto niyo talagang malaman"tugon ni Aries sa mga estudyante.
"Opo sir Aries!!"sigaw ng mga bata habang sila'y sabik na sabik na.
"Ang pamagat ng isinulat kong kwento ay walang iba kundi ang Myself in Another World"paliwanag ni Aries sa mga bata. "Myself in Another World"pahinang bigkas ni Aries habang biglang dumaan ang simoy ng hangin kasabay ng paglipad ng papel sa himpapawid.
Napatingin naman si Aries sa paglipad ng papel sa himpapawid...And the Journey Ends...
BINABASA MO ANG
Myself in Another World 2: The Half World (Completed)
FantasyWar, pain, suffering and even death. Aries is giving his all to save the humanity from the dragons, even the world is against him. His journey is to travel the nest of the dragon which is called the remaining of the world "The Half-World" Will Arie...