(Vol. 1) Chapter 6: Astaroth, The Fire Dragon

87 23 7
                                    

Hindi naman makapaniwala si Hert na nagawa pang mabuhay ni Aries sa sitwasyong niyang iyon, kahit nakaalis na sila ay hindi parin mawala sa isipan niya ang nagawang imposible ni Aries.

"Aries, paano mo natakasan ang ahas na iyon?"pabiglang tanong niya kay Aries.

"Pinatumba ko yong ahas"sagot ni Aries na parang wala lang sa kanya ang pagsagot.

"Ano? Sa hamog na iyon? Tapos sa kondisyong mong iyan? Tapos makapangyarihang ahas pa, ano ka ba Aries? Isa ka bang Diyos?"pabiglang tanong ni Hert .

"Kung isa akong Diyos, Hert, matagal ko na sanang binigyan ng kapayaan ang mundo"bigkas ni Aries na parang nagpapatawa siya kay Hert.

Lumipas na ang ikalawang araw ng kanilang paglalakbay subalit hindi parin sila nakakarating sa lungga ng dragong tinutukoy ni Hert. Marami na silang nadaanang mga lugar na ngayon lang nila nakita, marami narin silang nakitang mga puno at halaman nasa labas lang ng pook makikita. Ang pinakakaibang nakita nila sa kanilang paglalakbay ay ang isang makalumang simbahan na dinadapuan na ng mga halamang ugat.

Dahan-dahan naman silang bumaba para inspeksiyonin ang buong simbahan. Nangangalap din sila ng mga impormasyon baka may makuha silang impormasyon kung ano ba talaga ang nangyari sa sinaunang panahon.

"Ito ang patunay na may naninirahan talagang tao dito sa lugar na ito"bigkas ni Ox.

"Ox, matagal na kaming pumupunta ng mga kasamahan ko rito pero hindi parin namin naiintindihan kung anong klase itong simbahan"bigkas ni Hert.

Pumasok naman sila sa loob ng malaking simbahan kaya tumambad sa kanila ang maraming upuang nakalinya bawat gilid. Kahit alam ni Aries ang simbahang iyon ay wala naman siyang alam kung anong simbahan ang nandoon sapagkat wala ng rebultong nakalagay sa harap ng altar.

Dahan-dahan namang dumilim ang paligid kaya nagdesisyon nalang sila na doon nalang magpalipas ng gabi. Naghapunan sila habang kanya-kanya silang nakaupo sa mga upuan na nakalagay sa loob ng simbahan.

"Bahala na kayo kung saang pwesto kayo matutulog"paalala ni Hert sa lahat.

Kinabukasan ay nagpatuloy naman sila sa kanilang paglalakbay. Habang nasa malayo pa sila ay dinig na dinig na nila ang isang malakas na dagundong na nangagaling sa isang bundok. Itinuro naman ni Hert ang maliit na bundok na naging lungga ng dragon.

"Malapit na tayo!"paalala ni Hert sa mga kasamahan niya.

Bago sila nagpatuloy ay pinasok muna nila ang kagubatan kaya hindi mapigilang maluha ni Hert nang makita niya ang mga sira-sirang karwahe ng dati niyang kasamahan na nakahandusay sa lupa na inatake ng dragon. Sa paglilibot niya sa buong kagubatan ay nakita pa niya ang mga bangkay ng mga kasamahan niya na nasunog, ang iba pa nga'y buto-buto nalang ang natira dahil sa nasunog na ang buong katawan.

"Pagpasensyahin niyo na kung hindi ko man kayo natulungan, alam kong ginawa niyo pa ang lahat para makatakas, alam kong marami sa inyo ang umiiyak, nagtitiis"bigkas ni Hert habang pinagmamasdan niya ang mga nasawing kasamahan niya.

Binigyan naman niya nang mapayapang libing ang anim na kasamahan niyang nasawi kaya pagkatapos ay pinagpatuloy na niya ang paglalakbay nila patungo sa maliit na bundok.

Agad naman nilang ipinastol ang mga kabayo nila sa damuhang bahagi ng kagubatan at itinago rin nila malapit doon ang mga karwahe nila. Kinuha din nila ang kani-kanilang mga sandata.

"Maghanda na kayong lahat, maglalakad na tayo papunta sa maliit na bundok"tugon ni Hert.

"Wag muna kayong magpapakita sa dragon, magpaplano muna tayo kung pa-paano tayo aatake"paliwanag ni Shin sa lahat.

"Masusunod po si Shin"sagot nila.

Kanya-kanya naman silang nagtago habang sila'y nakatingin sa dragon. Samantala, wala namang ginagawa ang dragon habang nakahiga lang ito sa lupa.

Nalito naman sila kung ano ang kanilang gagawin, alam kasi nilang makapangyarihan ang dragon kaya wala sa kanilang plano ang aatake agad. Habang sila'y nakapwesto na hawak-hawak ang kanilang sandatang espada at pana, hindi naman nila aasahan na biglang dumagondong ulit ang dragon sa pangalawang pagkakataon.

"Ano bang nangyayari nahanap na ba niya tayo?"tanong nila kay Shin.

"Wag kayong mag-aalala, ganoon lang talaga ang ugali ng mga dragon"sagot ni Shin.

Makaraan ang ilang minuto ay agad naman nilang nakita ang lima pang dragon na lumapit sa makapangyarihang dragon. May dala-dala itong mga pagkain tulad ng patay na hayop, tapos ibinigay nila ito sa makapangyarihang dragon. Pinagmasdan lang nila ang mga kilos ng mga dragon hanggang sa ito'y nagsisi-alisan na.

"Itong dragon siguro ang hari nila rito sa lugar na ito"bigkas ni Ox.

"Sir Ox, sa tingin niyo po mga ilang porsyento ang tsansa na matalo natin ang dragon na iyan kung aatake tayo?"tanong nila kay Ox.

"Porsyento baka mo? Kung iisipin ang nasa sampung porsyento lang na magtatagumpay tayo, marami na tayong nakakaharap na dragon, kahit ordinaryong dragon palang iyon ay mahirap nang talunin, ano pa kaya kung makapangyarihang dragon pa?"paliwanag ni Ox na ikinagulat ng mga kasamahan niya.

"Ang ibig mo bang sabihin Sir Ox, kung aatakehin tayo ng dragong iyan ngayon ay siguradong mauubos tayo?"palinaw niya kay Ox habang siya'y natatakot na.

"Wala naman akong sinabing mauubos tayo, ang ipinapahiwatig ko lang ay mahirap lang talunin ang dragon, diba sinabi kong may sampung porsyento, may tsansa pa naman tayong magtagumpay"paliwanag ni Ox.

Nagtagal pa ang kanilang pagtatago, pero ang tahimik na bumabalot sa kanilang paligid ay naputol nang biglang sumugod si Hert sa dragon na may hawak-hawak na espada.

"Ipaghihiganti ko ang mga kasamahan ko!"sigaw ni Hert na biglang ikinagulat ng lahat.

Agad namang lumipad ang dragon dahil sa nabigla din ito kay Hert. Pinagmasdan naman nina Shin at Ox pati na ang mga kasamahan nila ang dragon kaya agad nilang nakita na aatake ito kay Hert.

"Hert! Mag-ingat ka! Aatakehin ka ng dragon!"sigaw nila.

Nagulat naman silang lahat dahil wala silang magawa upang matulungan si Hert, kahit iilag pa si Hert ay matatamaan parin siya sa pagbuga ng dragon.

"Pasensya na kayo! Mukhang dito na yata magtatapos ang buhay ko, masasamahan ko na rin ang mga kasamahan kong namatay"bigkas ni Hert sa kanyang sarili habang handa na siyang mamatay.

Mabilis namang nakatakbo si Aries kaya agad niyang itinulak nang malakas si Hert na dahilan nang pagkailag nito sa pagbuga ng dragon subalit ang naging kapalit nama'y ang pagkatama ni Aries sa pag-atake.

Nakatulala naman si Hert nang makita niyang iniligtas siya ni Aries.

"Pangalawang pagkakataon na ito Aries"bigkas niya habang siya'y nakatulala kay Aries.

Kahit may sugat si Aries sa katawan ay nagawa parin niya itong matiis. Hindi naman agad nakagalaw si Aries nang umatake ulit ang dragon. Pero mabilis namang inutusan nina Shin at Ox ang mga kasamahan nila na pigilan ang dragon.

"Atakehin niyo ang dragon! wag niyong hahayaang maka-atake ulit siya sa pangalawang pagkakataon"utos nina Shin at Ox.

Mabilis naman nilang pinana ang dragon, ang iba'y ginamit nila ang kanilang mga mahika.

Hindi naman naituloy ng dragon ang pag-atake niya dahil sa mga isturbong mga pana at mahika na tumatama sa katawan niya kahit hindi siya natatablan.

"MAG-INGAT KAYO! KAYO NA ANG PUNTIRYA NG DRAGON!"sigaw ni Hert na parang nauubusan na siya ng boses.

Mabilis namang nakapagtago ang lahat sa kani-kanilang mga pwesto nang umatake sa kanilang ang dragon. May kaunti namang natamaan sa apoy ng dragon pero wala namang nasawi sa kanila.

Ang iba namang hindi inatake ay patuloy na pinupuntirya ang dragon.

"Mata ng dragon ang puntiryahin niyo!"bigkas ni Aries sa lahat ng mga pumapana sa dragon.

Sinunod naman nila ang sinabi ni Aries sa kanila kaso nahihirapan sila na tamaan ang mata dahil sa gumagalaw ang dragon sa ere.

"Mauubusan nalang tayo ng sima nito"tugon nila habang pilit nilang pinapana ang dragon.

Nagpatuloy naman sila sa pagpapana hanggang sa biglang lumapit ang dragon sa kanila. Dali-dali naman silang nagtago. Ang paglapit naman ng dragon ay magandang pagkakataon kina Shin at Ox para atakehin ng malapitan ang dragon. Nagawa naman nilang dalawa na hiwain ang tiyan ng dragon.

"Salamat sa paglapit"patawang palasamat ni Shin sa dragon.

"Nakaisa narin kami sa iyo"pangiting sabi ni Ox.

Dumagondung ulit ang dragon sa pangatlong pagkakataon dahil sa masakit na pagtama sa kanyang tiyan. Naghiganti naman ulit ang dragon sa pamamaraan ng pagbuga niya ng mga apoy sa paligid.

Lahat naman sila'y nakapagtago sa mga maliliit na kweba para hindi sila masunog. Habang patuloy na sinusunog ng dragon ang buong paligid ay natatandaan na ngayon ni Aries ang dragon na kalaban nila ngayon.

"Ito pala yong dragon na umatake sa siyudad ng Rellic at ang pumatay kay Tina"bigkas ni Aries habang naalala niya ang mga bagay na iyon.

Hindi parin tumigil ang pagbuga ng dragon kaya makalipas ang tatlong minuto ay huminto rin ito.

"Tapos na ba ang dragon?"tanong nila habang sila'y naninigurado.

Dahan-dahan naman silang tumingin sa paligid kaya nagulat nalang silang lahat nang makitang sunog na ang paligid na kanilang tinatayuan, mahihirapan naman sila ngayon na atakehin ang dragon dahil sa mala-impiyernong init at apoy na bumaabalot sa paligid nila. Nagrereklamo na nga ang iba dahil sa hindi makayanang init ng paligid.

"Lider, hindi ko po matiis ang init rito"reklamo nila.

"Maghanap kayo ng ibang pwesto!"sagot ni Hert sa mga kasamahan niyang mamamana.

Naglakad-lakad naman sila upang maghanap ng magandang pwesto pero ang hindi nila inaakala ay pinuntirya na pala sila ng dragon dahil sa lumabas sila sa tinataguan nila. Dalawa sa kanila doon ay walang swerteng natamaan sa kuko ng dragon, habang ang iba nama'y nagalusan lang.

Ang dalawang natamaan ay parehong duguan na nakahandusay sa lupa. Ang mga nagalusan nama'y dahan-dahang gumagapang para kunin ang dalawang kasamahan nilang nakahandusay.

Samantala, mahihirapan na silang makatulong sa iba dahil sa sitwasyon ng paligid nila tapos nagkawatak-watak pa sila. Sina Aries at Hert ay parehong nasa gitna, ang pangkat naman ni Ox ay nasa ibang parte ng bundok at nasa ibang parte naman ang pangkat ni Shin. Tapos nagkakaproblema narin ang pangkat ni Hert dahil sa mga sugatan.

"Patuloy parin ang laban!"sigaw ni Hert habang siya'y nagagalit na sa dragon.

Habang hawak-hawak ng iba ang pana ay patuloy nilang pinupuntirya ang mata ng dragon at ang iba nama'y hawak-hawak ang espada ay ginagamit nila ang kanilang mga mahika. May pagkataon namang lumalapit ang dragon sa kanila para atakehin sila ng pisikalan sapagkat pinipigilan naman ito nina Ox at Shin na parehong magagaling sa paggamit ng espada.

Paulit-ulit lang nilang ginagawa ang mga pag-atake nila, sa tuwing bumubuga ng mga apoy ang dragon ay nagsisitaguan naman sila sa kani-kanilang mga pwesto para hindi sila matamaan.

Patuloy nilang pinupuntirya ng dragon hanggang sa natatablan ng ang dragon sa kanilang mga pana at mahika. Namamalayan naman ng lahat na parang nasasaktan na ang dragon.

"Patuloy lang sa pag-atake! Wag kayong hihinto!"sigaw ni Hert habang nasisiyahan siya dahil mapapatumba na nila ang dragon.

Pumana sila nang pumana, ginagamit nila ang kanilang mga mahika hanggang sa bumagsak na ang dragon sa lupa. Hindi naman gumalaw ang dragon nang ito'y makita nila kaya habang nasa lupa pa ang dragon ay mabilis naman itong nilapitan ni Aries para tapusin na ang laban.

Hindi naman aakalain nang lahat na magawa pang makagalaw ang dragon kaya nang pumalapit si Aries ay agad itong natamaan sa kuko ng dragon. Hindi naman sumuko si Aries kaya pinilit parin niyang makalapit sa dragon upang itaob ang espada niya sa puso ng dragon pero hindi parin siya nagtagumpay.

Hindi nagtagumpay si Aries dahil agad siyang hinampas ng dragon na dahilan nang pagkatapon niya sa malayo. Dahil sa pagkatapon ni Aries ay lalo pang nainis si Hert kaya agad siyang naghiganti para kay Aries. Matutusok na sana niya ang espada niya sa puso ng dragon kaso mabilis itong lumipad patungo sa himpapawid.

Nakatingala silang lahat sa dragon na lumilipad sa himpapawid.

"Ano bang ginagawa niyo? Panain niyo ang dragon!?"pasigaw na utos ni Hert.

Dali-dali naman nilang pinana ang dragon dahil sa utos ni Hert kaso hindi na natatamaan ang dragon dahil nasusunog na ang kanilang mga sima. Nagtataka na silang lahat ngayon kung bakit hindi na nakakarating sa dragon ang mga sima nila.

"Ano bang nangyayari bakit hindi na tumatama sa dragon ang mga pana natin?"tanong nila.

"Ewan ko, ngayon ko palang yan nakita eh!"sagot ng iba.

Maya-maya ay bigla namang nag-iba ng anyo ang dragon, ang dating ordinaryong mga kaliskis nito ay umaapoy na, sa ibang salita ang dragong kaharap nila ngayon ay umaapoy na. Nagiging agresibo narin ito at lumakas pa nang lumakas, at ang pinoproblema na nila ngayon ay kung pa-paano tatalunin ang dragon, hindi na nga makakaabot ang pana sa dragon dahil masusunog ito, paano na kaya kung pisikalan na siguradong masusunog sila kapag lalapit sila sa dragon.

"Mukhang mahihirapan na tayo rito"bigkas ni Ox.

"Kaya nga makapangyarihan ang dragon na kalaban natin"pangiting sabi ni Shin habang siya'y nagagalit na.

Napatingala naman si Hert habang hindi alam kung anong sunod na gagawin, tulala lang siya kaya makaraan ang ilang minuto ay nagkamalay narin siya dahil patuloy na sigaw ng mga kasamahan niya.

"Lider, ano po ang gagawin natin?"tanong nila kay Hert.

Nag-isip pa nang nag-isip si Hert, pero kahit pigain pa ang utak niya ay wala na siyang natitirang paraan para talunin ang dragon.

Samantala, nagawa pa namang makagalaw ni Aries sa kabila nang pagkatama ng dragon sa kanyang tiyan.

"Ang natitirang paraan nalang natin ngayon ay pagsasakripisyo"pahinang sabi ni Aries na tanging si Hert lang ang nakarinig.

"Aries, ano ang ibig mong sabihin?"tanong ni Hert.

"Kung masusunog man ang pana, gagamitin natin ang ating mga espada, diba ganoon lang ka simple"sagot ni Aries habang pilit na ginagalaw ang katawan.

"Aries, masusunog na tayo kapag lalapit tayo sa dragon, tapos may tsansang masasawi tayo kapag hindi nakayanan"reklamo ni Hert.

"Kaya nga may magsasakripisyo sa atin"sabi ni Aries na ikinagulat ni Hert.

[Tatlungpu't-anim(36) silang mga dragon slayer kalaban ang umaapoy na dragon na si Astaroth, miyembro ng 7 Holy Dragons. Kasalukuyang may dalawa silang sugatang mamamana na hindi na makakalaban pa kaya tatlungpu't apat(34) nalang ang aktibo sa kanila sa laban. Labingwalo(18) sa kanila ay mga swordsman kasama na doon sina Hert, Aries, Ox at Shin, samanatalang labing-anim(16) sa kanila ay mamamana.]

Myself in Another World 2: The Half World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon